Chapter 5

91 4 0
                                    

Chapter 5

Ann's POV

Tinanong ko kay ate Ella kung pwede ba akong maglibot-libot at pinayagan niya ako sa isang kondisyon, sasama siya. Nakakatuwa ang paligid dito pero napatigil kami nang may marinig kaming nag-uusap sa kabilang bahagi nitong pader.

"Nakakaasar talaga! Bwisit! Ano raw ang pangalan niya, Amor?" rinig ko na naman ang pamilyar na boses na yun—si Betinna.

"Her name is Andrea Vastreña, ang anak ng Renajah sa isang Kampil ng mga hunters, ang Kampil na pinakamalakas sa lahat ng Kampil." siguro yun ang kaibigan niya, Amor, yun ang tinawag sa kanya.

"And so? Mababa pa rin siya kaya dapat manatili siyang nasa ibaba. I promised to mom and dad na magiging Vistrun ako. And he announce it to everyone. You know dad, mapapahamak ako kung sakali, he will ground me. I don't want to be defeated by only a Lesyndras. Never would it be." nag-aalalang sabi ni Betinna. Kaya pala para siyang desperada at nais makipagkumpitensiya.

"Tss, come on, Betinna. Ngayon lumalabas na talaga ang katotohanang hindi ka talaga isang healer. Think of it, ang bilis nalaman ng Lesyndras na iyan ang poison at ang lunas. She's real. You are just lying to all of them!" sabi nung Amor. Ibig lang nitong sabihin na hindi talaga manggagamot si Betinna?

"Shut up! Akala mo naman na isa ka ring healer, pero hindi! Bwisit! Sumama ka sa akin para suportahan ako at hindi para i-down!" asar na sabi ni Betinna.

"Kaya naman pala!" bulong ko sa sarili na narinig ni ate Ella.

"Naiintindihan mo lahat ng pinag-uusapan nila?" takang tanong niya.

"Mukhang malabo, pero yun ang totoo, ate eh. Naiintindihan ko sila, kahit di ko naman pinag-aralan ang wikang yun!" sagot ko.

"Kakaiba! Ako nga itong matagal na rito pero hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan ang mga pinagsasasabi nila ehh. Mga lugar lang sa palasyo, tulad ng Throne hall, Dining Hall, Training room, at iba pa tulad ng Queen, King, yung mga ganun." manghang sabi ni ate Ella.

"Ano pang ginagawa niyo rito!? All of you are commanded to go back to the Throne Hall!" sabi ng isang lalakeng sa tingin ko ay isang kawal.

Narinig ko ang papaalis na hakbang nung dalawang magkaibigan kaya naman sumunod na kami.

"Nasaan na siya?" rinig kong tanong ng hari.

Papatakbo akong lumapit sa mga kasamahan ko at nagpaiwan doon si ate Ella. Nabigla ako nang lumapit sa akin si Zaron at itinulak ako nang marahan papaharap.

"Ito po siya, mahal na hari!" sabi ni Zaron na nakakuha ng atensyon ng lahat. "Siya po ang babaeng nakaalam ng lason at nang lunas. Sa pagkakaalam ko po ay isa siyang Lesyndras, tama ba Alsero?" tumango yung Alsero sa tanong ni Zaron. Siya siguro ang Head Seer na tinutukoy ni Zaron kanina sa akin.

The Powerful TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon