Chapter 3
Andy's POV
"Magic, Alchemy, History, Languages...tss."
Wala na bang bago? Nakakaasar! Lahat na ba ng libro rito sa library nabasa ko na? Aish! Makalabas na nga lang.
"Young Master! Nandito lang po pala kayo!" bungad sa akin ng Mayor Doma ng bahay—si Aling Chenna—pagkabukas ko ng pintuan.
Naglakad na lang ako palayo pero alam kong sumusunod siya. "Bakit mo ba ako hinahanap?" I then asked.
"Pinapahanap po kasi kayo ng mom at dad mo. Nandoon sila sa Conference Room kasama ang hari at reyna." sabi niya.
"Okay, now leave me." utos ko na sinunod niya naman.
Pumunta na lang ako sa Conference Room ng mansyon namin. Ano na naman kayang dahilan at pinatawag nila ako? Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang nag-uusap na mga magulang ko kasama ang royal family. My parents are part of the council of Shentria, so I am proud to say that I am a Rycorren. Ang pinakamataas na antas sa lahat ng mga antas sa lipunan.
"Ohh, there he is." mom said. "Andrew, come in."
I just followed mom's command and seated beside them. Nakita ko na naman ang pagmumukha ng g*go kong best friend, tss.
"Bakit niyo po ba ako pinapunta rito?" I asked calmly but the truth is I am almost losing my temper. Bwisit lang kasi, alam naman nilang ayaw na ayaw kong sumasama sa mga meeting na ganito eh.
"Today, you need to accompany Prince Samuel para sa paglilibot niya sa buong Shentria. He needs to do it for him to be able to know what are the problems of every Shentrian in the whole kingdom. Since, siya naman ang heir, tama? It is his obligation to know." dad stated.
"But do I really need to do that? Kayang-kaya niya naman na po yun eh! He is old enough." I said.
Tito Byron chuckled. "Alam mo naman siguro ang problema sa anak ko, hindi ba? You're his best friend, alam mo na hindi siya masyadong magaling sa combat o kahit anong uri ng pakikipaglaban."
"We just wanted you to go with him, para habang naglilibot-libot siya sa buong kaharian ay natututo rin siya sa pakikipaglaban." Tita Sabrina said. "Ikaw ang magtuturo sa kanya nun. Well, we all know na mahilig ka ring magbasa ng libro so marami ka nang alam sa mga bagay-bagay, you can lead my son because of that. Then, pagkabalik mo, assume that marami nang bagong libro ang nandito sa inyo."
Tama ba ang narinig ko? Mga libro? Tss. Sige na papayag na nga lang ako. Reading is just my past time kahit na nalilito ako dun sa iba. At dahil nakakatamad rin naman talagang panoorin ang mga mamayan ng Shentrian habang nagtatrabaho, and first of all mas gusto kong nag-iisa, nasa madilim at tahimik na paligid. I don't know why, but I love darkness and I can see anything even if there is no light, maybe it's one of my abilities.
"Ah sige po, sasamahan ko na po siya." ngumiti na lang ako.
"Psh. Here goes the nerd." rinig kong bulong ni Sam kaya naman tiningnan ko siya nang masama.
"If that's it, well, maghanda na kayo at mamaya'y aalis na rin kayo!" Tito Byron said at lumabas na. Sumunod na ang asawa niya at ang parents ko, samantalang naiwan kami dito sa loob ng Conference Room ni Sam.
"Pre, dahil lang sa libro pumayag ka na? Alam mo, dapat tigil-tigilan mo nang magkulong sa isang kwarto. Dapat pre, sumasama ka na lang sa akin, dahil sa edad natin ngayon dapat puma-party-party tayo. Dapat hindi mga libro kasama natin kundi mga—"
"Babae?" pagputol ko sa sinasabi niya. "G*go ka talaga eh 'no!? Wala naman talaga akong hilig sa mga babae, ikaw lang yun pre, Chick boy ka kasi."
"Tss. Pre, oo na Chick boy na ako pero at least binibigyan ko ng halaga ang mga babae—"
BINABASA MO ANG
The Powerful Twins
FantasySila ay kambal... Kambal na isinilang. Kambal na maharlika. Kambal na makapangyarihan. Kambal na nagkahiwalay at muling pinagtagpo ng tadhana. KAMBAL na nasa propesiya na tatapos sa kasamaan. "We are separated but fate led us the way to each other."...