Chapter 3

32 2 0
                                    

Theo POV:

Time passed by ang buong students ng Lewis Academy ay naghahanda na sa upcoming intramurals kalaban ang iba't ibang academy. At ako ang panlaban sa running club na sinalihan ko kaya kahit 4:00 a.m pa ay nagja-jogging na ako at tumitigil lang ako kapag 6:30 a.m na.

Huminto ako sa pagtakbo dito sa gilid ng parke nang makita ko si Jessie kasama si Thena na naglalaro ng badminton. Chineck ko wristwatch ko at maga-alas sais pa lang ng umaga kaya pinanood ko muna sila.

As usual panalo si Jessie dahil badminton ang sinalihan niyang club at for sure nag-volunteer siyang maging representative ng club nila. Sobrang tuwa ni Jessie pero si Thena kinuha ang dala niyang mga kahoy saka binigay kay Jessie. Naghanda na si Jessie kaya pumosisyon na si Thena.

I sigh saka nagsimula na ulit magjogging pero nang nasa harap na ako ng mall kung saan nasa unahan ng park ay natigilan ako at di makapaniwala sa taong bumaba sa isang kotse.

"Angel! Halika na! Maraming magagandang damit ngayon sa boutique namin!" tawag ng isang babae.

Nakita kong lumingon ang kamukhang-kamukha ni Thena. "Nireserve mo naman siguro ang magagandang dress sa boutique nyo no?" sabi pa niya saka lumapit sa babaing tumawag na Angel sa kanya.

"Masyadong marami baka hindi kami makapagbinta kung irereserve ko lahat yun." sagot ng babae saka sila pumasok sa loob ng mall.

Nakatitig pa rin ako sa entrance ng mall dahil parang namamalikmata lang ako sa nakita ko kanina pero natauhan lang ako nang nag-alarm na ang cellphone ko dahil 6:30 a.m. na. Nagdecide akong hanapin ang babaing yun pero pagpasok ko sa loob ng mall nalito ako kung saan ako papunta dahil sa laki ng mall.

"Theo." nilingon ko ang tumawag sakin. "What are you doing here?"tiningnan ni Dylan ang suot ko"Naka-jogging attire ka pa, ah?"

"Ah.. Ano... Gusto ko sanang i-check yung food chain namin dito pero baka masyado pa akong maaga para magcheck." Pagsisinungaling ko habang sinusubokan ko pa ring libutin ang paningin ko.

"You're looking for something? Or for someone?" direct na tanong ni Dylan sakin.

Nilingon ko siya. "Have you seen someone that looked like Athena?"

Napakunut-noo siya. "Someone that looked like Athena?" I nod. "Baka kailangan mo lang ng breakfast kaya kung anu-ano na ang nakikita mo." inakbayan niya ako saka pinilit na maglakad palabas na sa mall.

Napakamot nalang ako sa ulo ko. "By the way, bro. What are you doing here?"

"Mom asked me to check the market that she manage. May nakaaway kasi daw ang isang saleslady niya pero pagpunta ko run sa katabi pala nitong boutique iyun." sagot niya pero paglabas namin sa mall ay tumigil siya at may tinititigan kaya sinundan ko ang tinitingnan niya.

"Angel! Hoy! Angel!!!" narinig kong sigaw ng isang lalak.

Nakita kong nakatingin siya kay Thena na masayang nakikipagkwentuhan kay Jessie. Nilingon ko si Dylan at nakakunut ang noo niya habang nakatitig sa lalaki at kay Thena.

"Oh? Theo! Dyllux!" Napalingon ako sa tawag ni Jessie at nakita ko silang nagmamadaling lumapit sa amin. "Anong ginagawa nyo dito?"

Nilingon ko ulit ang lalaki pero napapakamot nalang siya sa ulo niyang lumakad palayo. "Kailan pa naging Dyllux ang pangalan ko, Jessica?" narinig kong tanong ni Dylan.

Nilingon ko sila at nakita kong tumawa si Thena habang namula naman si Jessie which is I find it cute. "Huli ka balbon! Lagot ka kay Lux!" sabi ni Thena saka tumawa ulit.

COC#2- TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon