Chapter 23

26 2 0
                                    

Artemis POV:

Alas kuatro palang ng madaling araw gising na ako at naghahanda para sa pag-alis namin papuntang resort daw nila Mattheo Evans. Kahit hindi ko silipin at itext sina Athena, Lux at Liam for sure naghahanda na din ang mga iyun at tama nga ako dahil paglabas ko ng kwarto ko ay nagkasabayan talaga kami ni Athena na isara ang pinto ng mga kwarto namin. Tiningnan niya ako saka ningitian kaya sinuklian ko rin siya ng ngiti.

Sumenyas ako sa kanya na tinuturo ang tenga ko. Ngumiti lang siya saka umiling pero nag 'ssshh' siya na nilagay pa ang hintuturo niya sa labi niya kaya ngumiti na ulit ako at nilapitan siya para abotin ang kamay niya saka kami sabay na naglakad pababa sa 2nd floor.

"Ang gaganda ninyu tingnan magkapatid na sabay kayong bumababa ng hagdan habang nakangiti." Papuri ni Manang samin nang nakababa na kami.

Nakangiting nilingon ko si Athena na nilingon rin pala ako. "Kung hindi siguro tayo nagkahiwalay noon sobrang lapit na siguro natin sa isa't isa ngayon."

Nakangiting hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Hindi pa naman huli ang lahat, ate." Nilingon niya sina Lux na nakangiting nakatingin lang sa amin. "At isa ang araw na ito para magbonding tayo." Nakangiting lumapit si Liam sa kanya kaya nang halikan ni Liam sa noo si Athena ay binitawan ko ang kamay ni Athena at lumapit kay Lux na inakbayan agad ako at hinalikan din ang noo ko.

"Good morning." bati pa niya sakin.

Binigyan ko siya ng smack saka nilingon si Manang. "Si Tito, Manang?"

"Tulog pa iyun pero alam na niyang may lakad kayo kaya sabi niya wag nyo nalang daw siya gisingin para magpaalam kasi alam na niya." Sagot ni Manang.

"So? Let's go?" aya na ni Liam samin kaya tumango lang kami at naglakad na palabas ng bahay.

"Bye, Nanay! Ingat po kayo nila Tito dito!" narinig kong paalam ni Athena kay Manang pero hindi ko na sila nilingon pa.

Pinagbuksan muna ako ni Lux ng kotse niya kaya nang makasakay na ako ay umikot na siya at sumakay para paandarin ang engine. "Sina Theo?" Tanong ko sa kanya habang sinusuot ang jacket ko kasi nakaramdam ako ng ginaw nang nagbibiyahe na kami.

"Its either sinusundo pa non si Jessie or papunta na rin yun sa resort nila." sagot niya habang focus siya sa pagdadrive niya.

Tumango nalang ako sa sagot niya at hindi na nagtanong pa kasi alam kong alam niya ang daan papunta sa destination namin. Nang may naalala ako bigla na nachika ni Gwen sakin noon.

"Hon, totoo bang crush ka ni Jessie noon?" tanong ko sa kanya.

"Ewan hindi ko alam." sagot niya lang na sinipat pa ako sandali. "Bakit mo naman natanong yan and where did you get that news?"

"Napansin kasi ni Gwen noon na nalungkot si Jessie nang palagi tayong magkasama noon dahil pumunta sina Liam at Tito sa America para pabagsakin ang kompanya ni Angelo... Do you remember that day? Hindi ka pa nanliligaw sakin non." sabi ko sa kanya.

"Maybe Jessie was sad because Athena was still missing at that time?"

Tumingin nalang ako sa daan nang marealize kong manhid din pala tong boyfriend ko sa mga babaing nagkakagusto sa kanya so kung hindi ako nagpakita ng motive sa kanya hindi din siguro niya malalaman na may gusto ako sa kanya.

"What are you thinking?" Tanong niya nang hindi ko na siya sinagot.

"I just realized that manhid ka pala sa mga babaing nagkakagusto sayo kaya hindi mo nalaman na crush ka ni Jessie noon at si Theo lang ang may gusto sa kanya." sagot ko sa kanya.

COC#2- TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon