Chapter 18

85 3 0
                                    

Chapter 18

3rd person's POV

Marami nang natatanggap na warning letter ang tatlong kaharian lalong-lalo na ang Ardenia. Everyone is alert on their surroundings, they assume that every minute might be the time of the war. Alam nila kung gaano katuso ang mga kaaway kaya hindi sila magpapaloko. Lahat ay seryosong naghahanda maging ang kambal na magkasama sa training room ngayon.

"Ilang araw na ang lumipas pero palaisipan pa rin talaga ang traydor. Sino kaya yun?" tanong ni Ann bago iwinasiwas ang hawak na espada sa direksyon ng kambal na naiilagan naman nito.

"Who knows? Yung traydor na yun magaling magtago ng identity. Pero walang sikretong hindi mabubunyag, alam nating yan." napansin ni Ann ang pagkabasag ng boses ng kambal kaya ibinaba niya ang hawak na espada at umupo sa isang sulok. "Suko ka na?"

"Nope. Gusto ko lang mag-isip-isip!" sambit ni Ann.

Her brother came near to her. "Mag-isip-isip ng kung sino ang posibleng traydor?" tanong ni Andy na ikinailing ng kapatid.

Tumingin si Ann sa kakambal at ngumiti. "Mag-isip-isip ng maari mong problema na hanggang ngayon ay ayaw mo pa ring sabihin kahit alam kong hirap na hirap ka na." aniya.

Bumuntong-hininga si Andy at binitiwan ang sandata. "Its just nonsense. Don't mind it, alam kong makakatulong ka pero makakagulo lang ito sa lahat ng mga nangyayari." matapos niyang sabihin iyon ay lumabas siya ng silid.

Ann notice that her brother don't want to talk about that topic. She was left dumbfounded. Iniisip niya kung ano nga ba talagang gumugulo sa isip ng kapatid at hanggang ngayon ay itinatago niya ito. She let out a sigh at tumingin kung saan lumabas ang kapatid. Hindi niya alam na sadyang malaking gulo talaga ang mangyayari kung sakaling malaman niya ang bagay na itinatago ng kapatid. Sa ngayon, ipinagsawalang-bahala niya ito at nagsanay ng kanyang kapangyarihan mag-isa, ang kapangyarihang hindi natin alam kung magagamit niya pa sa araw ng digmaan lalo pa at nasa kamay ng mga kalaban ang gem ni Alcuetras. Si Alcuetras na may lalang ng buong Magicia, ang kanilang bathaluman.

At isa pa ay kung magamit niya ito laban sa lalakeng nakapagpatibok ng puso niya at nakapagpasaya sa kanya na sa tingin niya ngayon ay minamahal niya na—si Kyle Callister. Pareho silang blanko sa tunay na katauhan ng isa't isa, kayanin kaya nilang kalabanin ang isa't isa sakaling malaman na nila?

Ilang katok ang narinig ni Ann bago pumasok ang isang katulong sa training room kung saan naroon siya. "Mahal na prinsesa, pinapatawag po kayo sa Conference Hall!" sabi niya.

"Sige, susunod na po ako!" sabi ni Ann bago nagpalit ng damit at dumiretso sa sinabing lugar ng katulong.

Mabilis siyang nakarating sa Conference Hall at nakitang kumpleto na ang lahat. Tumabi siya sa kapatid na malalim pa rin ang iniisip. Ang kanyang kapatid na nag-iisip ng sagot sa tanong na 'Ano na ang plano kung sakaling magkita na kami sa digmaan?' Ang tulirong si Andy ay hindi napapansin ng mga Magicians na naroon sa loob ng silid except for Ann.

"Now, that we are complete..." panimula ni King Anderson. "Paplanuhin na natin kung ano ang dapat nating gawin sa digmaan."

"18 years ago, nagkaroon din ng digmaan. Isang biglaang digmaan. That happened when our twins were born." Queen Carmina said. "Sa panahong yun nanalo tayo pero sa ngayon paniguradong naghanda ng todo ang mga kalaban tungkol dito kaya dapat din tayong maghanda."

"Your highnesses! They have an ace na hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw. Isang malakas na kapangyarihan ang taglay ng alas nila. Kapangyarihang hindi ko malaman kung anong makakatalo—hindi rin ito matatalo ng kapangyarihan ng kambal!" sabi ni Synctus na nakabigla sa lahat.

The Powerful TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon