CHAPTER 16

3.8K 68 10
                                    

Katatapos lang ng klase ni Sarah. Nasa labas na siya ng gate ng may lumapit sa kanyang bata na nagtitinda ng bulaklak.

"Ate..ate may nagpapabigay po sa inyo nito." inabot ng bata ang isang boquet na may lamang tatlong pulang rosas.

"Naku bata sino nagpapabigay nito?" tanong ni Sarah habang nagpapalinga linga.

"Yung mama po doon oh.." tinuro ng bata ang lalaking nagkukubli sa malapad na puno.

Napangiti si Sarah ng makita kung sino iyon. Wala pang kamalay malay ang lalaki na itinuro na pala siya ng bata. Nilapitan siya ng dalaga.

"Huy!" bungisngis na gulat ni Sarah dito. Nagulat naman ito at napangiti ng maluwag pagkakita  sa dalaga. 

"Hi...' nakangiting bati ni John Lloyd.

"Hello.. Kamusta ka na? kamusta yung business trip mo sa Malaysia?"  masayang tanong ng dalaga.

"Ok naman, ikaw kamusta ka na? nawala lang ako mukhang pumayat ka na, namiss mo ba akong masyado ha?" saad nito.

"Naku..naku.. ewan ko sayo." tumatawang sagot ni Sarah.

"May iba ka pa bang lakad?"

"Wala na.. bakit?"

"Pwede ba kitang imbitahang kumain sa labas?" tanong ng binata.

"Sus, oo naman pwedeng pwede!" mabilis na tugon ng dalaga.

Kahit papano ay gumaan ang loob ni Sarah ng makita si John Lloyd, kahit papano kasi ay naging close niya na ito at itinuturing niyang isa sa pinakamalapit na kaibigan niya ang binata. Kapag kasama niya ito ay wala siyang ginagawa kundi tumawa lang. Napakagaan kasama nito.

"I heard the news about Megan... what happened?" tanong ni John Lloyd habang kumakain sila sa isang restaurant.

"Nagkaroon lang yata sila ng konting problema ni Gege, pero ok na naman yata sila." nakayukong sagot ni Sarah.

"Parang ang OA naman ni Megan.. para ganun lang magtatangka na kaagad magpakamatay." anang binata.

"Naku sinabi mo pa!" sigaw ng isip ni Sarah.

"Well hindi naman natin alam ang pinagdadaanan nung tao, baka may mas higit na rason pa siya bukod doon." sa halip ay saad ng dalaga.

Napakibit balikat lamang ang binata.

"Oh magkwento ka naman tungkol doon sa business trip mo." nakangiting ani Sarah.

"Anong iku-kwento ko?" nangingiting tanong ni Lloydie.

"Kahit ano, kung anong mga pinaggagagawa mo, kung namasyal ka ba o ano.."

"Well..." nangalumbaba ang binata at napaisip. "Namasyal ako sa isang mall doon, tapos habang namamasyal ako may lumapit sa akin na babae.."

"Uhm tapos?" nangalumbaba din si Sarah.

"Ayun nga lumapit siya sa akin, nagpakilala, tinanong bakit daw ako nagiisa, saka kailangan ko daw ba ng company.."

"Oh so anong sabi mo?" nangingiting tanong ng dalaga.

"I said im alright but if she like, she can accompany me.."

"Oh tapos anong nangyari?"

"Eh di magkasama kaming namasyal sa mall..."

"Ahh.. so makatuwid umalembong ka lang pala doon?" tumatawang saad ni Sarah.

"Teka di pa tapos yung kwento..." awat ni Lloydie sa kanya.

"O sige.. tapos?" nangalumbaba ulit ang ang dalaga.

ASHRALD FANFIC PRESENTS; KUNG AKO NA LANG SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon