Chapter 31

15 3 0
                                    

Author's Note: Taposin ko na to para focus na ako sa new stories ko. 2 years ago na to na story ko eh inunpub ko lang kaya sana magustohan nyo pa rin to thank you. Lovelots❤️

Artemis POV:

Pagkauwi namin galing sementeryo ay pinaasikaso ni Tito si Angie kay Manang dahil nagdecide kami ni Tito na sugorin kung nasaan ang lungga ng big boss ni Angelo kung saan nakapunta na rin si Tito doon 22 years ago. Kahit ang tagal na non ay sigurado pa rin naman daw si Tito na andoon pa rin sila.

"Magkita na lang tayo sa address na sinend ko sayo. Pagkarating mo ay wag ka magpapakita hanapin mo si Athena at ilabas mo kami na ni Artemis ang bahala sa mga tao doon." narinig kong sabi ni Tito habang pababa siya ng hagdan na may kausap sa cellphone for sure si Liam yan. "Good." aniya nang nasa harap ko na siya saka niya binaba ang tawag at hinarap ako. "I already talked with Dylan to be prepare either for us or for Athena. So are you ready?"

"Ready'ng ready." seryuso kong sagot sa kanya.

Naglakad na kami palabas nang may tumawag kay Tito kaya nilingon namin yun at nakita si Angie na nag-aalalang nilapitan kami. "Saan kayo pupunta? Bakit ganyan ang attire nyo?"

"Kukunin namin ang pamangkin ko."

"Ang kakambal ko." sagot namin ni Tito sa kanya.

Alalang nilingon ako ni Angie. "Alam kong wala akong karapatan pero, Artemis... Mag-iingat ka. Kasing edad nyo ng kambal mo ang anak ko sana ngayon kaya pakiramdam ko ay nakikita ko siya sayo."

"Then stay here as long as you want. Wait for us and take care of the kids kahit maramdaman mo man lang sa paraan na yun na naalagaan mo ang anak mo." suggest ni Tito sa kanya.

Nanlaki sa tuwa ang mga mata niya saka niya biglang niyakap si Tito kaya nagulat si Tito at naamaze naman ako sa nakita kong reaction ni Tito. "Thank you, Jeffrey. Thank you talaga."

40+? Saka pa nagka-love life.

"A-Alis na kami." Biglang nautal na paalam ni Tito kaya natawa na ako pero naglakad na siya at iniwan ako.

Nakangiting tiningnan ko si Angie. "Walang love life ang Tito ko simula siguro nang dumating kami ni Athena kaya I'm wondering kung bakit ngayon ka lang?" nagulohan siyang tinitigan ako pero nakangiting tinalikuran ko na lang siya.

Sumakay si Tito sa kotse niya at ako naman sa motor ko na matagal ko nang binili pero hindi ko pa naitatakbo ng malayo katulad ng pupuntahan namin ngayon. Naunang pinaharurot ni Tito ang kotse niya kaya sumunod na lang ako sa kanya.

Totoong malayo nga ang lungga ng big boss nila Angelo dahil nakapagpagas pa ako ng full tank ng wala sa oras. Sa labas ng gate ay tumigil kami ni Tito sa may kalayuan. "Prepare your gun." utos ni Tito saka ko siya nakitang nilagay ang mga malalaki niyang baril sa likod niya saka kinasa ang M9 niyang baril.

Inayos ko ang bag ko na may lamang mga bomba at iba't iba ring klase sa baril dahil ang favorite samurai ko ay nakasabit na rin sa likod ko kaya pinatunog ko muna ang motor ko nang naghanda nang umandar ang kotse ni Tito. Pinaharurot niya iyun ng mabilis para masigurong masisira namin ang gate nila kaya sumunod lang ako at hinawakan ng mahigpit ang isang baril na nasa kamay ko.

Nagawa ni Tito na sirain ang gate kaya malaya akong nakapasok din ang kaso naalarma ang mga tao ng tinatawag nilang big boss at nang makita nila kami ay nagsitutokan sila ng mga baril samin ni Tito na hawak nila kaya bago pa nila kami mabaril ay nagsitatalon na kami ni Tito sa mga kotse at motor namin.

Napahiga kami ni Tito sa lupa pero mabilis din agad kaming patalon na tumayo para makailag sa mga taong binabaril kami kaya agad kong tinutok ang baril ko sa likod ko habang nagback to back kami ni Tito na binabaril namin sila at palakad takbo naming pinuntahan ang malaking pinto papasok doon sa loob.

COC#2- TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon