Chapter 17
Ann's POV
Marami nang araw ang lumipas pero marami pang palaisipan ang hindi nasasagot lalong-lalo na kung sino ang traydor. Sino nga kaya yun? Nitong mga nakaraang araw din nalaman kong may mga pakpak pala ako na parang tulad nung sa mga ibon, ganun din si Andy at ang tanging pinagkaiba lang ay itim ang kanya at puti ang akin. Isa raw iyon sa kakayahang magagawa ng kapangyarihang taglay namin. Inilabas ko ang mga pakpak ko at lumipad papunta sa bubong ng palasyo—nandoon kasi si Andy, hindi ko alam pero paborito niya nang tambayan ang bubong ng palasyo at palaging wala sa huwisyo.
"Kyla" bulong nito. Kyla? Sino yun? Nakatalikod siya sa akin at malamang sa malamang ay wala na naman ito sa sarili kaya hindi niya ako napansin.
"Who's Kyla?" pangkuha ko ng atensyon niya na nagawa ko naman. Bigla siyang napatayo at lumingon sa akin.
Halata ang gulat sa mukha niya. "K-kanina ka pa ba riyan?" pagbabalewala niya sa tanong ko.
I mentally shrugged, hindi ko na siya tatanungin pa dahil hindi ako mapilit na Magician. Isa pa Hindi ko na siya pipilitin kung ayaw niyang sagutin ang tanong ko na iyon, sasabihin niya rin yun soon. Siguro gusto niya munang sarilihin ang problemang dala-dala niya ngayon. Hihintayin ko na lang na siya na mismo ang magsabi nun. Alam ko rin kasing maiinis siya kapag kinulit ko siya ng kinulit, baka nga magalit pa sa akin.
"Hindi naman. Kakarating ko lang!" nakangiti kong sabi. "Ano bang meron dito sa bubong at ang hilig mong tambayan?"
"Ah kasi...ayan!" tinuro niya sa akin ang papasikat na araw. "I love to see the sun shines!"
Paniguradong hindi yun ang totoong sagot. Sa ilang buwan na naming magkasama, kilala ko na siya. Alam ko kung kailan siya galit, masaya, malungkot, naiinis, may problema, kung nagsasabi siya ng katotohanan o maging kasinungalingan. Tulad ngayon, he lied. I guess he's here thinking on how to solve his problem by his own. Nginitian niya muna ako bago umupo ulit.
"Alam mo Andrew, ang problema ay parte ng buhay. Minsan kaya nating solusyunan ito ng mag-isa lang at walang kasama pero merong mga problemang kailangan natin ng tulong mula sa iba, kailangan natin ng sandalan." I smiled kahit nakatalikod siya sa akin at hindi niya nakikita. "Kung kailangan mo ng tulong para sa problema mong yan o kung napagtanto mo na hindi mo kayang solusyunan yan mag-isa, hope that I will always be here. Asahan mo ako para riyan, kambal."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago ako mag-teleport papunta sa Verinia upang bisitahin ang mga kakilala ko roon. Inuna ko munang bisitahin sina Shasha. Nakita kong magkasama sila ni Sam na nag-aaral makipaglaban. Tiningnan ko na lang muna sila at nakitang sobrang saya nila habang magkasama. I smell something fishy, inlove na kaya sila sa isa't isa?
Ngumiti na lang ako at umalis na. Hindi ko na sila guguluhin sa pag-aaral nilang iyon. Dinalaw ko na rin sina Ina, Ama, at Lola sa puntod nila maging ang ilang nasa Kampil namin na nakalibing din dito. Nag-alay ako ng mga bulaklak para sa kanila.
Nang makaalis nga pala ako kanina mula sa palasyo papunta rito sa Verinia ay naramdaman ko ang lakas na taglay ko noong Lesyndras pa lang ako, nung mga panahong hindi pa kami nagkikita ni Andy. Habang malayo kami ni Andy sa isa't isa, mahina rin ang kapangyarihang taglay namin. Ang kaya ko lang gawin ngayon ay manggamot at maging isang normal na mangangaso na may maliksi at mabilis na galawan. Kapag magkasama kami ni Andy, kakaibang lakas ang nararamdaman ko lalo na nung una kaming nagkita.
Bumalik ako sa Kampil at nakitang masaya ang lahat na para bang walang nangyaring delubyo. Kahit hindi pa panahon ay napilitang maging isang Renajah si Ash, tinutulungan naman siyang mamuno ng kanang kamay ni ama—si Kuya Alresh—kaya hindi problema iyon.
BINABASA MO ANG
The Powerful Twins
FantasySila ay kambal... Kambal na isinilang. Kambal na maharlika. Kambal na makapangyarihan. Kambal na nagkahiwalay at muling pinagtagpo ng tadhana. KAMBAL na nasa propesiya na tatapos sa kasamaan. "We are separated but fate led us the way to each other."...