Chapter 7

105 4 0
                                    

Chapter 7

Andy's POV

Ilang araw na rin simula nung matapos ang paglilibot namin ni Sam. Hindi nakakapagod ang paglilibot pero ang nakakapagod ay ang paglilibot kasama siya. Bullsh*t! Sobrang sakit sa ulo niya turuan kaya hanggang ngayon, wala pa ring improvement, tss.

Pero ang masaya ay umuwi ako nang maraming na ang libro sa mansyon, tss. Mula rito sa library ay naramdaman ko ang lamig ng hangin mula sa labas dahil sa bukas na bintana. Sa pagkakaalam ko, sarado ito kanina ah!

I guess it's because of the strong wind earlier. Before I close the window, I saw something or to be specific, someone whom training herself on how to use her magic and those daggers in the nearby forest. Ang aga-aga nagte-training na? Hindi na kaya uso ngayon ang kasabihang 'Daig ng maagap, ang masipag!' If she only knew!

Medyo malapit kasi ang mansyon namin sa kagubatan pero hindi ko masyadong makita kung sino man yun kasi malayo, basta ang alam ko babae yun, at ramdam ko rin. I don't even know why does my sense of feel is so strong even my sense of sight.

I don't even understand myself now. Sinarado ko ang bintana kanina pero kasunod nun ang pagsarado ng libro ko at ngayon naglalakad na ako sa direksyon ng babaeng nakita ko kanina. From here, I can hear her screams that is full of anger. Her voice seems familiar, bingo! It's Kyla Callister.

Tama ako, tss. Sumandal muna ako sa puno roon habang pinapanood siyang mainis at maasar, nakakatawa siya. Her power is one of the greatest power that any Magician can have—The Air Element—sa kanya galing ang hanging pumasok sa library kanina. Napangisi ako nang sinubukan niyang ibato ang dagger na hawak niya pero hindi umabot sa punong target niya. Weak! Akala ko pa naman na babawi ang mga Chaosian pero ayon sa nakikita ko ay ang prinsesa nila ang nanghihina.

I faked cough to get her attention. "Seems that you are facing difficulties!" I smirked.

Mukha siyang nagulat nang makita ako. "Kanina ka pa ba riyan!?" gulat niyang tanong.

I smiled. "Masyado mo kasing tinututukan yang ginagawa mo, iyan tuloy di mo alam baka mamaya kaaway niyo na pala ang dumating at napatay ka pa! Try not to give your attention on one thing but all around you!" pang-aasar ko.

"Umalis ka na nga lang dito! Dagdag ka pa sa pagkainis ko eh! Tang*na!" inis na sabi nito bago ibinato ulit ang dagger at napaupo na lang sa lupa saka niyakap niya lang mga tuhod at dumukdok doon. I bet she's now crying.

Ngumiti ako at kinuha ang dagger niya bago umupo sa tabi niya. "Already giving up? So weak!"

"Si-sige lang!" my hunch was right, she's crying. "I-ituloy m-mo lang yang pang-aasar mo! Totoo naman eh, I'm weak, useless, stupid, lahat na!"

Pinaikot ko ang dagger sa kamay ko bago ito ibinato through the direction of her target tree earlier, then bullseye. I'm not into daggers, 'cause I'm into bow and arrows. "Hindi ka talaga gagaling sa paggamit nito kung sakaling sumusuko ka na agad!" tumayo ako mula sa pagkakaupo at kinuha ang dagger.

Nang lingunin ko ulit siya ay napansin ko ang pamumula ng mga mata niya dahil sa pag-iyak. "What are you talking about!?"

"Do you want to know how to use this properly?" I asked. "I can teach you, if you want to!"

"Ohh really? Tuturuan mo ang isang kaaway? The heck are you thinking? Isa pa kaya ko na ang sarili ko!" mabilis siyang nakalapit sa akin dahil sa kapangyarihan niyang hangin at sinubukang kunin ang dagger pero mabilis ko itong naitaas at dahil mas matangkad ako sa kanya ay hindi niya ito maabot.

"Paano ba yan? Ngayon pa lang hirap ka na, paano pa kaya kung kumilos na ako?" pang-aasar ko na nakapikon sa kanya. Ang sarap niyang panooring mapikon, tss.

The Powerful TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon