Artemis POV:
"No! I don't wanna hear that news! Dapat mahanap nyo ang girlfriend ko kundi magkakamatayan tayo!" galit na galit na sabi ni Liam kaya napalayo sa kanya ang nurse na takot pa lalo.
"Sir, kumalma po kayo... Hindi po nakakatulong ang dahas sa gulong ito." sabi ng chief kay Liam.
Parang nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niya kaya inis na tumayo ako at galit na tiningnan sila. "Paano kami kakalma kung dalawang beses nang nakidnap ang kapatid ko! Nakidnap na siya seven years ago pero walang tumulong sa kanya!!! Tapos sasabihan mo kaming kumalma?!"
"Kung ganoong kinidnap na po pala ang biktima seven years ago posibling iyung taong din po ang nagpagawa sa kanya nito ngayon. Mapapabilis po ang paghahanap sa biktima kung sasabihin nyo po samin ang detalye." kalmado pa ring sabi ng chief na ito.
Napaisip ako na tama ang gagong ito. Posibling si Angelo pa rin ang may kagagawan nito. Nawala ang pagmumuni ko nang makita ko sa bintana si Tito na galit na galit ang mukha at papunta siya dito.
"Umalis na kayo pupunta din kami sa pulisya para sabihin ang tungkol sa taong nagkidnap sa kapatid ko noon. But for the mean time hanapin nyo muna ang kapatid ko sa kahit saang sulok ng hospital na ito." sabi ko na sa mga police nang nakatayo na sa harap ng pinto si Tito pero hindi pumapasok.
Nagpaalam na nga sila kasama ang nurse saka pumasok si Tito. "Nasaan si Dylan?" bungad niya.
"Hindi pa po bumabalik hinahanap pa siguro niya si Athena dito sa hospital, Tito." sagot ni Liam na kalmado na rin.
"Hanapin mo at kaladkarin mo papunta dito." galit na utos ni Tito kaya sumunod agad si Liam.
"Tito, wala pong kasalanan si Lux sabay po kaming lumabas dito sa room ni Athena para kumain at hindi po namin alam na magkakaganito po." pagproteksyon ko agad kay Lux dahil kinakabahan ako na baka si Lux ang pagalitan ni Tito sa nangyari.
"Wag kang makialam, Artemis, hindi mo alam kung anong kalokohan ang ginawa ng boyfriend mo." galit na sagot ni Tito nilibot niya paningin niya sa kabuuan ng kwarto nang mapadaku ang tingin niya sa bulaklak na nahulog sa lamesa.
Napakunut-noo ako sa sinabi ni Tito. "What do you mean, Tito?" Hindi sumagot si Tito instead ay pinulot niya ang bulaklak at tiningnan iyun. "Bigay po yan ni Lux kay Athena." sabi ko kahit hindi nagtanong si Tito. "Even though Athena didn't see his effort I know she appreciated it lalo na at nagising na pala siya kanina."
Hindi ko maiwasang mainsulto nang marinig ko ang pagsmirk ni Tito lalo na sa sinabi niya. "Nagising kanina? Funny, Artemis." Napakunut-noo ullit ako sa inaakto ni Tito at tatanungin pa sana ulit siya nang hindi ko maintindihan ang sunod na sinabi niya. "Ako na Tito ninyu lolokohin nyo? Imppsibli ang gusto nyo... Pero ikaw na kakambal mo." Tiningnan ako ni Tito. "Hindi mo man lang naramdaman o napansin man lang ang kakaiba sa kakambal mo habang andito pa siya o kasama mo siya dito."
Natahimik ako at napaisip sa mga time na binibisita ko ang kapatid ko. Pero kahit anong pag-iisip ko wala akong napansin pero... May nararamdaman akong hindi ko alam kung ano kapag andito ako sa kwarto niya.
"T-Tito..."
Napatingin ako sa pinto nang makita na andoon na pala ang dalawang lalaki. Sa tagal ng pag-iisip ko hindi ko napansin sila doon. Pero nababasa ko sa mukha nila pareho ang kaba pero double kay Lux habang may halong pagkakagulohan naman ang kay Liam.
"Ano nga ulit sinabi mo kanina, Artemis?" napatingin ako kay Tito na hawak pa rin ang bulaklak. "Bigay ito ni Dylan kay Athena and you thought Athena didn't see this?" Hindi ako nakasagot dahil sa kakaibang inaakto at pagsasalita ni Tito saka niya ako hinarap na hawak pa rin ang bulaklak. "Tatanungin kita, Dylan." nilingon niya si Dylan at yumuko lang ang lalaki. "Hindi nga ba nakita ni Athena ang bulaklak na ito?"
BINABASA MO ANG
COC#2- Twins
ActionSabay na pinanganak pero lumaking magkahiwalay. Ang isa lumaki sa tamang gawain Ang isa lumaki sa maling gawain Nang silay muling magkita, Malalampasan ba ang mga pagsubok na darating sa kanila nang sabay o nang magkahiwalay?