Chapter 29: Unexpected visitor

13 0 0
                                    

Chapter 29: Unexpected visitor

Pagkapasok ko ng gate. Puspusan ang mga janitor sa pag lilinis ng buong campus. Mukhang nagsaya ang iba maliban sakin. Samin. Naglalakad na ko sa hallway ng di sinasadyang nandoon din yung magbabarkadang mga bully sa classroom. "Pagnalaman ng parents ko na bagsak ako papatayin nila ko! Baka sa kulungan ako ng baboy ipapatapon!!!" Exagge na sabi ng pinakaleader nila siya yung palaging nambubully kay pleum. "B-Boss." Tawag ng isa sa kanila dito na inginuso pa ko. Bahagya pa kong napaatras. Bigla itong lumapit sakin at agad na kinuwelyuhan. "May narinig ka ba?" Galit na sabi nito na niyugyog pa ko. Sobrang nanlilisik ang mga mata nito.  Another trouble na naman ba? "Boss sasaktan mo siya? Ee diba krass mo siya?!" Pagtataka ng isang kasama nito kaya dahan dahan niyang binitawan ang uniform ko. Saka pinaghahampas ng libro ang kasama nito. Sa hiya kumaripas ako ng takbo. Hingal na hingal ako pagkarating ko sa classroom.

Agad namang lumapit sakin si erl at nagsimula na namang magkwento. Wala itong kaalam alam sa totoong nangyare sakin sa reunion nila manang. Okay na din para di na siya mag alala pa. Napatingin ako sa gawi ni ruah. Tahimik lang ito. "Goodmorning." Bati ng filipino proof naming babae. "Goodmorning maam."

"Nabalitaan niyo naman na siguro na may bagsak sa inyo." Panimula nito na ikinatahimik ng lahat. "At may isa sa inyo ang may Mataas na grade."

"For sure ikaw yun ruah!" Ngumiti naman si ruah sa klasmet namin. Yung feeling na sobrang confident niyang siya nga. "Congrats ruah!" Sabay tapik pa sa balikat nito. Ganun din ang sinabi ng iba sa kanya "congrats".Oo may pinagawa samin nun ang proof naming 'to pero ngayon lang namin malalaman ang result. Ilang araw din akong di pumasok. "Ang ganda kasi ng ginawa niyang story at poem kaya mataas ang ibinigay ko. Pwede niyang ibigay ang 2 points niya para di mabagsak ang isa sa inyo." Paliwanag ng proof namin. Naputol lang ang pagsasalita nito ng pumasok si austin na agad namang tumabi sakin at nagHi. "Mar, Ibibigay mo ba ang 2 points mo o idadagdag ko na lang sa final grade mo?" Napamulagat ako ng marinig ang sinabi ng proof namin. Napatingin ako sa gawi ni ruah na sobrang sama ng tingin sakin. "Ano mar?" Dugtong pa nito. Napatingin ako sa klasmet kong bully bigla kong naalala ang sinabi nito kanina sa hallway."D-Di ko naman po kailangan ng mataas na grade." Nahihiyang sabi ko. "I love you too!" Rinig kong sabi nung klasmet naming bully. Oo galit ako sa kanya dahil sa pambubully niya kay pleum pero di kaya ng konsensiya ko na hayaan lang siyang mabagsak lalo na't pwede ko naman itong baguhin. Atleast i help him.

"I'm so proud of you!" Proud na sabi ni erl na nag sign pa ng okay. Yung story... About yun sa buhay ko. Ilang klase pa ang natapos sa wakas lunch time na!!! Pero si erl may klase pa. Palabas na ko ng may bumangga sakin."Pabida!" Sabi ni ruah habang sakin nakatingin umirap pa ito bago tuluyang umalis. "Umm..." sa ngayon nasa harapan ko ang bully kong klasmet sige na nga pangalanan na natin si Zhaun sobrang tangkad nito, Di rin ordinary ang kagwapuhan niya.  At sa pormahan halatang bad boy o maangas! "Ano bang pwede kong gawin para masuklian kita sa ginawa mo kanina?" Seryosong sabi nito. "Kahit ano gagawin ko. Kailangan mo ba ng asawa?"

"Sorry bro. She's taken!" Sabat naman ni austin na inakbayan pa ko kaya napatingin ako sa kanya na sakto namang tumingin din siya sakin nagulat nga ko ng pisitin niya ang baba ko ee! "Let's go." Yaya nito saka kami naglakad palayo kay Zhaun. Wala naman sigurong masama na kasama si austin? Matagal na ding panahong nagkahiwalay kami bukod pa diyan ngayon lang kami nagkakasundo. "May ruah ka na nga may mar ka pa! Kaya hindi ako nag kakagirlfriend ee dahil sa tulad mong timer." Sigaw ni Zhaun. Bigla ko namang inalis ang kamay ni austin na nakaakbay sakin. Nung paliko na kami sakto namang nakasalubong namin sina pleum at nicole. Nagkatitigan kami ni pleum at parehong napahinto. Dali dali akong binalikan ni austin saka inakbayan. Samantalang si nicole hinawakan niya ang kamay ni pleum saka hinila paalis. Nabigla ako. Akala ko di sila makakapasok ngayon. ~sigh~

Lumabas kami ng school. Idinala niya ko sa mamahaling restaurant. May lumapit saming babae. After 15 minutes nasa harapan na namin yung pagkain. Ang daming seafoods. May malaking crab may hipon di ko na nga alam kong ano yung iba ee. Nag hand gloves kami. "Ahhh." Biglang namula ang pisngi ko susubuan kasi niya ko. Kakainin ko ba? Hindi ba ang panget tignan?! "Hmmm... Sarap!" Sabay kaming napatingin ni austin dito. Si pleum. "Patay gutom ka ba?" Galit na sabi ni austin dito. "Sorry i hate pick ups." Umupo ito sa tabi ko saka inagaw ang plate ko.  Ganado itong kumain para bang ilang araw na di nakakain.

Nagtawag na lang si austin ng waitress para sa extra plate and rice. Ilang beses akong binibigyan ni austin ng hipon pero inaagaw lahat yun ni pleum. Pero sa totoo lang wala akong balak kainin yun. Napansin kong naiinis na si austin kaya hinawakan ko ang kamay nito para kumalma. Bigla namang umubo ubo si pleum sa bandang kamay namin kaya kumalas kami. Saka lang siya nahinto nung naghiwalay na ang kamay namin. Di ko alam? Pero nagseselos ba siya?! Pagkatapos naming makakain inilabas ko ang gamot ko para mainom ito. "Para saan yan? May sakit ka ba?" Nag aalalang sabi ni austin. "Para sa allergy ko sa hipon. Nakalimutan mo na ba?" Balik tanong ko dito. Baka kasi may nakain ako di ko lang napansin. "Oo nga pala. Sorry nakalimutan ko matagal na panahon na kasi yun!" Nahihiyang sabi ni austin.

"Very convincing! Buti na lang dumating ako!
i'm your knight in shining armor!" Sabay ngisi ni pleum di ko alam pero parang gusto kong maniwala. ~smile~  "Kukunin ko lang yung kotse. Hintayin mo na ko dito para di ka mapagod." Utos ni austin na hinawakan pa ang ulo ko. Pumunta ako sa ilalim ng puno ng niyog para di ako mainitan. Napatingin ako sa gawi ni pleum naka bulsa lang ang dalwa nitong kamay.  Napatingin ako sa itaas ng may magsalita ng miss pero pa landing na mga buko ang nakita ko. Ang tanging nagawa ko na lang ay pumikit. Narinig kong nalaglag na ang mga ito. Pero bago pa yan ay naramdaman kong may yumakap din sakin. Dahan dahan akong napatingin dito. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Takot na takot ako!!! Nagtitigan pa kami. "P-Pleum!"

"Tatanga tanga ka pa rin talaga!" Galit na sabi nito. Di ko napigilan Bigla na lang tumulo ang luha ko. "Dumudugo ang likod mo iho. Dalhin na kita sa hospital!" Natatarantang sabi nung lalaki na may dala dala pang gulok. Sure ako yung dati niyang sugat ito. Umiyak lang ako sa harapan niya akmang pupunasan niya sana ang pisngi ko gamit ang thumb niya kaso sakto namang bumusina si austin. Habang nasa byahe palihim ko siyang tinitignan sa backseat  Parang wala lang sa kanya yung nangyare kanina!Sobrang daming buko kaya nun!Bumaba lang ito nung malapit na kami sa school. Habang paalis kami sa kanya lang ako nakatanaw. Sa lahat ng klaseng napasukan ko. Wala ni isa akong naintindihan kakaisip sa kanya! Sobrang nag aalala talaga ko sa kanya! Napatingin ako sa kinauupuan ni nicole. Wala din ito. Baka magkasama na sila ngayon. ~Sigh~

Si erl ang naghatid sakin pauwi. Dali dali akong pumasok sa kwarto ko. Agad kong tinanggal ang uniform ko. "Nice view!" Napahinto pa ko sa ginagawa ko ng marinig ang boses ng isang lalaki. "Go on." Dugtong pa nito. "Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!"




Don't forget to vote, comment and share.

Marguax Meets PleumWhere stories live. Discover now