Chapter 6

92 4 0
                                    

Chapter 6

Ann's POV

Matapos akong itulak ni Serena sa isang lagusan ay nabigla na lang ako nang makarating ako rito sa palasyo. Sa palagay ko ang kabilang bahagi ng lagusan ay sa malaking punong ito. Madilim na ang paligid at nasa likurang bahagi ako ng palasyo ngayon, kaya tumakbo ako papasok.

Hindi ko man masyadong naintindihan ang sinabi ni Serena ay iwinaksi ko muna iyon sa isipan kahit gulong-gulo na ako. Karugtong ng buhay? Kapatid, si Sam lang ang kapatid ko, kailangan bang magkasama kaming muli para lang mabigyan namin ng lakas ang isa't isa? O may ibig-sabihin pang iba?

Hindi na ako hinarangan ng mga kawal dahil sa suot kong sumisimbolo kung sino kami dito ngayon sa palasyo. Pumunta ako sa kwarto ng prinsesa at nakitang bukas ang pintuan nito kaya dahan-dahan akong pumasok. Nakita ko silang nakapalibot sa prinsesa. Hindi ko makita ang mga nangyayari kasi masyado na silang maraming nakapalibot sa prinsesa.

"Wala pa bang epekto? Anong nangyayari? Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin?" boses yun ng hari, ibig sabihin nandito siya ngayon.

"Mukhang niloko po tayo ni Ann, sabi niya po ay mabilis umepekto ang lunas na ito pero hanggang ngayon ay wala pa ring epekto." rinig kong sabi ni Betinna, tss, hindi naman kasi talaga mula sa lawa ng Cuedas ang tubig na yun eh.

"Nasaan ba ang babaeng yan!?" boses naman yun ng babae kaya sinubukan kong sumilip at ngayon, sa palagay ko siya ang reyna.

"Huminahon muna kayo, mahal na reyna!" sabi ni Alsero, may kaunti na kasi akong nasisilip mula rito kaya alam ko. "Sigurado ka ba, Betinna, na niloko kayo ni Ann? O baka naman siya ang niloko niyo?"

"Ano po bang pinagsasabi niyo? I don't know what are you saying!" pagmamaang-maangan ni Betinna.

"Unang-una pa lang hindi ka naman isang Veriniang may kakayahang manggamot, dapat alam mo ang pinagkaiba ng lunas sa isang normal na tubig. Pangalawa, hindi ba iniwan niyo si Ann doon sa lawa ng Cuedas? Nang umalis siya ay hindi niyo siya hinintay—"

"Siyempre po, mas mahalaga ang buhay ng prinsesa kaysa sa kanya." pagputol ni Betinna sa sinasabi ni Alsero.

"Eh bakit di niyo siya tinawag kahit na alam niyo kung saan naman siya pumunta o puntahan lang siya para sabihing mauuna na kayo? Siya naman ang dahilan kung bakit kayo nakakuha ng lunas, di ba? At sinabi niyo pa nung dumating kayo rito ay bumalik na siya sa Kampil nila dahil sabi niyo ay ipinaubaya na niya sa inyo ang paggamot sa prinsesa!" sabi ni Alsero na nakapagpatahimik kay Betinna. "Totoo naman siguro ang mga sinabi ko hindi ba?"

"Bakit mo ba ako pinakikielaman, ha? At paano mo nalaman lahat ng iyan, kahit na wala ka naman kagabi? Sino ka ba?" tanong ni Betinna na tila ba naiinis na.

"Sa katunayan, ako si Alsero ang Head Seer ng Verinia. Sa tingin mo ba madali mo kaming maloloko? Isa pa, bago pa man kayo makaalis mula sa laws ay pinalitan ng mga sirena ang laman ng boteng hawak mo ngayon kaya hindi yan gumagana sa prinsesa." sabi ni Alsero.

"Maalala ko nga po pala, meron pong katulad niyo kaya bakit niyo pa po kailangan ng mga manggagamot sa iba't ibang bayan kung sa kakayahan niyo ay maaari niyo nang makita ang lahat." mariing sabi ni Betinna.

"Dahil hindi kami mga manggagamot at wala kaming alam sa mga halamang gamot o kahit na anong klase ng gamot. We can only see a vision, pangitaing patungkol sa mga nangyayari sa paligid. Because of our abilities nalaman namin kung nasaan ang prinsesa nung nawawala ito." pagtugon ni Alsero.

"Bakit ngayon mo lang yan sinabi sa amin, Alsero? That the cure isn't on her hands." tanong ng reyna.

"Mahal na reyna, hinintay ko lang na makabalik dito si Ann." napansin kong naglakad papunta sa direksyon ko si Alsero at napansin ko rin ang paggilid ng mga nilalang na nasa harapan ko. "Dahil ngayon, kararating niya lang po!"

The Powerful TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon