Chapter 17:She's back

10 1 0
                                    

Chapter 17:She's back

"Um.. Mar, Sa mall na lang tayo kumain Please!" Sabay pacute ni erl.  Sorry na lang erl di tatalab kakyutan mo sakin ngayon at talagang miss na miss ko ng kumain dito!!! Galing kaming mall. Nag bigay ako ng resume ko sa hr.  "Di ako kumakain ng lugaw!" Sigaw pa nito ng pumasok na ko sa favorite kainan namin ni ruah.

"Lagi kami ni ruah dito." Sabay ngiti ko ng pilit. Gosh! Naiiyak ako! Namimiss ko na kasi siya... namimiss ko na siyang kasabay kumain dito. Yung paramihan kami ng refill di namin alintana kong malulugi 'tong nag mamay ari  ng lugawan. Yung yakap niya... yung pag damay niya sa t'wing may problema ko... yung sabay naming pagtawa... lahat ba yun pag papanggap lang?! Lahat ba yun walang katotohanan?! Sobrang sakit... hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap.

"Bakit sayo mas madamiii!" Sigaw ni erl ng makita ang inilapag ni manang. Actually ewan ko ba... di ko alam kong  napapayatan ba sila sakin para bigyan ako ng mas malaking bowl... Pwede ring para di na sila mapagod refillan to?! Pwede rin namang suki kasi nila ko?! Simula nung umalis ako kila mhon nung 1st year high scul ako dito na ko kumakain ee. Umagahan, tanghalian at gabihan! Para lang makatipid! Para lang mainitan at masabing may laman ang sikmura ko dito ang takbuhan ko... kaya masasabi kong suki na nila ko kaya siguro special ang serving ng food ko. ~evil grin~ Kahit Nagmumukha na kong patay gutom o timawa.  (-___-  )~

"Ok lang yan! Di ba nga sabi mo di ka kumakain ng lugaw!" Tapos ngayon para bang gutom na gutom siya! "Eeee... G-Gusto kong ipakita sayo na kaya ko rin kumain dito tulad ng ginagawa ni ruah!" Nahihiyang sabi nito na di man lang makatingin sakin. "Hindi mo naman kailangang gawin yan ee. Di mo kailangang gawin ang ginagawa ng ibang tao para lang mapleased yung iba. Ang dapat mo lang gawin ay yung magpakatotoo lalong lalo na sa sarili mo." Saka ko siya nginitian.

"Oh pleum!" Tawag ni manang sa kadarating lang sabay kaming napatingin dito nanlaki ang mga mata nito ng makita kami. "Dito ka rin kumakain?!" Usisa ko dito. Umupo siya sa tabi ko. Agad naman siyang binigyan ni manang ng lugaw.

"Hay naku always!" Sabat naman ni manang na agad ding umalis. "Nakakatuwa naman sa tagal mong kumakain dito mar di man lang kayo nagkita nun?! As iiin ngayon lang?!" Manghang sabi ni erl. Ngumiti lang ng alanganin si pleum. Habang ako tumango lang. Oo nga no kung lagi siya dito... Ba't di man lang nag kros ang landas namin noon?! Or maybe nagkikita na kami kaso di ko lang maalala.  "Parang destiny kayo!" Dugtong pa ni erl na ikinasamid naming pareho ni pleum habang si manang naman kilig na kilig. 

"Oh kita niyo sabay pa kayo!" Saka ito tumawa. "Pleum yayain mo si mar sa t'wing kakain ka dito ah. Para di naman siya malungkot baka kasi maalala niya si ruah!" Nagtinginan na lang kami ni pleum tanging mata lang namin yung parang nag usap na wag na lang pansinin. Pag katapos naming kumain ay nagpaalam na kami kay pleum at kay manang.

"Parang paliit na ng paliit yung mundo niyo ni pleum!" Kanina pa 'tong erl na 'to! "Diba mas maliit na ang mundo namin ni austin kasi nasa iisang bahay na kami?! Ee si pleum nagkita lang naman kami sa lugawan!" Bukod pa diyan nahihiya ako kay pleum sa mga pinagsasabi ng magaling kong kaibigan!

"Sobrang cute kaya ni pleum. Mabait pa tapos simple lang. Kita mo naman kanina nakasuot lang siya ng plain na tshirt at short!" Pilit pa nito. "Ganun din naman manamit si austin ah!" Pilit ko din. " Ako ang patunay na kayo ay para sa isa't isa!" Wala na nahihibang na 'tong si erl. Ni hindi ko nga naisip yan!

Huminto ako sa paglalakad at hinarap ito. "Bakit ba bukang bibig mo si pleum?!" Ngumiti ito. "Kasi manok ko si pleum!" Napakunot noo na lang ako saka muling naglakad. "Kay pleum ka na lang! Atles dun may chance ka to win! Ee kay austin sobrang labo! Kasi may ruah na siya. Masasaktan ka lang sa kakaasa sa kanya!" Bigla akong nakaramdam ng sama ng loob kay erl dahil sa pinag sasabi niyang 'to mas lalo lang niyang pinapasama ang kalooban ko. Pero tama naman siya ee kung patuloy akong aasa sa wala ako din ang mahihirapan sa huli... Hindi ko naman na patatagalin 'to ee. Kaya nga ko naghanap ng trabaho para umalis na sa poder niya.

Marguax Meets PleumWhere stories live. Discover now