Araw iyon ng sabado. Kumpleto ang pamilya Decillo habang nanananghalian.
"Ready na ba kayo sa outing natin? Saan niyo gustong pumunta this time?" tanong ni Grendon sa kanilang lahat.
"Ay Dad, i heard maganda daw sa palawan." excited na saad ni Myka.
"Yeah, why not..." kibit balikat na tugon ng ama.
"Ay bongga.. makakarating naman tayo ng Palawan ngayon!" masayang sabat ni Gara habang nagsasalin ng juice sa baso ng mga amo.
"Bakit Ate Gara kasama ka?" natatawang tanong ni Sarah dito habang lihim na naco-conscious dahil kanina pa niya napapansin na pasulyap sulyap sa kanya si Gerald.
"Ay naku.. first time nga pala ito ni Sarah..." ani Luisa na narinig ang sinabi ng dalaga.
"Anak taon-taon naga-outing kami dito. Lahat kasama, walang maiiwan." nakangiting paliwanag sa kanya ni Nanay Letty.
"Naku.. this year is gonna be fun! Ang daming nadagdag sa family natin." excited na wika ni Luisa. Kapagkuwan ay bumaling ito kay Gerald. "Anak im sure isasama mo si Megan right? Hindi mo pa siya ipinakikilala sa amin remember."
"Kuya, kayo na pala ni Megan... ang bilis naman!" sabat ni Myka.
"Eh sa gwapo ba namang yan ng anak ko magtataka ka pa ba?" anaman ni Grendon na ikinangiti ng binata.
"Pero seriously anak, you have to take her ok?" ani Luisa habang nakahawak sa braso niya.
"Yes Mom... i'll talk to her." tango ng binata na sumulyap uli kay Sarah.
"What about you Sarah? how's your new friend?" baling ni Grendon sa dalaga.
"Po?" gulat na tanong niya dito.
"Si John Lloyd.. how is he? I like that kid. May sense kausap, He's like his Dad." anang ama ni Gerald.
"Hija, yayain mo ding sumama si John Lloyd, natutuwa ako sa batang iyon eh. Ang bait bait at masyadong palabiro." ani Luisa.
Hindi naman makasagot si Sarah. Pinakikiramdaman niya si Gerald sapagkat alam niyang hindi nito ikatutuwa kapag sumama si John Lloyd, lalo na at nandoon din si Megan.
"Ahm.. tatanungin ko po siya kung pu-pwede siya." sagot na lamang ni Sarah.
"Ayan! Iseset na natin kung kelan at saan ha, then magpapabook na ako!' excited na wika ni Luisa.
Nang matapos kumain ang mag-anak ay tumulong si Sarah na magligpit sa kusina, pagkatapos niyang magpunas ng mga pinggan ay nagtungo siya sa laundry area upang kuhanin ang mga damit na isinampay niya kaninang umaga. Hindi niya namalayang nasa likod niya pala si Gerald.
"Sasa!!" tawag nito sa kanya.
"Ay Gege!" halos mapatalon sa pagkagulat ang dalaga. "Sus, itong kabute na ito sumulpot na naman! baket?' tanong niya dito.
"Wala, naiinip ako eh." parang batang saad nito.
"Naiinip? Eh bat hindi mo puntahan si Megan? Bakit di kayo mag-date?' aniya dito habang patuloy na kinukuha ang mga sinampay.
"Nasa out of town siya ngayon, bukas pa yata ang balik niya."
"Ah ok..." maikling tugon ng dalaga.
"Eh si John Lloyd? Himala hindi ka yata kinukulit ngayon?" ani Gerald.
"Nasa Boracay siya ngayon... kasal ng pinsan niya."
"Wow, talagang alam mo ha... kamusta na ba kayo?"
"anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni Sarah sa kanya.
"Kamusta kayo? Nangliligaw ba siya sayo?" anang binata. "Ako na magbubuhat niyan." kinuha niya kay Sarah ang basket na puno ng damit.
BINABASA MO ANG
ASHRALD FANFIC PRESENTS; KUNG AKO NA LANG SANA
Genç KurguNang pumanaw ang Lola ni Sarah ay nagdesisyon ang kanyang ina na paluwasin na siya ng Maynila at doon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Ang hindi alam ng dalaga ay nakatakdang mag-krus ang landas nila ni Gerald, Isa sa mga anak ng amo ng kanyang...