Chapter 35: Break up

5 0 0
                                    

Chapter 35: Break up

"H-Hah?"Halos mapaatras pa ko sa sinabi nito sakin. Gusto niyang maging girlfriend ako at sa susunod na linggo ipapakilala niya ko sa parents niya para mabayaran ko yung perang ibinigay sakin na ninakaw naman!Pero paano si ruah? "Um..." Bigla niyang hinawakan ang balikat ko para magkaharap kami. "Hihintayin ko ang sagot mo mamaya." Sabi nito na ngumiti pa bigla niyang hinawakan ang kamay ko saka nagsimula ng maglakad papasok sa classroom sakto namang kakalabas lang ni ruah bahagya itong napatingin samin pinilit kong tanggalin ang kamay nito pero mas lalong humigpit para akong batang hila hila nito.Pagkapasok namin napahinto ang lahat sa ginagawa nila at napatingin samin dun ko lang natanggal ang kamay ni austin. "Habulin mo si ruah. Sasabihin ko na ang sagot ko mamaya!" Utos ko dito na ginawa naman niya."Nawala sila ni pleum ng isang linggo tapos ngayong araw ding 'to pumasok sila! Hindi kaya...May pinuntahan sila? Like vacation?" Sabi ng isa naming klasmet na babae. "Oh my gosh! Papayag ka ba niyan nicole!" Sabi pa nung isa na palagi niya ring nakakasama. Lumapit ito sa kinauupuan ko. "Umamin ka magkasama ba kayo ng boyfriend ko?" Seryosong sabi nito. "Siya ang boyfriend mo dapat alam mo kung saan siya nagsususuot!" Sawsaw naman ni erl na lumapit din samin. "Magkaibigan nga kayo pareho kayong mang aagaw!" Sabay alis nito. Yung ibang mga klassmet namin nasa gym na P.E class namin. Nakapang P.E uniform na rin kami pero this time short ang gamit namin hanggang tuhod sa lalaki kami naman hanggang sa gitna ng legs pero yung kay nicole at mga kaibigan niya sobrang ikli na. Pagkapasok namin sa gym nandoon na rin si pleum nakaupo sa isang sulok. Biglang ng pito si sr kaya kumaripas kami ng takbo. Bigla na lang niyang inihagis yung bola sa klasmet naming si Zhaun na mabilis niya namang nasalo. Lahat ng lalaki pinapunta sa gitna at isa isang nag shoot ng bola. Todo hiyaw ang mga babae sa pagchicheer kay austin ng sunod sunod na maipasok ito pagkatapos nun bigla na lang siyang lumapit sakin at bahagyang pinisit ang baba ko na agad kong ikinahiya. Naririnig kong nagbubulong bulungan na naman sina nicole. Kaya napayuko na lang ako.

"Nakalimutan kong sabihin magkakababy na uli si mama!" Masayang sabi ni erl na lumapit pa sa kinauupuan ko. Masaya ako para dito matagal niya na kasing gustong magkaroon ng kapatid. Magsasalita sana ko tungkol dito ng lapitan din ako ni zhaun pagkatapos nito sa activity na ikinagulat ko akmang yayakapin sana ako nito kaso hinila siya ni pleum palayo. Babalik na sana sa kinauupuan si pleum ng ihagis ni austin ang bola dito habang nakatalikod dahilan para matamaan ito sa ulo agad nila itong pinagtawanan maging si nicole nakaramdam ako ng inis diba dapat galit siya? Diba dapat nag aalala siya sa kalagayan ni pleum? Pero nakakaya pa niyang tumawa sa gantong sitwasyon! Di ito pinansin ni pleum naglakad lang siya pabalik sa pwesto niya na di man lang ito ininda ng muli siyang batuhin ni austin malapit na ito kay pleum di man lang siya natinag sa halip hinampas niya ito ng walang kahirap hirap na sakto namang nashoot sa ring biglang nanlisik ang mga mata ni austin at  inulit uli ang kademonyohan ng ilang beses at lahat kami natameme at na'amaze lahat ng yun hinampas ni pleum at nashoot sa ring huminto lang si austin ng mapagod na ito sa kalokohang ginagawa babatuhin sana niya uli ito kaso pinigilan siya ni sir. Mas lalo lang naginit ang ulo ni austin ng sabihin niyang si pleum ang may pinakamataas na puntos. "Chamba lang yun!" Hasik ni austin. "Lahat ng yun? Are you sure?" Sabi naman ni sr na parang ng aasar tumalikod na ito. "Diba dapat mas pinapaburan mo ko? Dahil anak ako ng may ari ng school na 'to!" Hasik ni austin na ikinagulat naming lahat maliban kay ruah... D-Di k-kaya ... si austin ang reason kaya nakabalik si ruah dito? Kahit sobrang bigat ng ginawa niya nandidito pa rin siya... Napangiti ako na maluha luha sa naisip ko. D-Di kaya kabilang 'to sa mga plano nila? Na lapitan ako ni austin tapos sa huli iiwan at papaiyakin? Kaya bigla na lang nanahimik si ruah? "Hindi ako ganung klase ng tao." Seryosong sabi ni sir na tumingin pa kay pleum. Ngumisi naman si pleum ng palihim. Pagkalabas ni sir agad na lumapit si nicole dito na di makapaniwala na siya ang anak ng may ari kakaiba na rin ang tingin nito dito at hawak sa kamay nabalin ang atensyon ko kay pleum na nag aayos ng bola. Bigla namang sinipa ni zhaun ang isang bola palayo dito. Lumaban ka! Alam ko nakita ko... Malakas ka ee! Nakakainis ka pleum! Sabay alis ko na din. Pumunta kami ng locker ni erl para makapag bihis at makauwi na rin. Ee paano kung sabayan ko si austin sa gusto niya? Papakiramdaman ko muna siya kung tama ba ang kutob ko... Hindi ka na nila pwedeng paglaruan mar. Ayaw ni manang ng umuuwi kang luhaan at may galos. Paglaruan mo din sila. "Hoy mar! Kanina ka pa nakatingin sa salamin. Gandang ganda sa sarili." Sita naman ni erl na tapos ng magbihis.

Marguax Meets PleumWhere stories live. Discover now