A month has quickly passed. Sa pagdaan ng mga araw ay napag-aralan na ni Sarah at Gerald na kontrolin ang kanilang mga damdamin. Kapag nagkakasalubong sila sa bahay ay nagbabatian at nagngingitian naman sila, ngunit hindi maipagkakailang naroon pa rin ang pagtingin nila sa isa't isa. Madalas ay mahuhuli ni Sarah na nakatitig sa kanya si Gerald, magbabawi lamang ito ng tingin kapag nakita nitong nakatingin din siya.
Araw iyon ng sabado...Wala namang ginagawa si Sarah kaya't siya na ang nagtupi ng mga damit ni Gerald. Wala naman sigurong masama kung gawin niya iyon, siya naman talaga ang gumagawa noon dati. Nangingiting dinampot niya ang underwear ng binata. Naaalala niya nung una siyang inutusan nitong maglaba, naibato niya ang brief nito sa sobrang pagkahindik. At mas lalo pa siyang napangiti ng maalala yung eksenang kinakausap niya ang picture frame ni Megan at biglang lumabas ang binata ng nakatapis lamang ng tuwalya. Mag-isa siyang tumatawa sa laundry room ng biglang pumasok doon si Gara.
"Huy... ok ka lang?" takang tanong sa kanya nito.
"Oo naman.. bakit?" nakangiting tanong niya dito.
"Wala.. eh bakit ka tumatawa mag-isa diyan?" napatingin ito sa hawak niyang brief kaya't napangiti din ito. "Asus! nagrereminisce ang lola! At talagang brief pa ang hawak mo ha..." napahalakhak na ani Gara.
"Sus.. si Ate Gara talaga oh! eh anong magagawa ko kung itong mga brief niya ang nagpapaalala sa akin ng mga moment namin." tumatawa ring tugon ni Sarah.
"ewan ko sayo!" tawa ng tawang saad nito. "magrereminisce lang sa brief pa! kaloka... but anyway.. masaya ako kasi kahit papano ay nakakangiti at nakakatawa ka na." anito.
"Siyempre naman Ate gara, ganun talaga.. kailangan tanggapin..." nakangiti ngunit may pait pa ring saad ni sarah.
Inakbayan naman siya ng kaibigan.
"Alam mo.. ako naniniwala ako sa kasabihan na What's meant to be will always find a way... at talagang malakas ang kutob ko na para talaga kayo sa isa't isa..."
"Ano ka psychic?" tumatawang tanong ni Sarah.
"Hoy huwag ka.. ang dami ko ng napredict na ganyan at karamihan ay nagkatotoo.." nakangiting irap nito sa kanya.
"Nakuuu... talaga lang ha!"
"Oo noh! but anyway.. since inaayos mo na yang mga gamit niya idagdag mo na itong mga natupi ko. iakyat mo na yan sa kwarto niya." utos nito.
"Owki..." pagpayag ng dalaga. Malakas ang loob niya sapagkat ang alam niya ay umalis si Gerald ng bahay. wala kasi ang sasakyan nito.
Dala dala ang basket, umakyat sa taas si Sarah. Nakita niyang nakaawang ang pintuan ng kwarto ni Ge. At ganun na lamang ang gulat niya ng marinig na may naggigitara sa loob. Dahan dahan siyang sumilip.
Naroon si Gerald. Nakaupo ito habang nakaharap sa bintana. Hindi nito napansin si Sarah sapagkat nakatalikod ito sa pintuan.
GERALD:
That it's sad to belong to someone else,
When the right one comes along.
Yes, it's sad to belong to someone else,
When the right one comes along.
Oh, I wake up in the night,
And I reach beside me hoping you would be there.
But instead I find someone,
Who believed in me when I said I'd always care...
Oh, it's sad to belong to someone else,
When the right one comes along.
Yes, it's sad to belong to someone else,
BINABASA MO ANG
ASHRALD FANFIC PRESENTS; KUNG AKO NA LANG SANA
Подростковая литератураNang pumanaw ang Lola ni Sarah ay nagdesisyon ang kanyang ina na paluwasin na siya ng Maynila at doon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Ang hindi alam ng dalaga ay nakatakdang mag-krus ang landas nila ni Gerald, Isa sa mga anak ng amo ng kanyang...