Chapter 4

30 2 0
                                    

Artemis POV:

"Hope! Hope! Hope!" Iritang nilingon ko si Liam nang umalingawngaw galing sa hallway hanggang dito sa room ang boses niya at nakita ko siyang humahangos galing sa pagtakbo nang makarating na siya sa room namin. "Ang..." kumuha muna siya ng hangin bago nagsalita ulit. "Ang Lewis Academy..."

Napatayo na ako sa binanggit pa lang niyang school. "What about that?"

"They will do their opening remarks here at our playground... And the whole students must cooperate with the opening remarks." humahangos na sagot niya.

Lumapit na ako kay Liam at hindi ko pinansin ang naguguluhang mukha nina Penny. "Let's go to the gate." aya ko sa kanya pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko saka hinila para tumakbo kaya wala akong nagawa kundi ang magpakaladkad papunta sa gate.

Pagkarating namin doon ay kumuha muna kami pareho ng hangin at saka namin narinig ang mga drum at mga float na papalapit na sa pwesto namin kaya nagkatinginan kami ni Liam.

"Diyan ka dito ako sa kabila." sabi ni Liam saka pumunta sa kabila at sakto namang binubuksan na ng guard ang malaking gate.

Sa pagpasok ng mga students ng LA ay nagulat ako sa sobrang dami nila pero nang makita ko si Liam na sobrang effort sa pagtingin-tingin sa bawat students na pumapasok ay nagdecide na rin akong tingnan ang bawat mukhang pumapasok. Sobrang ingay nila at nagkakatuwaan pa silang lahat may ibang naghaharutan may ibang walang pakialam at meron ding sobrang nagkakatuwaan na talagang nagtatalon sila at nagsasayawan pa.

Parang gusto kong takpan ang tenga ko o di kaya ay umalis na sa kinatatayuan ko sa sobrang ingay nila pero wala akong nagawa kundi ang tingnan ang bawat mukha ng mga students ng LA.

"Gel, ano bang ginagawa nyo dito ni Achilles?" narinig kong sigaw na tanong ni Penny pero hindi ko siya nilingon.

"Dalhin mo dito yung power puff girls ng campus natin." balik sigaw ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa bawat students na dumadaan. "Bilisan mo!"

Lumipas ang ilang oras pero madami pa ring students ng LA ang pumapasok sa school namin nang kinakaladkad nina Gwen ang mga babaing pinag-usapan ako noon sa locker room.

"A-Anong kailangan mo, Ms. Angel?" narinig kong tanong ng babae sa likod ko kaya nilingon ko siya.

"Panoorin natin si Faith sa taekwondo niya, Dyllux!" sigaw ng isang babaing taga LA sa likod ko kaya napaiwas ko ang tenga ko sa kanila.

"Sinong manonood kay Theo kung papanoorin nyo ko pareho?"

"Stop murdering my name, Jessie!"

"Kainis! Ang iingay talaga!" galit na sigaw ko kaya tinalikuran ko muna sila at hinarap si Blossom(chismosa 1). "Tulongan mo kong hanapin yung sinasabi mong kalook a like ko tapos hindi ka na namin gugulohin kahit sino pa ang bullyhin nyo wag nyo lang akong gawan ng kwento ay hindi na namin kayo gugulohin."

Nanlaki mga mata niya saka nagkatinginan silang magbabarkada at excited na hinarap niya ulit ako. "Sige sige! Payag ako!"

"Now you go and start!" sabi ko saka tinulak siya sa maraming studyante ng LA.

Instead na tingnan niya ang mga students ay hinarap niya ako agad. "Dumaan na yung isang kasama niyang lalaki."

Napakunut-noo ako. "What?" di makapaniwalang tanong ko.

"Nang humarap ka samin nakita kong dumaan na ang lalaki at for sure yung mga kasama niya ay isa doon ang babaing kamukha mo." sagot niya.

"Wala akong nakitang kasama ng lalaki na kalook a like ni Angel!" sabat ni Gwen samin.

COC#2- TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon