Chapter 22

17 2 0
                                    

Athena POV:

One week have passed since umiiwas ako kina ate kahit kay Achilles para walang maiutos sakin si Angelo kaya si Angelo rin ay umuusok na ang ilong sa galit kung bakit daw hindi ko naabotan sa bahay ang mga tao.

Angelo: Tumigil ka na sa pagja-jogging umuwi ka na at nang maabutan mo na ang sina Tito mo.

Actually, naabutan ko minsan o hindi umaalis ng bahay sina ate kahit si Lux pero hindi sila gumagawa ng ingay kapag nasa paligid nila ako dahil hiningi ko yun kay ate nang isang madaling araw na nagpa-practice kami ng taekwondo.

Angelo: Ano? Nasaan ka na?

"Tumatakbo na pauwi." Sagot ko habang nagja-jogging pa rin pauwi. Kahit lokohin ko siya maririnig niya pa rin ang mga syrene ng mga kotse.

Pagkarating ko sa bahay ay paalis na si ate kaya nagtanguan lang kaming dalawa saka ako dumiritso papasok. Nagpalinga-linga ako at hinanap si Nanay para pagtanongin para malaman ni Angelo na nasa bahay na ako pero nang hindi ko makita sa sala at kusina si Nanay ay pumunta ako sa garden kaya naabutan ko siyang nagdidilig.

"Nay." tawag pansin ko sa kanya kaya napalingon siya sakin. "Si ate at si Tito po?"

"Naku! Kakaalis lang ng ate mo kasama ang Tito mo kasi may meeting of the board of directors ngayon." sagot niya.

Angelo: T*ang-ina! Nanaman?!

"So kasali sila Achilles at Lux non, Nay?" tanong ko pa ulit sa kanya kasi sa pagkakaalam ko isa sa board of directors na ang dalawa.

"Oo." sagot lang ni Nanay saka nagpatuloy na sa pagdidilig.

"Sige salamat po." sabi ko na saka naglakad papunta sa kusina para uminom ng tubig. Malaya akong nakapunta sa kusina at nakainum ng tubig nang nagsalita si Angelo.

Angelo: Pumunta ka sa kompanya ninyu.

Hindi ko maiwasang mabilaokan sa sinabi niya kaya umubo muna ako ng umubo saka ako nagsalita nang makahupa na ako. "H-Hindi ko alam kung saan ang kompanya namin." Pagsisinungaling ko.

Angelo: What? Imposible! Noon ba hindi ka sinama ng Tito mo sa kompanya ninyo?

"Never... Hindi ko rin alam kung bakit." sagot ko pero ang totoo sinabi na sakin ni Tito ang rason niya noon. Kaya walang nagawa si Angelo kundi ang magmura ng magmura.

Sabi ni Tito sakin kaya hindi niya ako sinasama sa company noon dahil ayaw niya akong ipakita kina Angelo noon dahil matagal na niyang pinaplano na pasukin sa company namin ang company nila na nagawa naman niya noong nakidnap ako. Sumama ako kay Lux noong isang araw sa kompanya pero hindi pinagawan ng ingay ni Lux ang mga staffs kaya hindi alam ni Angelo na nakapunta na pala ako doon.

Nang biglang mag-vibrate phone ko kaya binunot ko yun sa bulsa at binasa ang nagtext.
Received from;
Jessiebest<3:

              Mag-outing tayo? Be ready for tomorrow sa beach resort nila Theo kasama sina Dylan at Achilles mo. :)

Napakagat labi ako sa nabasang text. Kung bigla-bigla akong aalis bukas baka malaman ni Angelo na may cellphone ako dahil alam kong may biglaan kaming lakad kaya nireplyan ko si Jessie.

Sent to;
Jessiebest<3:

            You need to call me on our telephone here para sabihin yan kung hindi malalaman ni Angelo na may cellphone ako.

COC#2- TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon