http://www.wattpad.com/story/2362419-you-got-me
Above is the link of my Latest Ashrald Fanfic entitled You Got me. Pls read and support it if you guys have Spare time, Satisfaction guaranteed! LOL ;)
YOU GOT ME
"I hate you Daddy!!!!!" yun lamang ang laman ng isip ni Sarah nang ipatapon siya ng kanyang ama sa Hacienda Del Rio na pag-aari ng kanyang Lola Heni.
Her father got sick of her. Magmula kasi ng yumao ang kanyang ina ay naging malayo ang loob niya sa kanyang Daddy. Paano kasi ay puro trabaho lamang ang inaatupag nito at halos hindi siya nito pinapansin. Kapag nag-uusap naman sila ay palagi lamang nauuwi iyon sa pagaaway. Gayunpaman, nakasanayan niya na ang ganoong pamumuhay. Ibinubuhos na lamang niya sa paglulustay ng pera ng ama ang kanyang sama ng loob.
But their last fight was a different story. Ipinakilala sa kanya ng ama ang bagong babae sa buhay nito at sinabing titira na ito sa kanilang mansion. Mariing tumutol si Sarah sapagkat marami siyang naririnig na hindi magandang bagay tungkol sa kanyang magiging madrasta. She tried to tell it to her Dad kaya't nagkaroon sila ng malaking pagtatalo na nauwi sa pagpapadala nito sa kanya sa probinsya.
She hated the place! She isn't used to that kind of environment. Walang mall, walang nightout parties, wala ang kanyang mga IT Girl friends wala lahat! Tanging bundok, damo, at kung ano anong uri ng hayop lamang ang makikita doon.
Ang hindi niya inaakala ay doon pala sa Hacienda Del Rio titibok ang kanyang pihikang puso. Unang kita pa lamang niya kay Doctor Gerald Noblete ay nahuli na nito ang kiliti ng kanyang puso. Ang kaso ay may problema... napakaseryoso nito. Bihira ngumiti at bukod doon ay may nililigawan na itong iba. Isang simpleng babae, mahinhin, at pang may bahay talaga ang dating... In short kabaligtaran niya! May pag-asa kayang mapansin siya nito?
![](https://img.wattpad.com/cover/2046992-288-k322841.jpg)
BINABASA MO ANG
ASHRALD FANFIC PRESENTS; KUNG AKO NA LANG SANA
Teen FictionNang pumanaw ang Lola ni Sarah ay nagdesisyon ang kanyang ina na paluwasin na siya ng Maynila at doon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Ang hindi alam ng dalaga ay nakatakdang mag-krus ang landas nila ni Gerald, Isa sa mga anak ng amo ng kanyang...