Chapter 19

92 3 0
                                    

Chapter 19

3rd person's POV

Araw na ng digmaan. Araw na ng paghaharap. Araw na ng pagdanak ng dugo, ng pagsasakripisyo. Lahat ay nagsisimula nang maghanda lalong-lalo na ang Ardenia. Hindi magkamayaw sa pagkilos ang lahat, alerto at alisto sa bawat lugar. Si Andy ay kanina pa kinakabahan sa mga mangyayari samantalang si Ann ay prenteng nag-iisip ng mga susunod na hakbang kung sakaling alam na ng kalaban ang lahat ng planong naisip niya dahil sa traydor.

'Sino nga kaya ang traydor?' tanong na nasa isipan ni Ann na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan.

Sa kabilang banda, nagkakatuwaan ang lahat ng mga Chaosian habang naghahanda sa digmaan dahil nararamdaman nilang mananalo na sila sa pagkakataong ito. In the jail, someone visited Ash na napakarami nang pasa at sugat sa katawan. Nanghihina na ang katawan nito at para bang hindi na nito kayang tumayo pa.

Hindi pinaalis ng bumisita ang mga kawal na nagbabantay dito kundi pinatay niya dahil alam niyang makakapagsumbong ang mga ito sa gagawin niya. Hindi niya hahayaang isipin ng mga magulang niya na kaaway siya at malaman ang gagawin niya. Ayaw man niyang suwayin ang mga magulang pero gagawin niya para lang mailigtas ang kapatid ng minamahal. Ang alam niyang dahilan kung bakit ikinulong ang bata ay dahil sa pang-eespiya nito at wala nang iba.

"Ash!" bulong nito kaya nakuha ang atensyon ng bata.

"Kuya Kyle!" halos mapasigaw ang bata kaya naman ipinatong ni Kyle ang daliri sa labi na nangangahulugang manahimik. "Anong ginagawa mo rito?"

"Nandito ako para tulungan kang makalabas!" inilabas ni Kyle ang susi at binuksan ang kulungan. Pumasok siya rito.

"Paano ka nakapunta rito? Paano mo rin nalamang nandito ako? At isa pa mahirap makapasok dito ah!" sunod-sunod na tanong ni Ash.

"Wala na akong panahon para magpaliwanag sayo! Ang mahalaga ay maging ligtas ka na, at isa pa, maguguluhan ka lang. Kailangan mo ring magpahinga!" he teleported and went to their tribe. "Kunin niyo na siya at gamutin! Delikado ang buhay niya dahil sa pagpunta sa Chaosia, ngayon huwag niyo siyang hahayaang makaalis dito sa Kampil niyo!"

Nagtataka man ang mga nasa Kampil kung paano nagawa ni Kyle na mag-teleport ay ipinagsawalang-bahala na lang nila ito at sinunod ang sinabi ng prinsipe dahil nakasalalay na rito ang buhay ng kanilang munting Renajah. Agad na bumalik si Kyle papunta sa palasyo nila. Naglakad-lakad siya na para bang walang nangyari pero sinalubong siya ng kapatid na nakangisi.

"Nakita ko ang ginawa mo!" sabi ni Kyla.

"Eh ano ngayon? May magagawa ka ba?" pagsusungit ni Kyle.

"Pe-pero bakit mo ginawa iyon? Kailan ka pa nagkaroon ng konsensya?" nagtatakang tanong ni Kyla.

"Wala ka na roon, isa pa, magsumbong ka lang kila dad. Hindi ko alam kung maniniwala sila sayo pero kung maniwala man sila ay hindi ako natatakot!" aakyat na sana papuntang kwarto si Kyle nang marinig ang pagsigaw ng isang kawal.

"MAHAL NA HARI! Natakasan po tayo nung Ash Vastreña!" sabi ni General Malden.

"WHAT!? NATAKASAN KAYO NG ISANG BATA!? BATANG MAARI NATING GAMITIN LABAN SA MGA KAAWAY! ANG TANGA NIYO! ANG TANGA-TANGA NIYO!" sigaw ng hari.

The Powerful TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon