Kinabukasan... maaga pa lamang ay nakaabang na si Gerald kay Sarah.
"Naku Ge maagang umalis eh, marami daw siyang dapat asikasuhin ngayong araw." saad ni Nanay Letty sa kanya.
Hindi naman nakasagot ang binata. Palaisipan talaga sa kanya kung ano ang nangyari at biglang nag-iba ang dalaga.
"Sige di bale na lang po Nay, alis na po ako." walang ganang sagot niya dito.
"Teka hindi ka ba magaalmusal?" habol ng mayordoma.
"Sa opisina na lang po..." aniya at lumakad na papalayo.
Naaawang hinabol ni Nanay Letty ng tingin ang binata. Alam niyang nahihirapan din ang kalooban nito. At mas lalo siyang naaawa kay Sarah sapagkat kagabi ay hindi ito halos nakatulog dahil sa kaiiyak. Wala naman siyang magawa kundi damayan lamang ito.
Nang maramdamang nakaalis na ang binata ay dahan dahang lumabas sa pagkukubli ang dalaga. hapong hapo siyang umupo sa tapat ng ina at ni Gara.
"Oh ano? Magmumukmok ka na lang maghapon?" tanong ni Gara sa kanya.
"Naku... di ko na alam ang ipapayo ko sa batang yan. Mahirap naman kasi talaga yung sitwasyon niya eh." anaman ni Nanay Letty.
"Yang bruhang Megan kasi na yan ang may kasalanan eh! Bakit ayaw pang pakawalan si Ge eh tiyak ko naman na maraming nagkakagusto sa kanya." inis na wika ni Gara.
"Kow! Kung maraming nagkakagusto bakit parang linta kung makakapit sa isa?!" kontra ni Nanay Letty. Kapagkuwan ay bumaling ito sa anak. "Eh nak bat di mo na lang ibaling ang pagtingin mo kay John Lloyd? Mukhang ok naman din ang batang iyon."
"Ma naman.. hindi naman po ganun kadali yun eh." nakasimangot na ani Sarah.
"Joke lang naman... pero bakit dimo nga subukan? Alam mo ang pagmamahal natututunan din naman yan."
"Pero Nay aminin mo, mas masarap ang pagmamahal na kusang naramdaman kesa ipinagpilitan daba?!" anaman ni Gara.
"Kuu.. ikaw talaga Gara! ilagay mo na nga yang mga plato sa hapag kainan at bababa na yung mag-anak maya-maya." saway ni Letty dito.
Lalabas na sana sa kusina sina Letty at Gara ng biglang pumasok si Mang Roger. Halos hindi na makita ang mukha nito dahil sa laki ng dala dala nitong boquet ng bulaklak.
"Wow! Mang Roger para sa akin po ba iyan??" manghang tanong ni Gara.
"Ambisyosa ka hija, para kay Sarah ito." nagkatinginan at nagkatawanan silang lahat dahil sa biro ng matandang lalaki.
"Thankyou po Mang Roger, kanino po ba galing ito?" nakangiting tinanggap ni Sarah ang pagkaganda-gandang boquet ng pink roses.
"Ewan ko hija, basta may nagdeliver lang."
"Basahin mo yung card anak..." utos ni Letty.
Agad namang kinuha ni Sarah ang card na nakalakip sa pulang envelope.
Sarah,
Accept the Love you think you deserve.......
---J.L xxx
![](https://img.wattpad.com/cover/2046992-288-k322841.jpg)
BINABASA MO ANG
ASHRALD FANFIC PRESENTS; KUNG AKO NA LANG SANA
Fiksi RemajaNang pumanaw ang Lola ni Sarah ay nagdesisyon ang kanyang ina na paluwasin na siya ng Maynila at doon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Ang hindi alam ng dalaga ay nakatakdang mag-krus ang landas nila ni Gerald, Isa sa mga anak ng amo ng kanyang...