Araw iyon ng Sabado. Tahimik ang bahay ng mga Decillo. Ang mag-asawang Luisa at Grendon ay umattend ng kasalan sa isang probinsya. Si Myka naman ay nagsleep over sa bahay ng bestfriend nito. Si Nanay Letty ay namalengke habang si Gara ay naglilinis sa taas.
Abala si Sarah sa pagsasalang ng mga damit sa washing machine ng biglang may yumakap mula sa kanyang likuran.
"Good morning my Baby girl." bati sa kanya ni Gerald habang humahalik sa kanyang leeg.
"Huy! ano ka ba?" gulat na ani Sarah dito. "nakalimutan mo na ba yung napagusapan natin kagabi ha?" kumakalas siya sa pagkakayakap nito ngunit hindi siya hinayaan ng binata na makakawala.
"Babe naman.. para naglalambing lang eh."
"Aba't?! may pababe-babe ka pa diyan ha..." natatawang wika ni Sarah.
"Bakit ayaw mo ba ha?" kiniliti nito ang tagiliran niya.
"Ay! anu ka baaa..." saway ng dalaga. "Nag-almusal ka na ba?"
"Hindi pa nga eh, sakit ng ulo ko..." nagpapaawang saad ni Gerald.
"Ayan ang napapala mo. May palasing lasing ka pa kasing nalalaman eh. Halika sa kusina at nandoon ang almusal mo... Magkape ka ng mawala yang sakit ng ulo mo." hinila ni Sarah ang binata patungo sa kusina. Pinaupo niya ito sa kitchen stool habang inihahanda niya ang almusal nito. Nagtitimpla siya ng kape ng biglang yumakap na naman ito sa kanya. Hindi niya na napigilang matawa.
"Gege naman! Ano ka ba? Para ka namang magnet eh!" tumatawang saad ni Sarah.
"Eh sorry, hindi ko mapigil eh.. nanggigigil ako sayo..." anang binata.
Nasa ganoong posisyon sila ng marinig nila si Gara na papasok sa kusina. Agad agad na bumitaw si gerald sa pagkakayakap sa dalaga.
"Oh..Ok lang kayo? Bakit para kayong nakakita ng multo diyan?" tanong ni Gara.
"Wa-wala.. nagulat lang kami sayo Ate Gara.." sagot ni Ge.
"Ah ok..." napapatangong anito habang may naglalarong kakaibang ngiti sa labi.
Bigla namang pumasok si Aling Pinay sa kusina.
"Gerald nandiyan ang nobya mo..." anito.
Awtomatikong nagkatinginan sina Sarah at Gerald. pati si Gara at Aling Pinay ay nakipagpalitan din ng tingin sa kanila.
"Uy.. ano pang hinihintay mo? Puntahan mo na." untag ni Sarah sa binata.
"Si-sige pupuntahan ko lang." nakayukong paalam ng binata sa kanila.
Nang makalabas ito ay bumagsak ang balikat ni Sarah. Napaupo siya sa bar stool na inuupuan ni ge kanina.
"Girl, kaya mo yan... Isipin mo na lang katawan lang ni Ge ang nandun, ang puso niya nandito pa din sa kitchen." ani Gara. Kapagkuwan ay napakunot noo ito, tila naguluhan sa sinabi nito. Kunot noo ding napatingin sa kanya si Sarah. Nagkatawanan tuloy sila.
"Ikaw talaga Ate Gara!" tumatawang saad ng dalaga dito.
Samantala...
"Good morning Hon...' masayang sinalubong ni Megan si Gerald ng halik sa labi.
"Ahm.. what are you dooing here? Wala ka bang trabaho ngayon?" kaswal na tanong ng binata.
"Wala Hon.. kinausap ko na si Tita Millet. Nagbawas ako ng projects this year, i want to focus on our relationship, ..."
"You know you dont have to do that right?" parang naiinis na wika ni gerald.
"Pero Hon i want this..." lumapit sa kanya si Megan at hinawakan siya sa braso. Nang mapansin nitong tila naiinis ang binata ay nalungkot ito at tila gustong maiyak.
BINABASA MO ANG
ASHRALD FANFIC PRESENTS; KUNG AKO NA LANG SANA
Teen FictionNang pumanaw ang Lola ni Sarah ay nagdesisyon ang kanyang ina na paluwasin na siya ng Maynila at doon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Ang hindi alam ng dalaga ay nakatakdang mag-krus ang landas nila ni Gerald, Isa sa mga anak ng amo ng kanyang...
