Chapter 7

15 2 0
                                    

Athena POV:

Naalimpungatan ako dahil sa vibration ng phone ko kaya inaantok na kinuha ko yun sa side table saka binasa ang nagtext non.

Received from:
Achilles:

       Good morning, beautiful, don't forget to eat your breakfast... I would like to invite you going to sm 2 hours from now so I'll be there to fetch you... I hope you won't say no:)

Napabalikwas ako ng bangon saka kinurot mga mata ko kung tama ba ang nabasa ko kaya nang marealize na hindi nga ako namamalikmata ay mabilis bumangon na ako at nagmamadaling maligo. Pagkatapos kong maligo ay namili ako ng palda at damit.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako para kumain ng breakfast. "Oh, hija, bihis ka yata? May lakad ka ba ngayon?" tanong ni Nanay saka kumuha ng plato para magsandok ng breakfast ko.

"Opo, si Tito po, Nay?" tanong ko saka hinanda ang gatas ko.

"Maagang umalis dinig ko pumirma na sa kompanya nyo yung paghihigantihan nyo ng Tito mo." sagot niya habang nilalagyan ng itlog at hotdog ang plato ko. "Kaya ayun nagmamadaling umalis ang Tito mo hindi na nga iyun kumain." Natigilan ako sa pagtitimpla ng gatas ko nang marinig sinabi ni Nanay.

"Ano nga ba talaga ang plano ni Tito, Nay?" alalang tanong ko.

"Ang sabi niya hindi ka pwede makilala ng kalaban kasi kapag natalo tayo sa pagpabagsak ng kompanya nila... Kailangang kunin nyo ng Tito nyo ang chip para tuloyang mapakulong sila..." sagot ni Nanay at lumapit siya sakin saka kinuha ang kamay ko at may nilagay doon kaya gulat na napatingin ako sa kanya. "Nasa... Yan ang huling video ko... Sa mga magulang at kapatid mo."

Pagkatapos sabihin yun ni Nanay ay pinagpatuloy na niya ginagawa niya kaya ako napatingin sa SD card na nasa kamay ko. "Nasa sa iyo na iyan kung kailan mo gustong panoorin yan." pahabol ni Nanay bago niya ako iniwan sa kusina dala ang plato ko.

Nilapag ko ang diary ko sa mesa saka nilagay doon ang SD card then sumunod na ako kay Nanay papuntang dining area para kumain na. Pagkatapos kong kumain ay eksakto namang may nagdoorbell.

Tumayo na ako sa kinauupoan ko at hinalikan si Nanay sa cheeks niya. "Kapag hinanap po ako ni Tito, Nay, pakisabing lumabas po ako... Tapos yung notebook po pakibalik po sa kwarto."

"Si Dylan ba yan, hija?" natigilan ako sa tanong ni Nanay dahil nakalimutan ko na kahapon ko pa hindi nakakausap si Lux. "Mabuti naman at nagkaayos na kayo... Sige na umalis ka na... Mag-iingat kayo sa lakad nyo ha?" sabi pa ni Nanay saka kinuha ang pinagkainan ko at dinala papasok sa kusina.

Napayuko nalang ako saka matamlay na naglagay ng earphones sa tenga ko then naglakad palabas ng bahay. Pagkabukas ko ng gate bumungad ang nakangiting Achilles sa harap ko kaya ngumiti nalang ako. Yung ngiti na hindi pilit.

"Wow... You look dazzling." papuri niya saka ako pinasadahan ng tingin.

" papuri niya saka ako pinasadahan ng tingin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
COC#2- TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon