CHAPTER 22

3.3K 58 33
                                    

Pagpasok ni Sarah sa bahay ay nakita niyang pababa si Gerald sa hagdanan. Mataman itong nakatingin sa kanya. Katulad niya ay mukhang pagod na pagod din ang itsura nito. Awtomatikong lumakas ang kabog ng dibdib ng dalaga ng magtama ang tingin nila kaya't agad siyang yumuko at nagmadaling maglakad papalayo dito, ngunit mas maagap ang binata. Agad siya nitong nahawakan sa braso.

"Sarah...Babe... kausapin mo naman ako pls... ano bang nangyayari sa atin?" garalgal ang tinig nito.

"Ge pls naman oh..." pakiusap ni Sarah.

"Pls... atleast let me know whats happening?" hirap na saad ni Gerald.

Lalo ng napapikit si Sarah ng yumakap ito mula sa kanyang likuran.

"Ge, bitawan mo na ako pls.. baka may makakita pa sa atin!" lihim na nananalangin ang dalaga na sanay bitiwan na siya ng binata bago pa siya tuluyang manglambot at bumigay. Ngunit hindi nangyari iyon. Sa halip ay hinila siya nito paakyat sa hagdan.

"Saan mo ako dadalhin?!" pilit siyang kumakalas sa pagkakahawak nito.

"Mag-uusap tayo..." seryoso ngunit nangingilid ang luhang tugon ng binata.

"Ge!!!!" mahinang saway niya dito ngunit tila walang naririnig ito. Dinala siya nito sa silid nito. Iniupo siya nito sa kama nito at inilock ang pintuan ng silid.

"Now tell me what's happening Sarah..." nakaupo siya sa kama nito kaya't lumuhod ito sa harap niya.

"Gerald naman! Hindi pa ba malinaw sayo na ayoko na?! Huwag mo naman akong pahirapan ng ganito oh!" naluluha ng saad ng dalaga.

"Ikaw ang nagpapahirap sa sarili mo! Nandito ako handa kitang ipaglaban kahit kanino, ikaw lang ang may ayaw!" 

Tuluyan ng napaiyak ang dalaga. Tumayo siya at nagpalakad lakad sa silid ng binata.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi nga pu-pwede!" aniya sa pagitan ng pagluha.

"That's bullshit Sarah! bakit hindi pu-pwede?!" inis na tugon ni Gerald.

"Kung naging ordinaryong tao ka lang sana walang problema.. Pero hindi eh.. Si Gerald Decillo ka! nobyo ng sikat na si Megan Dowell at anak ng respetadong businessman.. tagapagmana ng kumpanya ninyo... ano ba Ge!" asik ni Sarah sa kanya.

"Ano ang kaugnayan noon sa atin?!" nagngangalit ang bagang na tanong ng binata.

"Marami ok! Hindi ka kayang mawala ni Megan sa kanya, at hindi kaya ng konsensya ko na magpakasaya sayo habang may mga taong nasasaktan! At ang pamilya mo Ge, mahal ko sila... At hindi ko kayang suklian sila ng eskandalo sa lahat ng tulong na ibinigay nila sa amin ni Mama. Kung hindi mo naiintindihan yun pwes im sorry!!!" humahagulgol na ani Sarah.

"Kaya sa tingin mo si John Lloyd ang dapat para sayo?" napaiyak na ding tanong ni Gerald.

Napatingin naman si Sarah sa kanya. Tila nagulat ito kung bakit napasok si John LLoyd sa usapan.

"Walang kinalaman si John Lloyd dito..." wika ni Sarah habang pinapahid ang mga luhang naglanlandas sa kanyang pisngi.

"Meron Sarah... Meron!" mahina ngunit madiin na tugon ni Gerald. Namumula na ang mukha nito dahil sa pinipigil na emosyon, at dahil na din sa pag-iyak.

"Alam mo wala ng pupuntahan tong usapan na ito eh.. tama na Ge.. awat na." naiiling na saad ni Sarah. Hilam na hilam na ang kanyang mata sa luha. Lalabas na sana siya sa silid ngunit mabilis siyang hinatak ni Gerald at siniil ng halik. Noong una ay masuyo ang halik nito kaya't awtomatikong nanglambot ang tuhod ni Sarah at napatugon siya dito, hindi nila alintana ang luhang naglalandas sa mukha nilang dalawa. Napakapit si Sarah sa batok ng binata habang lalo naman siyang idinikit ni gerald sa katawan nito. Naramdaman niyang inihiga siya nito sa kama at doon na siya naalerto.

ASHRALD FANFIC PRESENTS; KUNG AKO NA LANG SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon