Artemis POV:
Napalibot ako sa gulat at kaba kung bakit pinapalibutan ako ng apoy. "Nasa hell na ba ako?" Kinakabahang tanong ko sa sarili ko.
"T-Tulong..."
Napalibot ako lalo sa buong paligid ko nang may narinig akong nanginginig na boses na iyun. Mahina lang iyun pero nagbounce iyun sa buong paligid.
"T-Tulong..."
"Nasaan ka?" Tanong ko saka naglakad-lakad kung nasaan ang boses na iyun.
"A-Achilles..." Natigilan ako nang parang nare-recognize ko na unti-unti ang boses na iyun. "L-Lux..."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nanginig ang buong katawan ko nang makilala ko na ang boses na iyun. "Athena? Athena, nasaan ka?!"
"T-Tito..." nanginginig pa rin ang boses niya kaya mas kinakabahan ako kung ano na ang nangyayari sa kanya. "A-Ate... Artemis..."
Tumakbo na ako sa kahit saan at naiyak sa kaba at takot kung bakit nanginginig ang boses niya. "Athena, nasaan ka?" kinakabahang sigaw ko.
"B-Bakit... Hindi ninyu ako... Hinanap?"
Nagpatuloy ako sa pagtakbo kahit saan kahit na may apoy habang pinapahiran ko ang luha ko. "Hinanap ka namin! Pero hindi namin alam kung nasaan ka!"
"H-Hirap na hirap na... A-Ako..." patuloy niya at narinig kong humagulhol siya.
Parang tinusok ang dibdib ko sa narinig ko mula sa kanya kaya napagulhol na rin ako habang nagpalibot-libot pa rin ako sa buong paligid ng apoy.
"Athena? Nasaan ka please?" Humihikbing tanong ko habang paikot-ikot kong nilibot ang paningin ko.
"Artemis, gising! Artemis!" Napabalikwas ako ng bangon sa yumugyog sakin at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Lux.
"Lux." humagulhol agad ako pagkakita ko sa kanya kaya niyakap ko agad siya.
"What's wrong?" Alalang tanong niya.
"Napanaginipan ko nanaman si Athena... Parang... Parang sinisisi niya tayo dahil hindi... Hindi daw natin siya hinanap." humihikbing sabi ko sa kanya.
"Hush... You know its not true.. Kung kinakailangang gawin nating x3 ang paghahanap sa kanya gagawin natin..." pag-aalo niya sakin. Hindi na ako sumagot dahil umiyak lang ako ng umiyak sa bisig niya. "Halika na sa ibaba... Maghahapunan na tayo..."
Tumango lang ako kaya pinahiran ko ang luha ko. Dahil sa pagod at pag-aalala ko kay Athena kaninang umaga ay nakatulog pala ako sa shoulder ni Lux at ngayon lang ako nagising dahil sa panaginip ko. Nagdecide na akong bumangon kaya sabay kaming bumaba ni Lux at naabotan namin lahat ng magbabarkada namin sa sala.
"Angel!" tawag ni Penny pagkakita sakin. "Bumisita na kami sa iyo kasi we're worried about you."
"Artemis ang pangalan ko, Penny." sagot ko.
"Wow! Ang cool talaga ng pangalan nyo ng kapatid mo... Athena Faith at Artemis Hope." nakangiting sabi ni Gwen. "Yung Athena at Artemis ay mga powerful in Ancient Greek mythology while yung Faith at Hope ang meaning nun ay complete trust and believing that something good will happened."
"Yung pangalan pa ni Achilles meaning ay Greek warrior... At yung Dylan ay Son of the wave din ang meaning." patuloy ni Justine sa sinasabi ni Gwen.
BINABASA MO ANG
COC#2- Twins
ActionSabay na pinanganak pero lumaking magkahiwalay. Ang isa lumaki sa tamang gawain Ang isa lumaki sa maling gawain Nang silay muling magkita, Malalampasan ba ang mga pagsubok na darating sa kanila nang sabay o nang magkahiwalay?