Chapter 10
Andy's POV
I'm still puzzled and thirsty to know what is happening to me? Nakakalito na kasi. Sino ba siya? Yung nilalang na tinutukoy nila? Anong meron at narinig ko ang boses ng isang babae? Bakit sinasabi ng isang dragong nagngangalang Darcun na kapangyarihan ko siya? Ano ba talagang nangyayari.
Nakakalito, nakaka-frustrate. Napasabunot na lang ako sa ulo at tumayo sa kinahihigaan ko. Bigla na lang akong napatingin sa whole-body mirror sa loob ng kwarto ko. Medyo lumapit pa ako rito at unti-unting nagpakita roon si Darcun na nakagulat sa akin.
"Andrew!" sabi niya kaya naman tinitigan ko lang siya. Namamalik-mata ba ako? "Malapit na talaga. Ramdam ko ang paglakas ko, at paglakas ng iyong katawan. Malapit na akong magpakitang gilas. Muntikan na rin kayong magkita, sayang nga lang at nagkasalisi pa kayo. Ang babaeng may-ari ng boses na iyong narinig ay ang nilalang na tinutukoy ko!"
Napakunot ang noo ko at balak ko na sanang magtanong nang paunti-unti siyang naglalaho habang tumatawa na parang demonyo.
"DARCUN! SANDALI! DARCUN!" nilapitan ko pa ang salamin at pinalo-palo ito.
Dahil sa inis ay nasapak ko ito at nagkandawasak-wasak pero nang magkasugat ako ay agad itong pinalibutan ng itim na usok mula rin sa kamay ko at nang mawala ito ay wala na rin ang sugat, anong nangyari? Paano ring nangyari?
At pagkakatiwalaan ko ba siya? Ibig ba niyang sabihin na talagang malapit lang siya rito? Ang babaeng may-ari ng boses na narinig ko ay siya ring tinutukoy nila? Sana naman ay makita ko na talaga siya. I want to see her to stop this puzzled mind on asking everything. I need her. Kailangan ko lang alalahanin ang boses niya at hanapin ang babaeng yun sa pamamagitan nito.
I need to find the missing pieces of this puzzle. Kailangan ko nang itigil ito. I want answers and I need it to clear my mind. Nagulat ako nang bigla na lang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang aming Mayor Doma na si Aling Chenna na may hawak na mop na parang ginagawa niyang sibat dahil sa pagkakahawak niya.
"May kaaway ka ba rito, Young Master?" she asked and I shook my head. I'm not in the mood to talk. "Naku po! Anong nangyari rito? Bakit nabasag ang salamin?"
"Sinapak ko kanina!" walang gana kong sagot.
"Juskong bata ka! Mabuti at hindi ka nasaktan. Hayy, lilinisin ko na lang ito. Sa susunod, huwag masyadong magagalitin, maraming masisira kung sakali!" she said.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpunta sa bathroom para maligo. Then, I went to the walk-in-closet para maghanap ng maisusuot. Matapos ang paggagayak ay lumabas na rin ako ng kwarto. Tinanonng pa ako ni Aling Chenna kung saan ako pupunta pero hindi ko na lang siya pinansin pa at nagtuloy-tuloy lang. I need fresh air kaya pupunta na muna ako sa katabing gubat nitong mansion.
Naalala ko tuloy ang huli naming pagkikita ng babaeng yun. Remembering that makes me forget everything that is bothering me, I don't know why. Dito sa gubat na ito, tinuruan ko siya kung paano gumamit ng dagger. Napapangiti na lang ako habang inaalala yun. Masaya siyang kasama, actually, kakaiba siya. Pikunin, masungit pero maganda siya at ramdam kong may kabutihan sa loob niya kahit na isa siyang Chaosian—ang kanilang prinsesa.
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko towards her. She even makes me feel that my day is complete, especially my life. And I wanted to know her better than last time. Dahil sa kanya, parang pakiramdam ko nailalayo ko ang sarili ko sa mga problema at mga gumugulo sa aking isipan.
Napapikit ako nang maramdaman ang malakas na simoy ng hangin but something's wrong. While my eyes were closed, napakalakas ng pandinig ko. Rinig ko ang kantahan ng mga ibon sa paligid, ang mga usa, ang mga ahas, at ang iba pang mga hayop even insects. As my eyes were closed, I moved my head from any direction and there I can see everything even if these eyes were closed. But the more surprising is that, puro pulang bagay ang nakikita ko. The trees, the birds, the insects, the running deer and many others I can see them.
BINABASA MO ANG
The Powerful Twins
FantasySila ay kambal... Kambal na isinilang. Kambal na maharlika. Kambal na makapangyarihan. Kambal na nagkahiwalay at muling pinagtagpo ng tadhana. KAMBAL na nasa propesiya na tatapos sa kasamaan. "We are separated but fate led us the way to each other."...