Chapter 20

28 2 0
                                    

Athena POV:

Angelo: Kaya pala ayaw mong sabihin sakin ang relasyon ninyu ng Howard na yun kasi nililigawan ka niya noon... At mahal ka niya. Ibang klase kayong magkakapatid, ha? Masekreto pala kayo... Kaya dapat ako mag-ingat sayu.

Hinayaan ko siyang dumaldal ng dumaldal habang nagda-drive kami ni Achilles pauwi sa tinitirhan namin after all tahimik lang rin naman si Achilles sa tabi ko.

Angelo: Hmmm... Bibigyan kita ng pagkakataong magpakasaya kayo ng Howard na yan pero... Hmm... Ayaw kong magpakasaya kayo ng kapatid mo at ng Tito mo.

Napakunut-noo ako sa sinabi niya. Wala siyang binigay na plano sakin basta sinabi niya lang na pwede kong makasama ang pamilya ko kapalit ng susundin ko ang iuutos niya. Kaya mabilis akong pumunta sa venue ng kasal ng kaibigan ni Artemis dahil matagal ko nang alam na ngayon ang kasal nila, sa tagal ko ba namang pagmamanman nila Lux noon talagang alam ko ang nangyayari sa kanila.

Angelo: Papalayain kita sa pamamagitan nito pero hindi ko hahayaang magpakasaya kayong magpapamilya kaya kapag hindi mo nanaman susundin ang utos ko kagaya ng kanina hindi na ako magdadalawang isip na patayin ka sa harap nila...Hmm... Pero baka gugustuhin mo pang mamatay kaya sige... Papahirapan kita sa harap nila hanggang sa sila ang magmakaawa sakin na tigilan na kita.

Napakamao ako sa sinabi niya. Ayaw kong magmakaawa sila Tito sa taong ito dahil hindi siya nararapat na pagmakaawan dahil wala siyang kwintang tao.

Napaayos ako ng upo nang mabilis na bumulong si Achilles sakin. "Can I have your cellphone number?"

Tiningnan ko siya saka umiling kaya nagulohan siya sa ibig King sabihin. Suminyas ako sa kanya na 'wala akong cellphone' kaya napafocus siya sandali sa pagdadrive kasi medyo malayu ang bahay nila Tito sa venue ng kasal nila Erwin.

Angelo: Kapag inulit mo yun sa harap nila talagang sasaktan kita masyado kang nagpapahalata na kinu-control kita... Dapat ang isipin nila na bumalik ka dahil gusto mo... Hindi dahil utos ko.

Maya-maya pa ay tumigil muna kami nang magred signal muna sa daan kaya may kinuha si Achilles sa coat niya saka niya binigay sakin na nagpagulat sakin dahil isa iyung cellphone.

Tiningnan ko siya na parang nagtatanong 'para saan ang cellphone natu?' kaya nilapit niya mukha niya sakin saka bumulong sa tenga ko na walang radio.

"For you to contact me... And chat with me not this way you look like a mute." bulong niya saka umayos ng upo at ningitian ako.

Nag-aalinlangan akong tanggapin yun pero naisip ko na pweding gamitin ko ito na makausap sila sa chat o text na hindi nalalaman ni Angelo kaya kinuha ko ang kamay niya saka hinalikan ang likod non kaya nang gulat siyang tingnan ako dahil sa ginawa ko ay sumenyas lang ako ng 'Thank you.'

Pinalit ni Achilles ang mga kamay namin saka niya naman hinalikan ang likod din ng kamay ko saka sumenyas ng. 'For you' saka na siya nagpatuloy sa pagdadrive.

Binuksan ko yun saka nireformat lahat ng andoon kahit wala namang laman iyun, nicontacts, apps, calls at messages ay wala kaya nang tapos ko nang mareboot yun ay nilagay ko ang gmail ko na hindi ko pa nakakalimutan kahit ano pa ang nangyari sakin. Pagkaopen ko ng messenger at SMS ko ay sunud-sunod ang mga text messages at chats pero nang tingnan ko yun lahat nang year ay seven years ago. Kahit chats at text nila Tito, Jessie, Lux, at Achilles lahat ay seven years ago na kaya hindi na ako nag-abalang basahin yun saka ko iyun dinelete.

Chineck ko FB ko pero halos madurog ang puso ko nang huling active ko ay seven years ago din pero may mga nakatag sakin at tuwing death anniversaries ko lang iyun. Hindi ko tuloy napigilan ang mapaiyak sa sakit ng nakikita ko sa FB ko.

COC#2- TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon