CHAPTER 7

4.1K 71 8
                                    

Napakunot noo si Sarah ng mapagtanto kung sino ang tumatawag sa kanya.

"Eto ba yung lalaking nagpakilala sa akin nung isang linggo?" anang dalaga sa isip.

Pinagmasdan niya ito habang humahangos itong lumapit sa kanya.

"Sarah..." medyo hinihingal pang saad nito. Hindi naman tumugon si Sarah. She wasn't sure how to respond to him. They're not close in the first place. "John Lloyd... don't you remember?' inilahad nito ang kamay sa kanya.  

"Ah oo... sabi ko nga ikaw yan eh." tango ng dalaga habang nakipagkamay sa binata.

"Grabe, ang galing ano?" nakangiting saad nito.

"Ha? ng alin?' takang tanong ng dalaga.

"Na nagtagpo ulit tayo... akala ko hindi na kita makikita ulit eh." anito. Ngiti lang ang isinagot ng dalaga dito. "Do you mind if i join you for a cup of coffee?"

"Ah... o-o sige.. ok lang.." pagpayag ng dalaga. Mukha namang harmless ito saka hindi naman siguro masama kung makipagkaibigan siya dito. iginiya siya ng binata sa pangdalawahang lamesa, saglit ding nagpaalam ito upang umorder ng kape. Hindi naman nagtagal ay bumalik din ito.

"So dito ka pala nag-aaral sa La Salle?" anito sa kanya.

"Ah hindi pa... naginquire pa lang ako. Transferee kasi ako, galing ako ng Cebu.' tugon niya dito.

"So what brought you here in Manila?" 

"namatay kasi yung Lola ko kaya wala na akong kasama doon, kaya yung Mama ko kinuha na lang ako."

"I-im sorry to hear that..." sinserong paumanhin nito.

"Hi-hindi ok lang..." nakangiting sagot ni Sarah. "Ikaw? dito ka nagaaral?' tanong niya dito.

"I graduated 3yrs ago. Napadaan lang ako sa shop nung kaibigan ko dun sa kabilang kanto tapos eksakto nakita kitang naglalakad kaya ayun sinundan kita."

"Ang talas pala ng mata mo." biro ni Sarah.

"Ewan ko ba.. pero sayo lang naman." tila nagpapacute na sagot nito. 

Tumawa lang si Sarah bilang pagtugon. 

"Suave dumiskarte ha..." anang dalaga sa sarili.

"So i bet wala ka pang masyadong kakilala dito sa Maynila?"

"Ganun na nga...' tango ng dalaga.

"Don't worry John Lloyd is here!' pakwelang saad nito.

"Ganyan ka ba talaga?' tumatawang tanong ni Sarah dito.

"Ano?" nangingiti ring anito.

"Ewan... puro biro ganon?" 

"Trust me... im fun to be with!"sagot nito na bahagya pang inilapit ang mukha sa kanya."

"Oo para ka kasing bata." nakangiting ingos ng dalaga sa kanya.

Sasagot sana si John Lloyd ngunit biglang tumunog ang cellphone ni Sarah. Binasa ng dalaga ang text.

'Where r u? Gege."

"Ano kayang kailangan nito?" anang dalaga sa sarili.

"tinetext ka na ba ng boyfriend mo?" untag ng binata sa kanya.

"Wala akong boyfriend." natatawang tugon ni Sarah dito, kung kaya naman lalong nagliwanag ang mukha ng binata.

"So wala pa lang magagalit kung makipaglapit ako sayo?" halos hanggang tenga na ang ngiti nito.

ASHRALD FANFIC PRESENTS; KUNG AKO NA LANG SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon