Kinabukasan
Kinausap ko si shie about sa nangyare. Marami ang nagsabi na dahil sa sabon yun coz they tried it. "Sino ba namang matinong tao ang uupo sa basurahan?Dahil yan sa katangahan mo!"- sabi ng manager naming si fearlyn pangalan pa lang nakakatakot na. Di ata siya na inform na aksidente yun at di ko kagustuhan.
"Ako na nga tong nagmamalasakit ako pa tong sisiraan mo sa iba. At the first place kasalanan mo din naman kaya nangyare yun sayo kung di mo sila nilandi di sana di mo na kailangang maligo!"-bulyaw ni shie. Nilandi? Ako na nga tong niloloko tapos ako pa pagsasabihan ng malandi!
"Say sorry to her.."-manager
"Sorry!" Nilunok ko pride ko kahit sabon na sabon na ko. Ayoko na kasing bumula joke ng gulo. Ramdam ko namang may sama ng loob sakin si shie ee. Ginawa ko lahat ng ipinag uutos niya sa kagustuhan kong maging ok kami. Kaso wa epek ee. Nagkunwari na lang akong manhid at nagbingi bingihan di niyo na tatanungin talented person ako.
"Ok na din kahit mukhang di ka naman sinser!"-sabi ni shie saka sila umalis.
Papasok na ko sa kitchen sakto namang lalabas si austin. Narinig niya kaya? Nakakahiya! Naglakad ako sa side sakto namang ganun din ang ginawa niya then i step on the other side what a coincidence he did it too.
Kaya napatingin ako sa kanya. Sa mga mata niya. Bat kinakabahan ako? D-Destiny ba ang t-tawag sa gan...to?
Hanggang sa itinulak niya ko. Inis na tinignan ko siya habang naglalakad pabalik sa dinning area. Kaya pala ko kinakabahan! Nag isip pa ko ng destiny! Nalalason na ang utak ko!!!
Pumunta ko sa diswashing area para makapaghugas na. Saka parang batang humikbi ng paulit ulit. Yung epron ko yung ginagamit kong pamunas sa luha ko. Hanggang sa matabig ko yung dishwashing liquid imbis na pulutin ko napatingin ako sa katabi ko. "Panyo?!"offer ni master.
"Baka pati yan mawala ko!" Pero nagulat ako sa ginawa niya... Siya mismo ang nagpunas sa luha ko sa pisngi. Kaya napatingin ako sa kanya.
Pero bakit niya 'to ginagawa? Bakit ngayon lang?! Bat sakin lang?! Masiyado ba kong overacting at meaningful? Nalilito na ko sa mga actions niya. Ayoko ng pag sabihan ako ng malandi. Pagod na kong maakusahan. Pagod na ko sa gulo.
"Wag!" Suway ko dito sabay atras. May naapakan akong madulas(diswashing liquid). Tila tumigil ang mundo ko or should i say slow motion.
Matutumba ako patalikod. Parang pakiramdam ko hirap ako sa paghinga. Halu halong takot at kaba...
Ano na namang sakit tong matitikman ko this time? I decided to close my eyes.
Lord, kahit saksakan ako ng kamalasan pakiusap gumawa ka ng paraan para maligtas ako.
Ilang segundo lang ay may naramdaman akong humawak ng mahigpit sa both arms ko. At first, inisip kong si master ito. Pero hindi!
Dahan dahan kong iniangat ang mukha ko.
Halos maduling ako ng magtama ang mga mata namin. Ang una kong napansin ay ang mga nangungusap nitong mga mata at ang mabango niyang hininga. Para bang scripted lang ba ang lahat uminom ata to ng pabango para dito sa scene na 'to. At ako ang isang bidang babae na iniligtas ng kapareho kong ubod ng kagwapuhan.
Hah?
Kapareho? Ubod ng kagwapuhan?
T-Teka nakakatakot naman tong mga naiisip ko. Erase erase!!! Bat pagdating sa kanya pakiramdam ko yung utak ko pasira na kung anu ano kasing naiisip. Tapos sobrang kinakabahan. Parang aatakihin ako sa puso. Kung about sa love. Alam ko naman ang pakiramdam nun dahil nagmahal na ko. At si mhon yun.
Napapikit na lang ako ng paulit ulit.
Naputol ang naiisip kong 'to at napalitan ng madilim na kaganapan ng
Muli niya kong itinulak!"Waaaaaahhhhh" napuno ng ingay sa loob ng kitchen dahil sa pagsigaw ko.
Malapit na ko kay master thank you Lord u always save me. Heto na saluhin mo ko!
Pero 'tong impakto na to di pa nakisama!!! bigla ba namang lumihis!!!
****Booooooogsh....
Para kong floor wax na bigla na lang itinapon sa sahig. Bukod kay austin na siyang nakatikim sa inosente kong mga labi ay pati na rin itong sahig napakaswerte!
"O-Ok l-lang ako!"- sabay sign ko ng ok kahit nakahiga pa din. "Wala naman nagtatanong ee!"- rinig kong sabi ni austin.
"Bat mo ginawa yuuuun!"- galit na sabi ni master. Ee kung sinalo na lang sana niya ko. Isa pa to ee! Kakagigil.
Tutal mukha namang walang gustong tumulong sakin magkukusa na ko!Nagasgas yung tuhod ko ang sakit ng katawan ko! Huhu.
"Wahahahhahah!"-hayan pinagtawanan na nila ko. Paano may naiwang marka ng lipstick ko sa sahig. Nakakahiya. Napapikit na lang ako dahil sa inis!
Gusto ko tuloy sumabog sa galit!Buset kang austin ka! Sagad hanggang buto ang galit ko sayo!!!
Nagpa early out na lang ako. Hiyang hiya na kasi ko ee. Haharapin ko na lang 'to bukas. Habang naglalakad may nakasalubong ako. Si mhon.
Naglalakad ako papalapit sa kanya at ganun din siya sakin. Habang titig na titig ako sa kanya trying to seduce him para di na ko ipagpalit. Tila slow motion din ang part na 'to. Kulang na langmusic background.
Then suddenly may asungot na umakbay sakin sabay hila. Bakit kung kailan abot kamay ko na saka pa naudlot. Well that's life. Maraming hahadlang. Maraming kalaban. Kaya kapag naging mahina ako i will lose him. At di ko hahayaang mangyare 'to.
Sinubukan kong kumawala. Kaso wala akong nagawa. Malakas ang 'sang to. Bukod pa diyan di ko na maramdaman ang mga paa kong nakasagi sa floor. Its really hard to breathe .
Ng huminto na ito sa paglalakad ay nakahinga na ko ng maluwag. Si austin!!! Kras na kras siguro ako ng taong to!!! Ayaw akong tantanan ee. Nakakatoxic!
Sasampalin ko sana 'to ng Biglang may humila sa kamay ko. Si mhon! Sabay hila din nitong si austin sakin. Gosh! Pinagaagawan ako. Hila dito hila dun. Saglit masakit na Ha! Lord, ang hirap po talagang maging maganda. Yaw ko na!!!
Then si mhon ang unang bumitaw. Yung buong lakas pa niya kong hinila tapos bibitawan din pala ko. Napatingin pa ko sa kanya habang pa landing na ko. Ganun na lang ba? Ganun na lang ba kadali sa kanyang bitawan ako?!
Isang nakakabinging tunog ang umalingasaw at nakaagaw sa atensyon ng lahat ng mga sandaling yun dahil na rin sa pagkabasag ng ilang naglalakihang vase na nagkakahalagang 50,000 each.
Lalo pang nadagdagan ang takot na nararamdaman ko ng makakita ko ng dugo. Nangyare na 'to sakin... Pero bakit hindi ko lahat maalala? Ano ba talagang nangyare sakin?
Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.
.....Thank you for reading.
Don't forget to vote and leave a comment. Godbless you all