Chapter 16

20 3 0
                                    

After 7 years

Artemis POV:

"Tulongan nyo 'ko! Hindi ko na kaya!" nagpalinga-linga ako sa buong paligid nang marinig ang sigaw niyang iyun.

"Athena! Nasaan ka?" Alalang tanong ko sa kanya.

"Hindi ko na kaya!" sigaw pa niya ulit.

"Please sumagot ka! Nasaan ka?" sigaw ko ulit sa kanya.

"Huhuhu!" hagulhol pa niya.

Hindi ko maiwasang mapaiyak agad nang marinig ang hagulhol niyang iyun just like before. "Athena, please sumagot ka!"

"Athena!" pabalikwas kong sigaw.

Nilibot ko paningin ko at napaiyak agad nang mapanaginipan ko na naman siya. Humiga ulit ako sa kama saka nagtalukbong ng kumot at humagulhol ng iyak.

Seven years na ang lumipas nang mamatay sa sunog si Athena dahil hindi namin siya agad na nailigtas pero sa loob ng seven years na iyun ay palagi ko pa rin siyang napapanaginipan. Hindi ko alam kung sinisisi niya ba ako sa pagkamatay niya dahil ako nalang ang hindi pa nakakamove on sa pagkawala niya.

"Artemis? Gising na! May meeting ka pa sa board of directors sa company ninyu." pagkatok ni Manang sa labas ng pinto.

Pinakalma ko ang sarili ko saka lumabas sa kumot at bumangon. "Gising na ako!" sagot ko sa kanya.

"Nag text din si Dylan sakin sabi niya papunta na raw siya rito." Patuloy ni Manang.

"Oo na! Bibilisan ko na!" sigaw ko ulit saka pumasok sa comfort room para magshower na.

Binilisan ko ang pagligo dahil for sure nasa ibaba na si Lux. Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako saka nagmamadaling bumaba kaya naabutan ko sa dining area si Tito na nagbabasa ng newspaper habang nasa gilid niya si Lux nakaupo rin.

"Good morning, Tito." pagbati ko sa kanya saka nagkiss sa cheeks niya saka nagkiss din sa cheeks ni Lux. "Good morning, hon." bati ko rin sa kanya.

"Good morning din. Ako ang nagtimpla ng milo mo." nakangiting sabi niya.

"Thank you." nakangiting sagot ko saka umupo sa gilid niya.

Sabay kaming kumain ni Lux dahil nagkakape lang si Tito pero ayaw niya ng maingay habang kumakain kaya hindi kami nag-uusap ni Lux. Ganyan na ang patakaran niya pagkatapos mamatay ni Athena.

Pagkatapos kumain ay sabay kaming tumayo ni Lux. "Alis na po kami, Tito." Paalam namin ni Lux sa kanya pero tumango lang siya kaya lumabas nalang kami ng bahay.

Five years na kami ni Lux at okay lang naman yun kay Tito basta huwag lang daw kaming lumagpas hanggat hindi kami naikakasal. However, si Liam pagkatapos mailibing ni Athena ay nag-abroad na siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik ng pilipinas.

"Did you still dream about Athena?" basag ni Lux sa katahimikan nang palapit na kami sa Ssang Corporation.

Tumingin ako sa labas ng bintana. "Yes and as usual... she's still asking for help." sagot ko.

"Aren't you going to do something about that?" tanong niya ulit.

"Its fine... Kahit mahirap at masakit gusto ko pa ring marinig ang boses niya... Kahit sa panaginip ko nalang yun..." malungkot na sagot ko.

Nang hindi na siya sumagot ay hindi ko maiwasang maalala ang nangyari noon pagkarating namin sa hospital ay dumiritso nalang kami sa morgue at pinadecide kami ni Tito kung ililibing pa ba o ipapacremate namin ang sunog na sunog nang katawan ni Athena kaya ang desisyon namin ay ipacremate yun. Pagkatapos ng cremate ni Athena ay nagpatuloy kami sa paghahanap kay Angelo pero sumuko na si Liam dahil pumunta na siya doon sa America at doon nagpatuloy sa pag-aaral. Lumipas ang taon ay wala na kaming alam kung nasaan na sina Angelo dahil panigurado nagtatago na iyun dahil after all this years ay naging wanted na silang mag-asawa.

COC#2- TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon