Chapter 28

71 4 0
                                    

Artemis POV:

Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Athena dito sa hospital at napabuntong hininga nang makita si Lux doon at nag-iwas naman siya ng tingin nang makita ako. Pinakiramdaman ko si Angelo kasi simula kaninang umaga ay milagrong wala siyang pinapagawa katulad ng inuutos niya kay Athena noon kaya lakas loob kong tinanggal ang radio sa tenga ko saka lumapit kay Lux na nakatingin lang kay Athena na wala pa ring malay simula kahapon na isinugod siya dito.

"Any news about her?" Bulong na tanong ko sa kanya pero umiling lang ang lalaki. "Bakit hindi pa rin siya nagigising, Lux?" alalang tanong ko sa kanya pero kay Athena ako nakatingin.

"My co-doctor said na gising na ang diwa niya pero siya ang ayaw gumising." napakunut-noo ako sa sinabi niya.

"What do you mean?" nakatinging tanong ko sa kanya.

"Athena... Doesn't want to wake up... Maybe because she's tired."

"Is that possible?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Yes... Yun yung... Gising na ang diwa ng isang tao pero ang kaluluwa niya ay naglilibang pa sa kung saan."

Hindi ko maintindihan kung dapat ko bang paniwalaan tong kalokohang naririnig ko sa kanya pero nang tingnan ko kapatid ko ay nararadaman kong baka tama si Lux. Pagod na ang kapatid ko sa sitwasyon niya. One month siyang pinahirapan ni Angelo noon na hindi pa namin nalalaman kung nasaan siya at may seven years pa nang inakala naming patay na siya tapos ngayong andito naman siya sa tabi namin may nakaturok ng kung anong hinayupak sa tiyan niya dahilan nang unti-unting pagbagsak ng sistema niya kaya siguro ngayon ay ayaw niya munang gumising dahil pagod na siya.

Napatingin ako kay Lux nang nakatayo na pala siya sa harap ko at inabutan ako ng panyo nang nagugulohang tiningnan ko lang siya ay nagulat ako nang punasan niya ang pisngi ko so there I realized na umiiyak na pala ako habang iniisip ang sitwasyon ng kapatid ko.

"Everything is gonna be alright." bulong na sabi pa niya sakin.

Inabot niya pa ang isang bungkos ng bulaklak dahil dalawa ang dala niya siguro para sa kapatid ko na kahit alam niyang hindi iyun makikita ni Athena at binigay niya sakin ang isa na inabot niya.

"Happy birthday, Hon."

Tinanggap ko ang bulaklak niya at di na napigilan pang ngumiti dahil nakalimutan kong birthday nga pala namin ng kakambal ko. "Thank you." sagot ko saka lumapit kay Athena at hinalikan siya sa noo then hinaplos ang pisngi niya. "Happy birthday, kakambal ko... I won't force you to wake up... Not for me, neither for Tito nor for Liam... If you want to get rest well then be it... You deserve it. I love you." kinuha ko ang kamay niya at hinaplos iyun sa pisngi ko.

"Gusto mong kumain?" napatingin ako kay Lux dahil sa invitation niya.

Alam kong nasasaktan ko na si Lux dahil hindi siya ang kasama ko kahapon instead ay si Liam dahil lang sa pinaplano kong ito pero nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng understanding na boyfriend sa katauhan niya kaya ngumiti na ako at tumango kaya nauna siyang maglakad sa pinto at binuksan iyun pero hinintay niya akong maunang lumabas kaya naglakad na ako at naunang lumabas saka siya lumabas at sinara ang pinto.

Nagsignal ako kay Lux ng 'ssshh' saka binalik sa tenga ko ang radio ni Angelo pero as usual kaluskos niya lang ang naririnig ko kaya napangiti ako na tiningnan si Lux habang naglalakad palabas ng hospital dahil nasa labas ang cafeteria nila kung saan minsan dito din kami kumakain. Kinuha ko ulit ang radio sa tenga ko pagkapasok namin sa cafeteria na nasa gilid lang ng hospital.

Alam na ni Lux ang gusto kong kainin dito kaya siya na ang pumila at umupo nalang ako pangdalawahang lamesa at chineck ang phone ko nang mag vibrate iyun.

COC#2- TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon