Chapter 20

99 3 0
                                    

Chapter 20

3rd person's POV

Sa pag-uusap ng apat ay napagdesisyunan nilang sundin ang mga puso nila. Mabilis silang nagplano. Ang pag-ibig ang natitirang sandata na maari nilang gamitin para matapos na ang digmaan. Ang pag-ibig na sinasabing pinakamalakas sa lahat, na hahamakin ang lahat.

Nagtanguan na sila symbolizing that they need to start it already. Unang nag-teleport pabalik ng war zone sina Kyla at Andy habang magkahawak ng kamay. Bumitaw sila at tila ba umaktong magkaaway, they seem to be killing each other because of those swords they are using. Sumunod sa kanila si Kyle at Ann pero nagtago na muna at nagmanman sa paligid.

"KYLA! KILL HIM RIGHT AWAY, HINDI SIYA MAKAKALABAN. USE YOUR POWER, YOU STUPID!!!" sigaw ni Queen Clara na kanina pa nakikipaglaban kay Queen Sabrina na napakarami nang sugat at manghihina na pero kinaya pa ring lumaban.

"YOU ARE REALLY STUPID!!! PINATAKAS MO PA!!! SUNDAN MO!!!" sigaw ni Queen Clara sa pangalawang pagkakataon dahil nag-teleport si Andy at nagmistulang tumakas. Agad na sinundan siya ni Kyla na nagtago muna sa isang sulok.

Tulad ng plano ay hinintay nila ang sigaw ng reyna bago maglaho si Andy sa lugar kung nasaan ang mga magulang niya. Doon nakita niya ang mga magulang na magkasama. Magkasamang nilalabanan si King Gregor at Victor, hawak ni Victor ang reyna niya at itinututok sa leeg nito ang espada.

Samantalang si King Anderson naman ay tila ibaba na ang sandata dahil sa banta ng kalaban, magkaharap sila ngayon ni King Gregor na may balak pang pahirapan ang hari bago ito tuluyan. Mabilis na tumakbo si Andy papalapit kay Victor at sinaksak ito mula sa likuran, Victor loose his grip on his sword, fell down and died. Mabilis na niyakap ng ina si Andy.

"Andy, where is your sister?" nanghihinang tanong ng reyna.

"There is no time to answer that questi—dad!" nasugatan kasi ang daddy niya nang tangkaing sugatan si King Gregor na napatingin sa nangyari kay Victor. Mabilis na lumapit si Andy sa ama at inakay ito patayo.

"Mukhang kulang kayo ah, nasaan ang isa sayang dapat makita niya kung paano mamatay ang kapatid niya..." isasaksak na sana ni King Gregor ang espada nang tumalsik ito mula sa kamay niya dahil sa paggamit ni Kyla ng Air element na kapangyarihan niya. "KYLA?"

"Ako nga po, dad! Hindi ka nagkakamali!" sabi ni Kyla. Gusto sanang itanong nina King Anderson at Queen Carmina ang mga nangyayari pero manghihina na sila. "May nakapagsabi po kasi sa akin na mas malakas ang pagmamahal kaysa sa kahit anong bagay!"

King Gregor laughed devilishly. "At naniniwala ka riyan! ISA KANG LAPASTANGAN AT KAHIHIYAN SA MGA CHAOSIAN—SA MGA CALLISTER!!!" inilabas ni King Gregor ang gem mula sa kamay at gagamitin sana ito laban kay Kyla para hindi na nito magamit ang kapangyarihan pero lumipad ito papalayo sa kamay niya, at papalapit sa isang nilalang na ginamit din ang kapangyarihang Air element.

Sa kanyang likuran, magkasama sina Ann at Kyle. Muling ginamit ni Kyle ang kapangyarihan at pinalipad ang ama mula sa lugar na iyon. Nasa kamay na mismo ni Kyle ang gem at saka hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Ann. Unti-unting namula ang puting crystal na gem hanggang sa magkakaroon na ng crack. Lumapit sina Andy at Kyla na magkahawak ang kamay bago parehong hinawakan ang gem. Ilang sandali pa ang inantay nila bago ito sumabog nang tuluyan. One big and strong light came out from the gem. All of the powers came back. Natuwa ang apat at nagyakapan.

Pero hindi nila napansin na may dalawa palang dahan-dahang papalapit sa kanila at itutusok na ang espada sa mga likuran nila specifically sa dibdib. Ang isa sa direksyon ni Ann—it was Queen Clara, samantalang ang isa naman ay sa direksyon ni Andy—and it was King Gregor. Nahilo lang siya mula sa pagkakabagsak nang paliparin siya ng anak papunta sa hindi masyadong kalayuan. Dahil sa pagmamahal sa mga anak ay hindi na ininda ng mag-asawang Arrivelle ang sakit. Mabilis na nakalapit si King Anderson kay King Gregor at napatay ito. Ganun din ang nangyari kay Queen Clara na napatay naman ni Queen Carmina.

The Powerful TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon