Chapter 8

97 4 0
                                    

Chapter 8

Andy's POV

Walking in the middle of nowhere makes me confuse. Nasaan ba ako ngayon? This place is full of darkness, the place where I feel comfortable. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa napansin ko ang isang pulang liwanag sa isang sulok. Lumapit ako at na-realize na napakalaking bilog ng pulang liwanag ang nabuo sa mismong inaapakan ko.

"Andrew..." someone called me from my back. It's a voice of a guy!

"Andrew..." he called me again from the side.

"Andrew..." and again from the other.

"Who are you?" I asked without hesitation or any nervousness in me. Hindi ko alam pero komportable ako sa kanya, kung sino man siya.

Naramdaman ko ang mabilis niyang pagdaan sa paligid kaya naman napapatingin ako sa lugar na yun. "Sino ka ba!?" I asked again pero tumawa lang siya.

"Ang kapangyarihang taglay mo ay buhay at nagkakatawang dragon, ako yun!" bulong nito mula sa likuran ko pero nang lumingon ako roon ay wala na siya.

Ibinalik ko ang tingin ko sa harapan at nabigla nang makita siya roon! Isa siyang dragong mukhang ahas na lumulutang. May mga pula siyang mga mata, puro itim ang buong katawan nito at nararamdaman ko ang itim na aurang bumabalot sa kanya. Sino ba siya? At kapangyarihan? Anong kapangyarihan? Sa pagkakaalam ko, ang kapangyarihan ko ay itim na usok lang na nakakamatay kung madapuan ka nito. Ano bang pinagsasasabi niya?

"SINO KA BA TALAGA!?" gulong-gulo na ang utak ko.

"Darcun. Yun ang ngalan ko, Andrew!" he said. "Matagal na akong nakatira sa katawan m, hindi mo lang alam. Hindi lang ako makalabas dahil mahina pa ang katawan mo, at habang mahina pa ang katawan mo ay mahina rin ako bilang kapangyarihan mo. Ang kapangyarihang nagagamit mo ngayon ay ang kaunting mahikang parte ng kapangyarihan taglay mo na siyang kaya lamang ng katawan mo ngayong kontrolin at palabasin. Pero ramdam ko na malapit na, malapit na ang panahon na magkikita kayong muli. Nalalapit na ang panahong makakalabas na rin ako. Hindi na ako makapag-antay na magkita na ulit kami ng kakambal ko!"

The Powerful TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon