Chapter 11

89 3 0
                                    

Chapter 11

Ann's POV

Nang imulat ko ang mga mata ko ay na-realize ko na nandito ako sa isang lugar na puro puti. Walang ibang bagay tanging kulay puti lang.

"Tulong? May ibang nilalang ba riyan? Hello? Kung meron man, alam mo ba kung nasaan ako?"

"Nasa loob ka ng sarili mong katawan, Andrea. Ang tirahan ko." sabi ng isang babae mula sa likuran ko.

I looked at my back and I see nothing. "S-sino yan?" ang creepy, hindi naman ako matapang eh, may nagsalita sa likuran ko tapos wala naman akong nakita. Pero hindi ako nakaramdam ng takot, kinabahan lang ng kauntiNasaan ba yun?

Napakurap ako ng ilang beses nang may malakas na pulang liwanag ang nahagilap ng mata ko. Sa ibaba. Nabigla ako nang makita ang pagkalaking bilog na pulang liwanag sa inaapakan ko. Nasaan ba ako? Ang buong paligid ay nababalutan ng puting kulay, pero ang inaapakan ko ngayon ay pula.

"Andrea..." tawag ulit sa akin nung babae at nang iangat ko ang tingin ko ay nabigla ako. Isang puting dragon ang nakita ko, isang dragong parang ahas at lumilipad. Puti ang kulay nito at may mga pula siyang mata.

"Sino ka?" agad na tanong ko. Bakit parang pakiramdam ko ay komportable akong kasama siya?

"Ako si Lyra. Ang Light dragon at ang nagkatawang dragong kapangyarihan mo, Andrea. Matagal na akong nariyan sa katawan mo pero dahil mahina ka pa ay hindi ko kayang lumabas o magpakita man lang sayo." mahinahon niyang sabi. "Ngunit nung muntik na kayong magkita ay naramdaman ko ang kaunting paglakas ng katawan mo kaya ngayon nakita mo na ako. Kapag nagkita na kayong muli, makakalabas na ako, ang tunay mong kapangyarihan. Ang kakayahan mong manggamot ay isang kakayahan ko, bilang kapangyarihan mo. Yun lang kasi ang nakayanang palabasin ng katawan mo, sa ngayon. Pero ang lakas ng pakiramdam kong magkikita kayong muli"

The Powerful TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon