Chapter 4

127 3 0
                                    

Chapter 4

Ann's POV

"Tss. Ang kati!" pagrereklamo ng isang babaeng kasama namin. "Malayo pa ba tayo sa palasyo? Bakit ba sa gubat tayo tumigil kagabi, ha? Tss. Ang kati tuloy!"

"Dito kasi ang mas malapit na daan papuntang palasyo!" sabi ni General Eresmus, yan kasi ang gusto niyang itawag namin sa kanya. Siguro ilang oras lang ang itatagal bago kami makarating sa palasyo kung wala lang umaangal.

"Maganda na nga rin ito para malaman natin kung saan tayo maaring makahanap ng mga halamang gamot!" nakangiti kong sabi habang tumitingin-tingin sa paligid.

Napansin ko ang pagtango-tango ng mga Verinian na kasama namin dito pero nakita ko ang pamumula ng babaeng nagreklamo kanina, dahil siguro sa galit.

"Tss, as if naman kasing nararamdaman mo kung ano ang nararamdaman ko, nararamdaman namin. Sa pagkakaalala ko, ikaw ang nag-iisang Lesyndras sa amin eh, ikaw ang nasa pinakamababang antas kaya ka siguro hindi pinapansin ng mga insekto kasi kauri mo sila." teka nga, parang ang sama naman na ata ng sinabi niya ah.

"Pasensya na! Pero tandaan niyo, kung wala kaming mga Lesyndras, hindi kayo mabubuhay. Bakit? Kasi mga tamad kayo sa pangangalaga ng kalikasan, ng sarili niyong tirahan. Kung wala kami, paano na lang kayo? Mawawalan kayo ng pagkain, mawawalan kayo ng lugar na maari niyong tirahan. Dahil kaming mga Lesyndras ang nangangalaga ng kalikasan, na pinagkukuhanan niyo ng lahat." hindi ko na napigilang lumaban pero nagtaka ako kung paano ko nagawa yun, hindi naman ako palaaway at hindi ako matapang, isa pa parang napakalalim naman ata ng mga nasabi ko. "Pasensya na, kung tinamaan kayo, pero sinabi ko lang ang totoo!"

"Tama na yan!" pag-awat ni General Eresmus sa amin. "Tara na!"

Tumingin pa sa akin si General Eresmus bago ibinaling ang tingin sa daan. May gustong ipahiwatig ang mga tingin niyang yun, alam ko. Parang sinasabi niyang 'Magaling, matapang ka! May potensyal kang bata ka.' Nauna na rin sa akin ang mga kasama kong mga manggagamot at nakita ko ang babaeng nakasagutan ko kanina na sinamaan ako ng tingin. Bumuntong-hininga na lang ako at sumunod na sa kanila.

~♥~

Ang ganda pala talaga ng palasyo. Sobrang swerte ng mga nilalang na nakatira rito, pero sa pagkakaalam ko mas masayang mamuhay sa gitna ng kakahuyan dahil nakakalanghap ka roon ng sariwang hangin. Mas madaling kumalma ang pakiramdam, kung ganoon.

Nagbigay pugay ang mga kawal at kami na rin sa hari at reyna. "Your Majesties!" panimula ni General Eresmus. "Kasama na po namin ang mga may kakayahang manggamot sa lahat ng bayan dito sa Verinia. 40 healers po ang kasama namin ngayon. At umaasa na po kami na hindi na natin kailangan pang humingi ng tulong sa ibang kaharian. Na isa na po sa kanila ang makagamot sa prinsesa."

"Magaling Eresmus. Umaasa rin kami." sabi ng hari. "Kayong mga Lesyndras diyan, ituro niyo ang mga kwarto nila para makapagpahinga na rin sila. Bigyan niyo sila ng mga damit na pupwedeng nilang isuot na siyang magsisimbolo na sila ang mga manggagamot na nakita natin sa bawat bayan. At kapag pinatawag na namin sila ay agad niyo silang pababalikin dito. Kayo ang gagabay sa kanila."

"Masusunod po mahal na hari!" nagbigay pugay muna ang mga katulong dito sa palasyo, na kapwa kaantas ko rin, bago sumunod sa ipinag-uutos.

Sinundan na lang namin ang mga katulong at idinala kaming lahat sa isang kwarto na punong-puno ng mga iba't ibang pintuan. Sa tingin ko higit pa sa apat na pu ang mga pintuan dito. Nakakamangha!

"Tingnan mo, Betinna, yung babaeng kinaiinisan mo namamangha na naman!" rinig kong sabi ng kaibigan ng babaeng pinag-iinitan ako.

The Powerful TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon