Chapter 27

19 3 0
                                    

Artemis POV:

Hinigpitan ko ang paghawak sa radio na nasa kaliwang kamay ko para hindi marinig ni Angelo at hindi niya malamang ako ang may hawak ng radio niya habang naglalakad papasok sa hospital na dinalhan ni Athena.

Lumapit ako sa nurse station. "Athena Faith Cenicero." sabi ko lang sa nurse.

"Sa room 214 po, Ma'am." sagot ng nurse pagkatapos mahanap agad ang pangalan ni Athena.

Hindi ko na siya sinagot naglakad nalang ako papasok sa elevator papuntang second floor at dahil malapit lang at lumabas na agad ako pagkabukas non saka naglakad at hinanap ang room ni Athena nang makita ko iyun ay pumasok agad ako dahilan para makita si Liam lang ang nasa loob at napakunut-noo naman siya pagkakita sakin.

"Hope?" di makapaniwalang tanong niya.

Nilagay ko hintuturo ko sa lips saka nag'Sshh' then lumapit kay Athena na wala pa ring malay saka binalik ang radio sa tenga niya. Pagkatapos kong maibalik iyun ay nilingon ko si Liam at sinenyasang lumabas kaya nauna siyang lumabas sa akin hanggang sa narating namin ang garden ng hospital.

"Anong binabalak mo at ginagaya mo na naman si Athena?" direct to the point na tanong niya.

"Before I will answer your question. How is she?" pag-iiba ko muna sa usapan.

"That thing inside her stomach is killing her. We must take it off as soon as possible before its gonna be too late." malungkot na sagot niya para mapakamao at disididong gawin ang pinaplano ko. "So tell me anong binabalak mo?"

"Kailangan kong magpanggap na si Athena dahil kung hindi alam kong gagamitin nanaman ni Angelo ang tiyan ni Athena para bumangon kahit nanghihina na ang kakambal ko." sagot ko sa kanya.

"Hanggang kailan ka magpapanggap?" tanong niya ulit.

"Kailangan mong ma-track si Angelo hanggang bukas, Liam, hindi pweding maghintay na naman ako sa balitang kumikilos na naman si Angelo para patayin ang kapatid ko." sagot ko lang sa kanya. "Ako ang haharap sa kanya kapag nalaman kong makikipagharap na siya kay Athena dahil lalagyan na niya ito ng camera. Hindi pweding ang kambal ko lang ang nahihirapan, Liam, dapat may gawin din ako. Tama na yung mga sacrifices na ginawa ng kapatid ko noon ayoko nang maulit pa iyun."

"What's your plan?" he asked.

Napangiti ako sa tanong niya. "Mauna kang pumasok sa kwarto ni Athena pagbalik natin doon pagkapasok ko tatanongin kita sa kalagayan ng kapatid ko at sasabihin mong magigising na siya mamaya tapos magkukunwari kang sinara ang pinto dahil kukunin ko ulit ang radio na iyun at isusuot saka tayo magpapanggap na gising na si Athena. Kapag may nagtanong kung nasaan ako sabihin mong pumunta bigla sa States at hindi mo alam kung bakit nichat, text at call ay wala akong sinasagot. At sila Lux at Tito lang ang pagsasabihan mo sa plano nating ito para hindi tayo mabulilyaso." Pagsabi ko na sa kanya. "Kung gusto ninyu akong makausap ng palihim gagayahin natin ang ginagawa ni Athena noong nakikipag-usap siya satin ng patago. Sinyas, text, pagsulat at chat yun lang."

"Achilles?" Napalingon kami pareho sa tumawag kay Liam at nakita namin si Lux na papalapit pero makikita sa mukha niyang nagugulohan siya habang nakatingin sakin. "A... thena?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at pabalik saka nanlalaki ang mga matang tumingin ulit sakin nang parang nakilala na niya ako unlike before na naloko ko siya. "A-Artemis?!"

Napangiti ako. "I thought maloloko pa kita but I guess hindi na."

"B-Bakit mo na naman ginagaya si Athena,ha? Anong binabalak mo?" hindi naman sila kambal pero magkaparehong-pareho sila ng tanong.

COC#2- TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon