Chapter 12
Ann's POV
Matapos ikuwento sa amin ni Lyra ang lahat ay naglaho sila at naging mga usok ulit bago bumalik sa mga katawan namin. Malinaw na sa akin ang lahat, ewan ko na lang sa kasama ko ngayon. It only means that, ampon ako sa amin pero hindi nila pinaramdam yun. Isa pa hindi naman ako galit sa kanila dahil itinago nila ang katotohanang yun, dapat nga magpasalamat ako dahil inaruga nila ako at pinalaki. They let me feel that I am belong to them pero gusto ko pa ring makasigurado.
Kanina pa minamasahe ni Andrew or Andy na lang daw ang magkabilaang sintido niya na para bang hindi pa rin kuntento sa mga nalaman niya, pati rin naman ako eh. Gusto naming makita mismo ang pruweba at hindi lang yung napakinggan namin bago kami tuluyang maniwala. Ilang segundo lang ay napa-face palm siya.
"Ang laki ng problema mo ah!" pang-aasar ko bago lumapit sa lawa. Kanina ko pa dama ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya, naniniwala talaga ako kay Lyra, sa mga sinabi niya.
Magsasalok na sana ako ng tubig doon pero bigla siyang nagsalita. "Tss. You can't understand!" asar niyang sabi at naglakad ng pabalik-balik, nakakahilo siya kaya tumayo na lang ako.
"I can! I'm not stupid just like what you think. Spill!" I said at naghalukipkip ng braso, nag-aantay ng sasabihin niya.
"I don't!" he almost shouted kaya naman napakibit-balikat na lang ako.
"Bahala kang mabaliw diyan. Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo!" lumuhod ako malapit sa lawa at sasalok na sana.
"Hindi mo na kailangan niyan, Ann." narinig kong sabi ng isang babae mula sa lawa kaya napahinto ako sa tangkang pagsalok.
"SHEENA!" sigaw ko nang makita siya. Lumapit sa akin si Andy.
"Sinong kausa-" naputol ang sasabihin niya nang makita si Sheena. "Sino siya!?"
"Her name is Sheena. Isa siya sa tagapangalaga ng lawa na ito." sabi ko.
"Oras na para umuwi ka na sa tunay mong tahanan, Ann. Hindi mo naman na kailangan ang tubig ng lawa para gamutin ang sarili at tunay mong ama." aniya.
'Isang haplos, isang lunas.'
Naalala ko na naman ang sinabi nilang iyon pero naalala ko rin ang nangyari sa akin nung ginamit ko iyon sa prinsesa. "Pero.."
"Wala nang pero-pero, Ann, kailangan ka na ng ama mo ngayon. Isa pa, nariyan na ang kapatid mo kaya hindi ka na muling mawawalan ng malay at mauubusan ng lakas." sabi niya at lumangoy na palayo.
"Umalis na siya. Ano bang pinag-usapan niyo!?" agad na tanong ni Andy na ikinakunot ng noo ko.
"Hindi ka ba nakinig kanina!?" mabilisan kong tanong.
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ako katulad ng ilan na nangingielam sa usapan ng iba. Another is that, you talk in another language. I can't understand both of you!" sabi niya habang nakapamulsa ang mga kamay. Napataas ang isang kilay ko bago ako bumuntong-hininga, ganun din ang sinabi nung mga nakasama ko rito noon. Wala silang maintindihan.
"So, tara na!?" I asked.
"Saan ba ang daan? North? South? East? Or west?" kunot-noong tanong niya nang seryoso.
I chuckled a little. "North!" sabi ko at nagbigay ng nakakalokong ngiti.
Nagsimula na siyang maglakad kaya naman natawa na ako. "What's with the laughter?" inis na tanong niya.
"Go ahead and walk. Tingnan nga natin kung makarating ka kaagad sa palasyo. Alam mo ba na tatlong araw pa bago ka makarating sa palasyo ng Verinia kung yan ang daang tatahakin mo?" natatawa kong sagot at hinarap ang lawa. "Buenneu Ashun!"
BINABASA MO ANG
The Powerful Twins
FantasíaSila ay kambal... Kambal na isinilang. Kambal na maharlika. Kambal na makapangyarihan. Kambal na nagkahiwalay at muling pinagtagpo ng tadhana. KAMBAL na nasa propesiya na tatapos sa kasamaan. "We are separated but fate led us the way to each other."...