CHAPTER 29

4.1K 68 14
                                        

FLASH BACK.....

"Im good thankyou! How's MEgan? Kasama mo ba siya ngayon?"

"Ah eh hindi po eh, nasa Maynila po siya." tugon ni Gerald.

"Oh yeah.thatt's right. she was in the clinic the other day.. nagcocomplain nga sa akin na nahihirapan daw siya sa morning sickness niya saka crave daw siya ng crave mawawala na daw ang figure niya." tumatawang wika ng doktora. "But i told her, she's on her 2nd trimester now so medyo makakaginhawa na siya."

"2nd trimester?" takang tanong ni gerald.

"Yeah.. she's 5 months pregnant now right? bakit kasi dika sumasama sa mga checkups niya? You should come with her kasi iba ang feeling kapag narinig mo ang heartbeat ng baby mo..." anang doktor.

"Teka lang po doktora.. diba po 3 moths pa lang siyang buntis? exactly 3months the other day..." naguguluhang anang binata.

"Ohh.. Im pretty sure she is on her 5th month now, i can't be wrong kasi siya lang ang patient ko nung isang araw at ang tagal naming nagkukwentuhan."

Natigilan si Gerald sa sinabi ng doktora. Papanong naging limang buwang buntis si Megan eh 3 months ago lang noong may nangyari sa kanila? Bumilis ang tibok ng kanyang dibdib ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung magagalit ba siya o matutuwa. 

"Anyway hijo.. yeah you should come with Megan on her next appointment... I have to go kasi may seminar pa ako eh, say Hi to her for me ok?" paalam ng doktora. 

"Sige po salamat doktora.." napapaisip na lumakad ang binata papunta kay Sarah.

"So yun Megan... Pls explain to me why you're 5 months pregnant while we only had sex 3 months ago. I wasn't even sure kung talagang may nangyari nga sa atin!" salubong ang kilay na wika ng binata.

Hindi naman makasagot si Megan, umiiyak lamang ito.

"Megan!!!!" sigaw ni Gerald. Nahintakutan naman ang dalaga kaya't lalo itong napaiyak.

"Ano ba Megan! Talk to me!" naiinis ng saad ng binata.

"Fine!" ganting sigaw ng dalaga. "Nagawa ko lang naman yun kasi mahal na mahal kita Gerald. Hindi ko kayang mawala ka sa akin..."

"At yung nagtangka kang magpakamatay, alam mo ng buntis ka noon ginawa mo pa rin iyon? hindi ka na naawa sa batang dinadala mo!" panguusig ni Gerald sa kanya.

"Hindi talaga ako nagtangkang magpakamatay nun! Naospital ako kasi nahilo at bumagsak ako. At doon ko nalaman na buntis ako...." anito sa pagitan ng paghagulgol.

Maang na napatingin sa kanya ang binata. Tila gustong sumabog ng dibdib ni Gerald ng mga sandaling iyon. All this time ay pinaikot lamang pala sila ng babaeng ito. Ang dami nilang pinagdaanang sakit ni Sarah dahil lamang sa kahibangan ng babaeng ito.

"Megan... how could you do this to me?" hindi makapaniwalang tanong niya dito.

"Kasi nga mahal kita! Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito kita kamahal!" umiiyak pa ring anito.

"Sino ang ama niyang dinadala mo Megan?" sa wakas ay naitanong na ng binata.

Hindi na naman nakasagot ang dalaga. Sa halip ay umupo ito at yumuko.

"Sino sabi eh!" napipikon na namang bulyaw ng binata.

"Si John Lloyd....."

Awtomatikong hindi nakahuma sa kinatatayuan niya si Gerald. Tama ba ang narinig niya? Si John Lloyd ang ama? Parang gusto niyang matawa ng oras na iyon. How on earth did it happen?? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Sarah kapag nalaman nito ang lahat?

ASHRALD FANFIC PRESENTS; KUNG AKO NA LANG SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon