Chapter 14
3rd person's POV
Many days had passed by. Everyone is happy for the comeback of the twins, especially Ardenia. Payapa ang lahat, wala nang problema, masaya, malaya, at higit sa lahat sama-sama. Hindi na masyadong nakakaalis ng palasyo ang kambal dahil na rin sa mga training na nagaganap. Hindi nila maaring ipagsawalang-bahala ang lahat ng banta ng mga Chaosian.
Speaking of banta, habang nasa palasyo at nagte-training ang magkapatid ay may masama na palang pinaplano ang mga kalaban. Wala silang kaalam-alam na pagkatapos ng araw na ito ay marami nang pagababgo ang magaganap.
"Mahal na hari, pinapatawag niyo raw po kami?" tanong ng isang magaling na assassin ng Chaosia. Kasama nito ang kapatid.
"Nabalitaan kong nahanap na raw ang mga kambal ng Ardenia. Kayong magkapatid, gusto kong hanapin niyo ang mga nag-ampon sa kanila...saka niyo patayin. Mag-iwan rin kayo ng marka ng ating kaharian to signalize that the war is near." utos ni King Gregor at tumawa nang malademonyo. Agad na sinunod ng dalawa lang utos.
They went first to Shentria where they found out that the highest ministers of the council is the adoptive parents of Andrew Arrivelle. Habang nasa mansion at busy sa mga papeles ang mag-asawa ay palihim silang pumasok. Hindi sila napansin ng mag-asawa kaya napangisi sila.
"Ikaw na ang bahala riyan!" bulong ng nakatatanda. "Ako na lang mamaya sa mga nag-ampon doon sa prinsesa."
Tumango ang bunso sa kanyang kuya at dahan-dahang inilabas ang dalawang dagger. Sinugat niya ang isang palad at linagyan ang dalawang dagger dahil ang dugo niya ay kaakibat ng nakamamatay na lason. Hindi na siya nagdalawang isip pa at ibinato niya ang mga dagger at tumama ito mismo sa parehong leeg ng mag-asawa. Sa bilis ng pagkalat ng lason ay mabilis na nalagutan ng hininga ang mag-asawa.
"Magaling!" papuri ng kanyang kapatid. Lumapit ito sa mga bangkay at nag-iwan ng marka ng Chaosia tulad ng utos ng kanilang hari. "Tara na!"
Matapos iyon ay agad silang nagtungo sa Verinia. Nagkunwaring mga dayong Ardenian ang magkapatid at nagtanong-tanong kung saan makikita ang mga nag-ampon kay Princess Andrea Arrivelle. Hindi na nag-hesitate ang napagtanungan nila na ituro ito. Doon nila nalamang mga Lesyndras ang nag-ampon sa prinsesa. Agad-agad silang nagpunta sa itinurong direksyon at nakita na nila ang isang Kampil ng mga mangangaso. Nagtago sila sa mga puno para hindi sila mapansin. Pinagmasdan nila ang bawat kilos ng mga mangangaso roon.
"Renajah, Dejah, nakakamangha talaga ang inampon niyong bata. Nang dumating siya rito sa Kampil natin ay puro swerte na ang dumating sa atin."
"Tama ho, maswerte nga po talaga siya!"
Marami pang papuri ang sinasabi nila para sa prinsesa at napapangiti na lang ang adoptive family ni Ann. Hindi nila alam na iyon na pala ang huling ngiting magagawa nila sa Magicia. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang assassin na inutusan ni King Gregor.
Gamit ang kapangyarihan nitong kontrolin ang mga hayop ay mabilis niyang napapunta roon ang lahat ng mababangis na hayop sa Kampil. Nang mapansin ito ng mga hunters ay naging alerto silang lahat. Napangisi ang magkapatid nang mabilisang umatake ang mga hayop sa kanila. Aggressive ang mga ito at tila ba handang pumatay ano mang oras. Lumaban ang mga hunters ngunit isang malaking delubyo ang nangyari.
Walang awang sinugod ng mga kontroladong hayop ang pamilyang nakasama ni Ann sa mahabang panahon at idinamay pa ang mga hunters na kasama sa Kampil, maraming namatay at kasama na roon ang buong pamilyang nag-ampon kay Ann maliban sa isa—si Ash na tinulungan ng mga kaibigan niyang Salcuena (ligaw na kaluluwa), may kakayahan kasi siyang makipag-usap sa mga patay kahit nasa kabilang mundo na. May mga nasugatan ngunit mas marami ang nawalan ng buhay.
BINABASA MO ANG
The Powerful Twins
FantasySila ay kambal... Kambal na isinilang. Kambal na maharlika. Kambal na makapangyarihan. Kambal na nagkahiwalay at muling pinagtagpo ng tadhana. KAMBAL na nasa propesiya na tatapos sa kasamaan. "We are separated but fate led us the way to each other."...