Chapter 6

23 2 0
                                    

Artemis POV:

Kinabukasan before school ay tumuloy na ako sa salon ko. "Good afternoon, Maam, dito po tayo." sabi ng manager saka giniya ako sa private room.

Umupo na ako sa harap ng salamin saka pumikit para pabayaan sila sa trabaho nila maramdaman ko namang inaasikaso na nila ang buhok ko habang hinihintay na maluto ang buhok ko ay in-erase naman nila ang make up ko at pinalitan yun ng kung anong kulay kasi nakapikit lang ako the whole time. Pagkatapos nila sa mukha ko ay bumalik sila sa buhok ko at binasa iyon then bin-blower nila yun. Talagang hindi ako nagmulat dahil gusto kong makita ang bagong mukha ko.

"Tapos na po, Maam." sabi ng manager kaya nagmulat na ako ng mga mata ko.

Napatitig ako sa salamin at nakikita ko ang babaing niligtas ni Liam na inilayo ng lalaking hinalikan ko sa pisngi kay Liam. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti.

Let's see, Liam, at yung gwapong lalaking yun... Kung hindi ba kayo malilito samin.

Athena POV:

"Faith, hija, alas otso na ng umaga wala ba kayong pasok?" tanong ni Nanay nang pumasok siya sa kwarto ko kinaumagahan.

"Wala po, Nay, tapos na rin po akong maglaro kahapon kaya okay lang na hindi kami pumasok at sa awarding na bumalik sa school." nakapalumbabang sagot ko kay Nanay sa kama.

"Ganoon ba?" tanong niya kaya tumango lang ako. "Wala ka bang gustong gawin ngayon? Baka mabored ka niyan."

"Magfe-facebook or manonood po ako ng movies sa netflix mamaya, Nay." sagot ko lang ulit.

"May problema ba? Mukha kang matamlay ngayon." alalang tanong niya.

"Nag-away po kami ni Lux, Nay." matamlay na sagot ko.

Tapos yung kagabi. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako dahil madilim ang office na pinuntahan namin ni Tito kaso dahil din doon ay hindi ako nakatulog ng maigi.

Naramdaman kong umupo siya sa higaan ko pero hindi ko pa rin siya hinaharap. "Bakit naman? May nangyari ba?"

Napabuntong-hininga na lang ako. Tungkol na lang kay Lux ang ikukwento ko kay Nanay. Baka namamalik-mata lang talaga akong nakita ko ang sarili ko kagabi sa taong sumugid samin. "Hindi ko po kasi siya maintindihan kahapon... Ang init ng ulo niya tapos nilalabas niya yun sakin... At sa... Bagong kaibigan ko." malungkot na sagot ko nang maalala ang nangyari kahapon.

"Intindihin mo nalang yung batang yun, Faith, siya na ang tumatayong kuya mo simula nang magkakilala kayo kaya siguro over protective lang yun sayo." paliwanag ni Nanay sakin.

Napabuntong hininga nalang ako saka nagtalukbong ng kumot. Pero crush ko po yung Achilles, eh.

"Oh, siya maiwan na muna kita... Bumaba ka lang kung gusto mong kumain ha?"

"Opo." sagot ko sa kanya sa ilalim ng kumot. Nang wala pa akong ganang magfacebook at manood ng movies ay natulog lang ulit ako.

Artemis POV:

Sinuot ko muna ang wig na blond bago ako lumabas ng kotse para pumasok kasi tatanggalin ko lang ito mamayang hapon pagkatapos ng klase namin para hindi maghinala si Liam sa plano ko.

Pagkarating ko sa room naabotan ko sina Penelope at Justine na naghaharutan habang pinapaypayan naman ni Gwen ang natutulog na Erwin at nang tingnan ko si Liam nakita ko siyang nagsi-cellphone. Hindi ko na sila pinansin at umupo na ako sa upoan ko na parang walang nangyari kahapon.

COC#2- TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon