"Saan siya Tita Millet?" tanong ni Gerald sa handler ni Megan ng makarating siya sa condo unit nito.
"Haayy.. nandoon sa kwarto niya." tila problemadong sagot nito.
Napa-puzzle naman na nagtungo sa silid ng nobya ang binata. Doon ay nadatnan niyang nakasandal ito sa headboard ng kama. Mukhang malalim ang iniisip.
"Hey, are you alright?" mahinang tanong niya dito. Umupo siya sa tabi nito. "Ano yung sasabihin mo sa akin?"
"Hon..." baling nito sa kanya. "Pls promise me na hindi ka magagalit sa sasabihin ko..' naluluhang anito.
"A-ano ba yun?" takang tanong ni Gerald.
Tumayo si Megan at may kinuha sa kanyang drawer, kapagkuwan ay iniabot niya ito sa nobyo.
"Megs..wh-what are these?" isa isang tinignan ng binata ang mga papel, particularly ang maliit na aparato.
"Those are my test results from yesterday...Hon im pregnant."
Awtomatikong nagkulay suka ang mukha ng binata. Sobrang nagulantang siya sa narinig. Wala sa sariling napatayo siya. Hindi siya makasalita ng mga sandaling iyon...
"Oh God.. this can't be happening!" pagwawala ng isip niya.
"Hon..." untag sa kanya ni Megan.
"Megan.. a--are you sure about this??" tila gusto niyang maiyak ng mga sandaling iyon. Gusto niyang magwala.
"I took the PT yesterday, tapos ayan nga dalawang lines ang lumabas so i went to my OB Gyne straight away and yes.. she confirmed that i am carrying a baby." kinakabahang sagot nito.
"Megs... ma-may nangyari ba talaga sa atin?" wala sa sariling tanong ni Gerald.
Tila nasaktan naman ito sa sinabi ng binata.
"How dare you! Mabubuntis ba ako kung wala?!" Napaiyak ito sa sobrang inis. "Alam mo kung hindi mo kayang akuin ang responsibilidad its up to you!!! Doon ka na sa Sarah mo!" umiiyak na sigaw sa kanya ng dalaga.
Halatang nagulat naman si Gerald sa sinabi ng nobya.
"Megan...."
"Oo alam ko! matagal ko ng alam ang nangyayari sa inyo! Kaya ka nga nakipaghiwalay sa akin diba? Kaya hindi mo na ako mahal dahil inagaw ka na sa akin ng babaeng yun!!!" histerya nito.
"Megan calm down... that's not good for you.." pakiusap ng binata.
"God dammit Gerald! Kung hindi ka naman lumapit lapit sa akin noon i wouldn't fall for you! Lahat na ginawa ko para mahalin mo ulit ako pero balewala sayo!!!!!" humahagulgol na napaupo ito.
Naaawang nilapitan ni Gerald ang nobya...
"Im sorry... na-nabigla lang ako..." mahinang saad niya dito. "Pls tama na, hindi maganda sayo yung ganyan..." niyakap niya ito.
"I Love You so much at ang sakit sakit na....."umiiyak pa ring tugon ni Megan.
"Sshhh... tama na... We'll sort this out ok..." pang-aalo nito.
BINABASA MO ANG
ASHRALD FANFIC PRESENTS; KUNG AKO NA LANG SANA
Teen FictionNang pumanaw ang Lola ni Sarah ay nagdesisyon ang kanyang ina na paluwasin na siya ng Maynila at doon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Ang hindi alam ng dalaga ay nakatakdang mag-krus ang landas nila ni Gerald, Isa sa mga anak ng amo ng kanyang...