Chapter 1: Kiss

64 3 0
                                    

Chapter 1: Kiss

"Makakapag kolehiyo na din ako sa wakas." Ang kailangan ko na lang gawin ay magdamo para mapirmahan na ang clearance ko.  "Nakita ko yung bag mo nakabukas!" Sabi ni austin na kadarating lang. "Sige salamat sa pag i'inform." Medyo nakakapagtaka din kasi tahimik na tao ito bukod pa diyan di namamansin pafamous ba? ~sigh~

Nakapagtataka naman  nakasara naman ito? Pinagtripan niya lang ba ko? O sadyang malabo na ang mata niya!? Ng pabalik na ko nakita kong pinirmahan ni sr ang clearance nito. "S-sr ako din po!" Sabay takbo ko palapit sa kinatatayuan nila. Tinignan lang ako ng tiger look ni sr. "Dinamuhan ko po dito oh!" Sabay turo ko. "Hindi na ko magtataka kung paglaki mo di ka umasenso kasi sinungaling kang tao! Napakatamad mo! Magdamo kaaaa!" Bulyaw nito sakin saka dali daling umalis. Ramdam ko ang galit nito sa lakas ba naman ng yabag. Pasimple kong pinunasan ang mukha ko at tumalsik yung laway niya!

Nagulat ako ng akbayan ako ng buset na lalaking to! "Thank you ah!" Sabay ngisi nito.
Gusto kong sumabog sa galit! Pinagalitan ako ng dahil sa kanya! Ako pa ang naging tamad? Ako na naghirap?! "Don't worry here's your reward." Nagulat ako ng halikan ako nito habang mulat ang mga mata ko. Pakiramdam ko slow motion pang naghiwalay ang mga labi namin. Magsasalita sana ko kaso biglang niyang idinikit sa labi ko ang hintuturo nito. At bahagyang inilapit ang mukha. Halos maduling ako sa lapit niya.

"Shhh... Once is enough!" Sabay alis nito. "Ang kapal ng mukha mooo!" Sigaw ko sa kanya. Sa inis ko nagsisitalon ako na para bang bata.  "Oh si austin yun ah!" Sabi ni khimverlee A.K.A erl. Kadarating lang nito. "Sobrang cool ng taong yun."

"Anong cool dun ruah? Mukha nga siyang yagit ee. Napaka dugyot tignan. Pawisan. Kadiri! Mukhang di pa naglalaba ng damit!" Ng gigigil na sabi ko.

"Pero mabango pa rin siya kahit na pawisan siya! Bukod pa diyan ang daming nagkakagusto sa kanya."- ruah

"Hay naku ruah! Wag mo nga siyang purihin at napakasinungaling ng taong yan!Akala mo naman napakalambot ng labi niya!" Himutok ko. "Anong ibig mong sabihin?!" Sabay nilang tanong na ikinagulat ko. Dapat sinekreto ko na lang ee. "H-Hinalikan kasi niya ko." Biglang nag init ang mukha ko sa hiya kaya kumaripas ako ng takbo palayo.

Dumeretso ako sa washing area. "Tss. Austin isinusumpa kita! Kakalinis ko pa lang ng kuko ko  pero bininyagan ko pa din alang alang sa clearance ko! Pero wala kong napala! WALAAA!" Ng gigigil na sabi ko ng biglang may magsalita sa likuran ko na agad kong ikinaalarma. "Meron hinalikan ka niya." Salubong ang makapal na kilay nito. Bukod pa diyan nanlilisik ang mga mata niya. "H-Hindi ko yun ginusto mhon. M-Maniwala ka. B-Bigla na lang niya kong hinalikan! T-Tapos sinabi niya kay sr na siya yung nagdamo dun sa dinamuhan ko ee ang luwang luwang nun at sobrang init pa." Paliwanag ko dito pero di pa rin nagbabago ang facial expression niya.  "Ayaw mong halikan kita. Pero sa kanya ok lang?! Ano ba ko sayo mar?!" Bulyaw nito.

Napatingin ako sa paligid ang daming nakarinig. Mangilid ngilid na ang luha ko. Hindi dahil sa hiya kundi dahil Natatakot ako. Natatakot ako na  mawala siya sakin. "S-Sorry. P-patawarin mo ko!" Lalapitan ko sana siya kaso lumayo siya. "Hinding hindi ko papayagang gaguhin mo lang ako! Naging loyal ako sayo mar! Sana naisip mo man lang yan bago ka nakipaghalikan sa kanya!"Tuluyan na kong umiyak sa narinig ko mula sa kanya.  Hanggang sa tuluyan niya na kong iwan. "Mhon! Mhooon!!!" Tawag ko sa kanya. Saka ko siya hinabol. Nahawakan ko ang kanang braso nito pero pinilit niyang tanggalin na may kahalong pagtulak sa lakas niya na pasubsob ako sa lupa.

May pumasok sa bunganga ko at nalalasaan ko na ang sarili kong dugo. Mabuti na lang dumating sina erl at ruah. Tinulungan nila kong makabangon at makaalis kung wala sila di ko na alam ang gagawin ko. Nagstay muna kami sa park.

"Paano kaya niya nalaman yun?" Mahinang sabi ko. "Baka ipinagkalat ni austin!"- agad na sabi ni erl.

"Hah? Di naman ganung tao si austin ah. Madalas mag isa lang yun at tahimik pa!"- protesta naman ni ruah. "Bakit palagi mo ba siyang nakakasama para masabi yan? Di natin kilala yung tao! Tignan mo nga ang nangyare kay mar! Dahil yun sa kanya!"- medyo galit na sabi ni erl.

"Tama baka si austin ang nagsabi!"- galit na sabi ko. "Don't judge. Okay? Without knowing the truth!"  sabi ni ruah na halatang nainis. "Diba nga sinabi na ni mar ang totoo?" Sabay irap ni erl. 

"Um...Tara na. May duty pa ko ee." Mahinang sabi ko pero pinilit ko pa ding ngumiti sa harap nilang dalwa dahil ayokong mag alala sila. Uuwi muna ko para makapagpalit.

Habang naglalakad. Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ang gunggong! Lumapit ito sakin.  Tinignan ko lang siya ng masama habang nakatingala. "Bakit mo ipinagkalat na hinalikan kita? Gaano mo ba ko kagusto... Mar!" Sabay ngisi nito at dali daling naglakad paalis. Nakakagigil ang kahanginaaaaan! Iiiish! Sa inis ko pinag initan ko yung unan ko ng makauwi na.




Don't forget to vote, comment and share.

Marguax Meets PleumWhere stories live. Discover now