After 15 years:
Faith POV:
"Wahhhhh!!! Ayoko na Tito! Masakit na po ang buong katawan ko!" Pagmamakaawang hagulhol ko kay Tito Jeff.
"Sumunod ka kung ayaw mong masaktan pa lalo!" pagsigaw niya at sasapakin sana ako pero umiwas agad ako. "Ayusin mo ang isang paa mo."
Kinagat ko nalang ang ibabang labi ko para pigilan ang paghagulhol ko saka tinaas pa ang paa ko gaya ng utos niya kahit sobrang sakit na ng kaliwa kong paa.
"Abutin mo itong banga na nakasabit!" utos pa ulit ni Tito.
Kahit nahihirapan na ako ay sinubokan ko pang abutin ang banga na sinabit niya habang ang dalawang kamay ko ay may dalang mga libro at ang likod ko ay may nakasabit na mabigat na bag. Pero kahit anong gawin ko hindi maabot ng paa ko kaya nang sapakin ni Tito ang paa ko ay natumba agad ako.
"Tayo!" galit na utos niya kaya napaiyak nalang ako saka tumayo at sinunod ang utos niya ulit. "Hindi ka makakain hanggat hindi mo yan naaabot." sabi niya at iiwan sana ako pero bumalik lang din agad siya. "Siguraduhin mong maaabot mo yan dahil iba na naman ang gagawin mo." umalis din agad siya pagkasabi non.
Humagulhol ako saka buong lakas kong inabot ang banga na nagawa ko naman agad. "Tito nagawa ko!" umiiyak na sigaw ko at napaupo agad ako sa sakit na ng katawan ko.
"Ulitin mo! Gusto kong makita." di makapaniwalang napatingin ako kay Tito dahil sa sinabi niya. "Gawin mo na!"
Dahil sa takot ko sa kanya mabilis na kinuha ko ang mga libro at ang mabigat na bag sa likod ko saka buong lakas na inabot ang banga pero hindi ko na naabot kaya inulit ko at buti nalang naabot ko kaya napaupo ako ulit sa damuhan.
"Sige kumain ka na pero wag kang kumain ng marami para hindi sasakit tiyan mo at hindi ka mahihirapan sa pagkilos." utos na naman niya habang naglalagay ng dos por dos na kahoy sa mababang gilid ng banga. "Sige na pumasok ka na aayusin ko muna ito at uuwi na tayo."
Mahinang tumayo ako at mahinang naglakad papasok. Naabotan ko si Nanay na naghahanda na ng makakain namin pero nang makita niya ako ay mabilis na pumasok siya sa maliit na kwarto ng kubong yun at pagkalabas niya ay may dala na siyang dalawang towel. Lumapit siya sakin at nilagyan ako ng towel sa likod ko habang pinupunasan ko mukha ko.
"Intindihin mo nalang ang Tito mo, Athena. Para sa proteksyon mo itong ginagawa ninyu ngayon." pag-aalo niya sakin.
Tumigil ako sa pagpupunas at napatingin sa kawalan. "Ako lang ba ang magkakamit ng hustisya para kina mama, Nay?"
"Hindi syempre! Tutulongan ka
ng Tito mo kaya ka niya tinuturoan ng mabuti para hindi siya mag-alala sa iyo kung sakaling ikaw ang puntirya ng kakalabanin ng Tito mo." pagpaliwanag niya pa sakin.
BINABASA MO ANG
COC#2- Twins
ActionSabay na pinanganak pero lumaking magkahiwalay. Ang isa lumaki sa tamang gawain Ang isa lumaki sa maling gawain Nang silay muling magkita, Malalampasan ba ang mga pagsubok na darating sa kanila nang sabay o nang magkahiwalay?