Kinabukasan...
Habang bumababa ng hagdanan si Gerald ay naririnig niya ang hagikgikan ng mga kasambahay nila. Dumiretso siya sa kusina upang alamin kung bakit tila nagkakagulo ang mga ito.
"Good Morning!" bati niya sa mga ito.
"Ay good morning baby boy!" napatingin ang lahat ngunit si Gara ang bumati sa kanya.
Naroon din si Nanay Letty, si Manang Pinay at si Sarah.
"Mukhang nagkakasiyahan kayo ah?" tanong ng binata sa mga ito habang nakatingin kay Sarah.
"Ay naku.. eh papanong di kami kikiligin, tignan mo naman itong natanggap ni Sarah ngayong umaga." ipinakita ni Gara ang malaking bouquet ng blue and pink roses.
"Kanino galing yan?" hindi aware ang binata na napakunot ang noo niya.
"Sa bago niyang friend." nangingiting saad ni Nanay Letty.
"Yung naghatid sayo kahapon?!" baling niya kay Sarah.
"Oo yun nga." nangingiti ring tugon ng dalaga.
"Nanay Letty pagsabihan niyo nga po yan, hindi niya naman gaanong kakilala yun eh sumama kaagad. Papano kung masamang loob pala yun." sumbong ni Gerald habang kumukuha ng inumin sa ref.
Awtomatiko tuloy na nagkatinginan si Nanay Letty at Gara. Habang si Sarah naman ang sumagot sa binata.
"Sinabi ko naman sayo na kaya kong ingatan ang sarili ko diba, at saka mukha namang disente at hindi gagawa ng masama yung tao. Mabait siya!' depensa ng dalaga.
"Anak hindi masama ang makipagkaibigan, pero tama si Ge. kailangan maingat ka." ani Nanay Letty.
"Thankyou Nanay Letty..." bahagya pang yumuko si Gerald sabay dila kay Sarah. Pinandilatan naman siya ng dalaga.
Nagtatawanan sila ng biglang magring ang cellphone ni Sarah. Nagpaalam ito sa mga kasama na sasagutin lang ang tawag. Nagtungo siya sa may garden.
"Hello?"
"Good morning beauty..." masayang bati ni John Lloyd na ikinatawa ni Sarah.
"Good morning din..." tila kinikilig na tugon ng dalaga. Nagulat pa siya ng mamalayang nasa tabi niya si Gerald. Nakakunot ang noo nito habang nakapamaywang. Sinenyasan niya ito na umalis ngunit hindi ito natinag.
"Natanggap mo ba yung pinadala ko?" anang binata mula sa kabilang linya.
"Oo natanggap ko. ang ganda. Salamat ha..." sagot ni Sarah habang itinutulak papalayo si Gerald. Kinukulit kasi siya nito.
"Free ka ba tonight?"
"Mamaya? uhm diko pa alam... bakit?"
"Yayayain sana kitang lumabas eh..."
"Ahh..naku hindi ko pa alam eh. Ok lang ba kung tawagan na lang kita mamaya?"
"Sige, pero sana pwede ka." determinadong anito na ikinangiti ni Sarah.
"Oo sige.. tatawagan na lang kita. Sige na ha, ang kulit kasi nitong langaw dito sa garden. Ayaw akong tantanan!" wika ng dalaga habang nakatingin ng masama kay Gerald na noon naman ay ngingisi-ngisi lamang sa kanya.
Pagkapatay niya sa cellphone ay hinampas niya sa braso ang binata.
"Aray ko naman!" reklamo nito.
"Ikaw napaka-atribido mo! bakit ka nakikinig sa usapan namin ha?!" asik niya dito.
"Wala gusto ko lang! Kilig na kilig ka nga sa usapan niyo eh." anito.
"Heh! shut up!" inis na hinampas niya ang braso nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/2046992-288-k322841.jpg)
BINABASA MO ANG
ASHRALD FANFIC PRESENTS; KUNG AKO NA LANG SANA
Teen FictionNang pumanaw ang Lola ni Sarah ay nagdesisyon ang kanyang ina na paluwasin na siya ng Maynila at doon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Ang hindi alam ng dalaga ay nakatakdang mag-krus ang landas nila ni Gerald, Isa sa mga anak ng amo ng kanyang...