Nakagayak na silang lahat ng biglang lumabas si Megan mula sa kwarto nito. dumiretso ito kay Gerald na noon ay inaayos ang kanyang bag sa sala.
"Hon may problema!" nakasimangot na saad ni Megan sa nobyo.
"Ha? Ano yun?" tanong naman ni Gerald.
"Nag-emergency call sa akin si Tita Millet. Pinababalik ako ng Maynila ngayon dahil nagkakaproblema daw doon sa ilalabas na billboard sa Malaysia."
"Naku naman... hindi ba nila pwedeng gawan ng paraan yun? or can it even wait till you get back?" anang binata.
Si Sarah naman ay pasimple lamang na nakikinig sa usapan ng dalawa habang nasa balkon siya. Maya maya ay bigla ding sumulpot si John Lloyd.
"Bro, totoo ang sinasabi ni Megs." anito. "Maski ako tinawagan nila at gustong bumalik sa Maynila ngayon. Yung main franchiser kasi ng Forever Young sa Malaysia hindi niya nagustuhan yung concept na ginawa namin. Gusto niyang ibahin lahat." paliwanag nito.
Nang marinig ang sinabi ni John Lloyd ay nagpasya na ding lumapit si Sarah sa kanila.
"Bakit hindi niya nagustuhan eh ok naman yung concept natin ah..." baling ni Megan kay John Lloyd.
"I don't know.. He said he wasn't satisfied. Parang kulang daw.. Hindi worth it na ilagay sa city centre according to him." tila naiistress na saad ng binata.
"Grabe naman siya, we've put a lot of effort on it." naiinis na ani Megan.
"Well ang sabi niya, its either change it or just forget about it." naiiling na wika ni John Lloyd.
Napatingin si Megan kay Gerald habang si John Lloyd naman ay tumingin kay Sarah.
"What do you think Sa?" tanong ng binata na ikinagulat niya.
"It's not for me to decide pero kung malaking project niyo yan I think you should go. Sayang naman ang pinaghirapan niyo kung mapupunta lang sa wala." tugon ni Sarah.
"I think Sarah is right JL, sayang naman lahat ng pinagpaguran natin, and it's a big break for us kapag natuloy na mai-lauunch ang billboard natin sa Malaysia." ani Megan.
Mahinang napabuntong hininga si Gerald. "As usual, career first alright.." sigaw ng isip niya.
"Ok we'll go back to Manila today..." desisyon ni John Lloyd. "Sarah im sorry about this..' paumanhin nito sa dalaga.
"Ok lang yun... there's always a next time. Halika na tutulungan na kitang ayusin ang mga gamit mo." sinamahan na ni Sarah ang binata na pumasok sa kwarto nito, habang si Gerald ay tila gustong habulin at pigilan ang dalaga na pumasok sa kwarto ni Lloydie. Maisip lamang niya na mapagiisa sa loob ang dalawa ay tila gusto niyang magwala. Nakalimutan niyang kaharap pa pala niya si Megan.
"Hon, im sorry ha...ayoko lang palampasin ang opportunity na ito. You know this is the big break that i am waiting for right?" malambing na yumakap sa kanya ang nobya.
"No, its okay... I understand." tugon niya dito.
Nang makagayak ang dalawa ay nagpaalam ang mga ito sa lahat.
"Sayang naman at kailangan niyo ng bumalik... halos hindi pa kayo nageenjoy." malungkot na wika ni Luisa.
"Oo nga po Tita eh, di bale may next time pa naman po...' tugon ni Megan.
"Mommy, Daddy, baka hindi na kami makasama ni Sarah sa hiking. Ihahatid na lang namin sina Megs at JL sa airport." ani Gerald.
"Tito Gren, Tita Luisa, im really sorry for messing up this outing." paumanhin ni John Lloyd.
BINABASA MO ANG
ASHRALD FANFIC PRESENTS; KUNG AKO NA LANG SANA
Fiksi RemajaNang pumanaw ang Lola ni Sarah ay nagdesisyon ang kanyang ina na paluwasin na siya ng Maynila at doon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Ang hindi alam ng dalaga ay nakatakdang mag-krus ang landas nila ni Gerald, Isa sa mga anak ng amo ng kanyang...