Chapter 15
Kyla's POV
Ilang araw na ring makalipas matapos ang panahong inamin ko sa sarili ko at kay Andy na gusto ko siya, mahal ko siya. Ang saya lang isipin na mahal ka rin ng mahal mo. Nagsimula lang yun nung una naming pagkikita. Siya pa lang ang nakilala kong hindi nadala sa kasungitan ko, he never leave me, di tulad ng pagtataboy ng pamilya ko sa akin.
He let me feel what love really is, he wakes me on what might happen to me kung palagi na lang akong nagpapakahina, tinuro niya sa akin kung paano lumaban at magtiwala sa sarili ko. That's why I love him. He's my everything now. Kahit anong mangyari siya lang ang nilalang na mamahalin ko.
Sa ilang araw na lumipas hindi siya mawala sa isipan ko. I miss him. Ang nakakainis nga lang ngayon ay para na akong bilanggo na hindi makalabas sa bilanggaun. Gosh! Since I came back here, as usual, sermon ang unang bumungad but the next thing they did is that they locked me here inside the palace.
Hindi ko naman magamit ang teleportation ko dahil may ginawa silang enkantasyon. How I hate this life! Buti na lang at mawawala na ang epekto nun mamaya.
Napabuntong-hininga na lang ako. Kanina pa ako nakadungaw dito sa may bintana ng kwarto ko at mula rito, I can see my brother under a tree. He changed a lot since I came back. Nandoon siya sa ilalim ng puno at napakalalim ng iniisip habang nakatingin doon sa puting tela. Ano bang meron dun?
Noong dumating ako ay nasa sugat niya yun, sugat na ako mismo ang gumawa, and now na magaling na yun, hindi niya pa rin tinatapon. Isa pa hindi na niya ako pinapakielaman pa, it just confuse me why he acts like that. Kapag nasusugatan ko naman siya ay lalo siyang lalaban or mangungulit but he really change.
Nag-iwas ako ng tingin nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko. Tss. Wala akong ganang makipag-usap. Kahit na marami akong tanong para sa kanya. Lumabas ako mula sa kwarto at naglibot-libot sa buong palasyo. They won't let me go out, maraming nakabantay sa bawat sulok.
"Nahanap na ba talaga ang kambal ng Ardenia?" narinig kong tanong ni Kyle sa isang kawal mula sa likuran ko. Nilingon ko sila at nakitang nag-uusap, ang general ang kausap niya.
"Oo, mahal na prinsipe. Sabi nga nung nagtatraydor sa kanila na nitong mga nakaraang araw ay nahanap na sila. Yung lalake ay nanggaling sa Shentria at yung babae naman sa Verinia. Sabi pa nga ay nagkakaroon sila ng training bilang paghahanda! Mag-uusap lahat ng mga pinuno mamaya, sasama ka ba mahal na prinsipe?" sagot ng General.
"Nah! I'm not interested, I'd rather hold my weapon and train myself. You may now go!" pagkatapos sabihin yun ni Kyle ay umalis na si General Malden.
Lumapit ako kay Kyle na nilalaro ang dagger niya. We both have the same daggers, both can turn into swords. Napansin kong hawak ng isa niyang kamay yung puting tela kaya napailing na lang ako.
"Tama ba yung narinig ko? The Ardenian Twins were found?" I asked getting his attention.
"Yeah! And who knows kung anong kaya nilang gawin ngayong magkasama na ulit sila. Hindi rin natin alam ang mga hakbang na gagawin nila laban sa atin." sabi niya. "I'll go!"
Umalis na siya at nagtungo sa Training room. I shrugged and tried to walk but I saw someone, he's from the enemy. Anong ginagawa niya rito at paanong nakapasok siya kaagad? Siya ba yung traydor na sinasabi ni General Malden kanina? I guess? I sighed and followed him. Nagpunta siya sa Conference room kung saan wala akong nakitang mga kawal. So, I'm free to listen on their conversations.
"So, anong balita?" mula sa siwang ng pintuan nakikita ko sila. It was dad who asked. Mula sa suot nung traydor na yun, I guess mataas ang katungkulan niya, or mataas talaga. Sino kaya siya?
BINABASA MO ANG
The Powerful Twins
FantasíaSila ay kambal... Kambal na isinilang. Kambal na maharlika. Kambal na makapangyarihan. Kambal na nagkahiwalay at muling pinagtagpo ng tadhana. KAMBAL na nasa propesiya na tatapos sa kasamaan. "We are separated but fate led us the way to each other."...