3rd Person POV:
"Congrats, Mr. and Mrs. Cenicero kambal na babae ang inyung anak." sabi ng doctor nang magising na si Sarah sa pagkakahimbing pagkatapos niyang manganak.
"Heto na po ang anak nyo." sabi ng isang nurse na may kargang baby ang isang nurse naman inabot ang isa pang sanggol kay Joseph, asawa ni Sarah.
"Naku, sir, ang gaganda po ng mga anak nyo. Nagmana po sa inyo ni maam Sarah." papuri ng maid nila nang sumilip ito sa mga anak nila.
"Anong gusto mong ipangalan sa kanila, Hon?" tanong ni Joseph kay Sarah.
"Pwede ko ba silang kargahin ng sabay?" tanong ni Sarah sa nurse kaya inalalayan siya nito kung paano magkarga ng dalawang sanggol saka niya tinitigan ang mga anak niya. "Itong nasa kaliwa ko ay si Artemis Hope." Gising si Artemis at gumalaw-galaw pa ito. "At itong nasa kanan ay si Athena Faith." nakangiting sabi ni Sarah sa sanggol na natutulog. Napangiti siya nang makita ang kaibahan na ng dalawa niyang anak.
"Nice names, Hon." papuri ni Joseph saka hinalikan ang mga noo ng mga anak niya saka ang noo ni Sarah.
"Ang gagandang pangalan mga Goddess po bagay na bagay sa mga anak nyo, maam, sir." papuri rin ng maid nila.
Pagkatapos ng ilang oras na nakasama na nila Sarah at Joseph ang anak nila na sina Artemis Hope and Athena Faith Cenicero ay nagpahinga muna sila ng ilang oras saka nila naisipang umuwi na.
"Yaya, ikaw muna ang humawak kay Faith para hindi mahirapan si Sarah sa paghawak." Utos ni Joseph.
Habang nagbibiyahe pinadede ni Sarah si Artemis habang si Athena ay nakatulog ulit sa bisig ng yaya niya na nagvivideo sa kanilang mag-asawa at sa mga bata nang biglang mag-ring ang cellphone ni Joseph.
Binunot ni Joseph ang phone niya habang nagdadrive. "Hello?" sagot niya hindi niya tiningnan kung sino ang tumatawag.
[si Jeffrey to, brad. Kumusta ang panganganak ni Sarah?]
Natigilan nang kaunti si Joseph nang marinig ang tanong ng kakambal niyang kapatid na gangster. "Ayos lang napatawag ka yata?"
[Gusto ko lang sabihin sayu na mag-ingat kayo lalo na sa pamangkin ko. Pasensya na, brad, may nagawa akong Mali sa grupo ko, eh, kaya pinaghahanap nila ako ngayon.]
"What the hell, Jeffrey?! Bakit hindi mo naisip na pweding nadamay ang pamilya ko sa kalokohan mo?!" galit na sigaw ni Joseph.
"Hon? What's wrong?" alalang tanong ni Sarah sa asawa.
[Magpapabook ako para sa inyu papuntang Australia. Aayosin ko muna ang gulo ko rito saka kayo bumalik dito. Maniwala ka sakin, brad, aayosin ko ito.]
"Dapat lang----!"
"Ahhh!!!" Sigaw ng mga babae nang biglang magbreak ng sasakyan si Joseph dahil may biglang humarang sa daan nila.
[Anong nangyayari sa inyo?]
Natahimik silang lahat sa loob ng kotse at tiningnan kung sino ang mga tao na humarang sa kanila at nanlaki ang mga mata nila nang mabilis na lumabas ang mga taong yun na may dalang mga baril kaya mabilis na pinatago ni Joseph si Sarah pero inuna ni Sarah si Artemis habang si Yaya ay nagtago sa likod ng upoan ni Sarah saka sila pinapaputokan ng baril.
In-off ng yaya ang video saka nagmadaling lumabas sa kotse nang tumahimik na ang lahat pero nakita siya ng isa pang gangster kaya binaril siya pero buti nalang at sa braso lang siya natamaan kaya patuloy lang siya sa pagtakbo lalayu sa lugar na yun karga-karga si Athena na umiiyak na dahil sa ingay at dahil patay na rin sina Sarah at Joseph pero hindi niya maabot si Artemis kaya iniwan nalang niya ito doon.
BINABASA MO ANG
COC#2- Twins
ActionSabay na pinanganak pero lumaking magkahiwalay. Ang isa lumaki sa tamang gawain Ang isa lumaki sa maling gawain Nang silay muling magkita, Malalampasan ba ang mga pagsubok na darating sa kanila nang sabay o nang magkahiwalay?