Chapter 1

251 7 0
                                    

Chapter 1

3rd Person's POV

There is a world na kung saan nababalot ng hiwaga ang lahat. Punong-puno ng mahika, kasiyahan at katuwaan. This world can be compared to Earth but this world is full of magic, this world is called Magicia.

Magicians ang tawag sa mga mamamayang nakatira rito at bawat mamamayan dito ay may taglay na kapangyarihan. At ang bawat mamamayan din ay may kanya-kanyang antas sa lipunan.

Ang pinakamataas ay ang mga Rycorren na kung saan nabibilang dito ang mga Royalties at mga konseho ng isang kaharian. Pangalawa ay ang mga Vistrun na kinabibilangan ng mga taong nakakakita ng pangitain at propesiya o mga Seer na siyang nagiging gabay ng mga Rycorren sa pagpapasya at maging ang mga Healer na may malaking gampaning manggamot at panatilihing buhay ang bawat taong may karamdaman lalong-lalo na ang mga Royalties.

Ikatlo ay ang mga Sacreas na kinabibilangan ng mga kawal sa isang kaharian dahil kailangan nilang panatilihin ang kapayapaan sa lugar at mga guro na siyang nagtuturo sa mga kabataan. Ikaapat ang mga Mestin na kinabibilangan ng mga mangangalakal at manggagawa. Ikahuli at ang pinakamababang antas ay ang mga Lesyndras na kinabibilangan ng mga magsasaka, hunters at mga katulong sa palasyo o sa mga mayayamang pamilya.

Ang mundong ito ay may apat na kaharian na siyang naghahati sa bawat lahi ng mga Magicians. Ito ay ang Ardenia, Shentria, Verinia, at Chaosia.

Sa kaharian ng Ardenia o kilala rin sa tawag na 'The Great Land'—dahil ito ang pinakamayaman at ang namumunong kaharian sa buong Magicia—isinilang ng kanilang reyna, si Queen Carmina, ang dalawang sanggol. Isang babae at lalake, kambal na pinagpala ang tawag sa kanila ng Head Seer ng kaharian na si Synctus. Based on his vision, nakita niya raw na ang isa'y nagtataglay ng Dark Magic at ang isa ay ang Light Magic na itinuturing na pinakamalalakas na kapangyarihang kayang taglayin ng kambal.

Sinasabing ang Light at Dark Magic ay kambal na kapangyarihan na tanging mga kambal lamang ang maaring magtaglay. Napakabihirang mapasakamay ito ng kahit sinong kambal sapagkat tanging may mga mahahalagang gampanin lang ang maaring magkaroon nito. Sinasabi rin na hindi dapat maghiwalay ang kambal sapagkat hihina ang kapangyarihang taglay nila maging ang kanilang katawan hangga't magkalayo sila ngunit babalik din ang lakas ng mga ito kung sakaling magkita at magkasama silang muli.

"Keep and take care of those babies. Dahil darating ang panahon na sila naman ang poprotekta sa atin." paalala ni Synctus.

Isang gabi ay nagkaroon ng kasiyahan sa loob ng palasyo sapagkat maayos ang naging panganganak ni Queen Carmina at nagsilang siya ng mga pinagpalang kambal. Habang nagkakasiyahan ang lahat ay binuhat ng mag-asawa ang mga anak nila.

"Aren't they cute?" tanong ni Queen Carmina kay King Anderson habang hawak-hawak si Princess Andrea.

"Yes! Of course, tingnan mo nga naman kasi ang nanay nila! Saan pa ba sila magmamana?" masayang sabi ni King Anderson habang hawak niya naman si Prince Andrew.

"Bolero!" sabi ni Queen Carmina at napairap.

"Totoo na—"

Hindi na natapos ni King Anderson ang kanyang sasabihin nang lumapit sa kanila ang isang Sacreas, ang mismong Heneral ng Ardenia. Hingal na hingal ito pero hindi yun nakaagaw ng atensyon ng mga Magicians naroon. Nagbigay-pugay muna siya bago nagsalita.

"Your majesty! Sorry kung masisira ko ang party dahil may masama po akong balita..." sabi ni Victor, ang Heneral ng mga kawal.

"Ano yun!?" agad na tanong ni King Anderson at ibinaba ang hawak na anak sa crib nito bago ibinaling ang atensyon sa Heneral.

The Powerful TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon