Chapter 34: Apartment

2 0 0
                                    

Chapter 34: Apartment

Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuklat ang sulat bumuhos agad ang luha ko."Lagi kitang nakikita sa pwesto hindi ko maiwasang hindi ka  pagmasdan. Gusto kitang yakapin ng mahigpit pero natatakot ako na baka hindi ka na bumalik. Natatakot ako na baka hindi na kita muling makita." Napahinto ako sa pagbabasa  pakiramdam ko di ko kayang tapusin. Huminga ako ng malalim saka muli itong tinignan. "Ang saya ko ng makita kita sa daan pakiramdam ko bumalik sa dati ang buhay ko. Pakiramdam ko muli kong nakasama ang anak ko sa katauhan mo inisip ko nga rin na baka kambal ang anak ko? Di ko lang alam... Pero sure akong iisa lang ang inilabas ko. Hindi ko ring maiwasang hindi magalit sayo lalo na kapag umiiyak ka sa t'wing umuuwi kang may gasgas o pasa. Natatakot kasi ako na baka mawala ka din sakin. Pero t'wing gabi umiiyak ako alam kong dinadaya ko lang ang sarili ko. Alam kong hindi ikaw ang anak ko. Habang tumatagal ayoko ng mawala ka sakin binigyan mo muli ng kulay ang buhay ko natakot ako ng makita uli si laurence ibang iba ang tingin niya sayo nun mabuti na lang dumating si pleum patawarin mo sana ko kung ginamit kita para gantihan si laurence at ng ina nito. Bakit kung kailan maayos na ang lahat saka naman lumala ang sitwasyon ko ang sakit ko. Pareho ng damage ang kidney ko bukod pa diyan nabalutan na daw ng taba ang puso ko nagsimula na ding nagmanas ang mga paa ko. Malaki na rin ang pinayat ko. Ayokong malaman mo ang kalagayan ko. Ayokong malungkot ka. Lagi rin akong binibisita ni pleum dito sa hospital. Pinipilit ko siyang magkwento kung anong mga ginagawa mo Pero gaya ng dati nanatili lang itong tahimik. Sa totoo lang hiniling kong wag niyang sabihin ang sitwasyon ko sayo nahirapan akong kumbinsihin siya pero sa huli pumayag naman siya.Sana bago ako bawian ng buhay makita kita uli." Pinunasan ko ang pisngi ko. Muli akong napatingin sa paligid. Sinisimulan na nilang kumpiskahin ang laman ng bahay.  Mag iisang linggo na rin pala... Na wala na siya. Kaya pala hindi na siya nakabalik agad akala ko talaga nag eenjoy siya sa pinuntahan niya... Sa bakasyon niya. Yung nakita kong medical records niya 2018 pa nag start ang damage sa kidney niya kaso binalewala niya dahil gusto niya ng mamatay para makasama niya agad si maricris ang anak nito. Ang lungkot lang kasi kung kailan naayos na ang lahat saka naman siya nawala. "Tara na?" Sabi ni pleum na kanina pa nakaabang sa may pinto. Kaya pala bumaba agad si pleum nung isinakay kami ni austin sa kotse nito para puntahan si manang maging nung araw na nahuli siyang umuwi. May ibinigay ito sa kanya na siyang isiniksik niya sa sofa nung makabalik na ito sa bahay (Previous chapter) sulat at pera ang laman nito. Oo, pera ibenenta ni manang yung pwesto niya at ng bahay maging ng ilan niyang mga gamit like tv, refrigarator etc. Gamitin ko daw panimula ko. ~Sigh~

Sa huli natupad ang kahilingan niyang makita ako bago siya mamatay sa hospital anemia pala ang sakit ko noon sobrang baba na ng dugo ko bukod pa diyan nagtae ako dahil sa pag inom ng sauce nung vendor ng fishball kung di pa ko nagkasakit nun di ko pa malalaman ang totoong kalagayan nito maybe sinadya din ni pleum na ipunta ako sa hospital para matupad ang kahilingan nito para magkita kami. Pakiramdam ko nawalan uli ako ng magulang. Sobrang sakit. Gusto kong  umiyak araw araw, Oras oras... pero di ko magawa nakabantay palagi si pleum. Sa isang linggong yun di siya pumasok paminsan minsan binibisita naman ako ni erl. Nakiusap ako sa kanilang ilihim ang tungkol dito ayoko kasing kaawaan ako ng iba o lait laitin uli nakakapagod na rin kasi... Isang araw bago umalis si erl  ibinulong niya saking  may lagnat si pleum nakaramdam ako ng awa dito siguro napapagod na din ang katawan niya sa kakaasikaso sakin kaya pinilit kong ipakita sa kanyang okay na ko. Kailangan kong magsimula muli dahil yun ang gusto ni manang kaya nga niya inilaan ang pera niya para sakin. ~Sigh~

Sumakay kami ng bus para mapuntahan yung apartment na sinasabi ni pleum. Walang kagamit gamit sa loob nito at medyo may kaliitan pero ang sabi ng may ari ito na daw yung pinakamurang maioofer niya. Atleast may sarili na itong cr, mini kitchen at cabinet wala nga lang papag. Bukod pa diyan malapit lang 'to sa school pwedeng pwede ko itong lakarin para dagdag tipid. Sinimulan ko ng ilagay yung mga damit ko ng biglang bumukas ang pinto. "Hindi ka papasok?" Pagtataka ko ng pumasok si pleum na nakapambahay lang may buhat itong mesa na pang dalwang tao lang  inilagay niya ito banda sa mini kitchen maya maya lang ay lumabas uli ito at may bitbit ng dalwang upuan. "Upuan mo. Upuan ko."Sabay turo niya dito. May nabili na rin itong pagkain na inaayos niya sa mesa.Niyaya niya kong kumain pero sinabi kong tatapusin ko muna ang ginagawa ko nagulat na lang ako ng buhatin ako nito ng bridal style saka inupo. Bumili ito ng lutong bahay. Pansin kong di mapili sa pagkain si pleum pero sagad siya sa katakawan! Pero himalang di siya tumataba. Pagkatapos naming kumain tinulungan ako nito sa pag aayos ng damit. "Ito ba ang lucky panty mo?" Waaaaaaaaah agad kong inagaw ang hawak hawak nito. "Wag ka na nga tumulong!" Sigaw ko dito na agad ikinapula ng pisngi ko. "Pambata." Dugtong pa nito gusto ko siyang saktan pero pinigilan ko sarili ko. "Hah... Ano 'tong malambot." Pagtataka nita saka ito itinaas. Waaaaah dali dali ko itong inagaw ng bra pala yung mahawakan niya. Pagkalabas namin napatingin ako sa itaas. "May rooftop?" Usisa ko dito pero tumango lang ito. Pumunta kami sa palengke walking distance lang din ito. Bumili kami ng mga kakailanganin ko. "Bakit puro dalwa?" Pagtataka ko ng kumuha ito ng plato at baso na dalwang piraso. Tinignan ako nito. "Bakit may anak na ba tayo?" Sabay bayad nito. Biglang namula ang pisngi ko. Sa totoo lang kung wala si pleum baka nawalan na ng direksyon ang buhay ko baka palagi lang akong nakakulong at nagmumukmok sa isang tabi.

Umalis lang ito ng maihatid ako sa tinutuluyan ko. Inilock ko ang pinto saka sumandal saka pabagsak na umupo. Dun na ko nagsimulang humagulgol. Sobrang hirap magpanggap na okay na pero ang totoo konteng konte na lang bubuhos na ang luha mo. Mag isa na lang ulit ako! Nasanay na kong may kasama. Ipinaramdam ni manang sakin kung papaano magmahal, mag alaga at mag alala ang isang magulang na matagal ko ng di naramdaman sa totoo kong magulang pero lahat ng yun... lahat ng yun panandalian lamang... pakiramdam ko pinaglalaruan na lang ako ng tadhana. Palagi na lang akong napupunta sa gantong sitwasyon... nakakapagod na din! Ako ba? Ako ba ang may problema? Malas ba ko? May sumpa ba ko? Bakit lagi akong iniiwan!

Marguax Meets PleumWhere stories live. Discover now