Chapter 16

84 3 0
                                    

Chapter 16

Andy's POV

Inaya ko si Ann na bisitahin ang mga Magicians na nag-ampon sa amin—ang mga puntod nila. She suggested that we go first here in Shentria dahil alam niyang magtatagal siya sa Verinia once na nandoon na siya sa tabi ng puntod ng adoptive family niya. Ilang oras din ang tumagal na nakatitig lang kami sa mga puntod ng mga kinalakihan kong magulang nang bigla siyang magsalita.

"Death is really inevitable." sabi niya na sumira ng katahinikan. "Hindi natin alam kung kailan ito darating sa atin but I know when will be the death of that two demons who did this to them. At ako mismo ang magiging dahilan ng pagkamatay nila. Hinding-hindi ko sila mapapatawad."

"Shhh. Ann, this is not you!" I said. This is definitely not her, sigurado akong malakas lang ang impact ng nangyaring pagpatay sa kanya. "Please, tulad naman ng madalas mong sinasabi sa akin na huwag kong paiiralin ang galit, please, gawin mo rin ngayon!"

"Palaging bukas ang isip ko, Andrew. Its just that, hindi ko hahayaang hindi magkaroon ng katarungan ang pagpatay sa adoptive family ko. Don't worry, I'm still fine. Hindi ako gagawa ng hakbang na hindi niyo alam." she said seriously. Andrew? Tss, hindi niya ako tatawagin sa pangalang yun kung hindi siya seryoso. "Wala ka nga bang pinapaburan sa kabilang kampo? Sa mga Chaosian?"

"Bakit mo naman natanong?" I was shocked for her question but I need to be calm and act like it wasn't just nothing.

May mahal ako sa kabilang kampo, pero pinapaburan? Anong ibig niyang sabihin? Na ako ang traydor? Nah, kahit kailan hindi mangyayari yun. Definitely, not me, never. Mahal ko si Kyla pero wala pa siyang alam tungkol sa akin.

"Puso, Andy. 'Puso ang sentro ng kapangyarihang taglay ng mga pinagpala. Puso rin ang magtatakda ng nais nitong gawin at hinding-hindi ito mapipigilan kahit ng utak. Puso ang siyang mamamayani, kaya wala rin kayong magagawa kung sino ang gusto nitong protektahan.' Kung naaalala mo pa ang sinabi ni Lyra." what was that thing really mean?

"So, what's your main point?" I asked.

"My main point? Is there any connections between you and a Chaosian? Puso. Pag-ibig. Yun lang naman ang ibig-sabihin nun. Andy, hindi kaya—"

I cut her words. "Hindi ko alam kung saan papunta ang sinasabi mo. Pinagdududahan mo ba ako?" so, she knows what it means? So, she lied to us giving an answer to dad that she don't know what it means.

"Nagtatanong lang ako, Andrew. At bakit naman kita pagdududahan? Bakit may itinatago ka bang hindi namin magugustuhan? Well, wala namang sikretong hindi nabubunyag. Tulad nung traydor sa atin, na hanggang ngayon ay wala pa ring lead." saad niya, gusto ko nang sabihin sa kanya ang katotohanan pero sa paanong paraan?

"Ann—"

"Aalis na ako, maalala ko may bibisitahin pa pala akong puntod sa Verinia." siya naman ang pumutol sa akin bago nag-teleport.

Napabuntong-hininga na lang ako nang maramdamang wala na siya. Sinusubukan niyang ilabas ang galit niya nang hindi nakakagawa ng masamang hakbang o bagay na makakapahamak sa kanya, she's trying to pull that anger out by being calm. Isa pang dahilan kaya napabuntong-hininga ako ay dahil hindi ko man lang magawang sabihin kay Ann ang totoo, I was thinking of what would be her expression when she already knew that I am loving a Chaosian, specifically their princess. Gusto kong sabihin sa kanya dahil alam kong matutulungan niya ako sa pag-aayos ng problemang ito.

Speaking of that princess, kanina ko pa alam na nariyan siya at nakikinig sa usapan namin. She seems to be jealous, I can feel it. Paniguradong hindi niya nakita kung gaano kami magkahawig ni Ann kaya ganoon. Isa pa yun sa dahilan kung bakit ako nakahinga nang maluwag, I don't know where to start explaining to Ann everything. Pero alam kong darating din ang panahon na malalaman niya rin, though she's smart.

The Powerful TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon